Ikapitong Kabanata

5.4K 158 8
                                    

Ikapitong Kabanata

Patrick Gamboa

The night breeze was warm as if summer was still in season as Alyssa and I walk in silence in a route that I think she usually took. But as soon as we turned around the corner of the Avelarde Street towards the park, she suddenly stop in front of Mila's Balut and Ice cream, a local shop of our city. I stop also looking curiously at her.

Napatingin siya sa akin na may ngiti sa kanyang mga mata. "Gusto mo ng ice cream?"

"Ah..Oo." Nag-aalangan na sagot ko. I haven't eaten ice cream in a while.

Ngumiti siya at lumapit sa counter ng Mila's. "Dalawang tig-isang scope nga po ng ice cream." Sambit niya tapos lumingon sa akin. "Anong flavor gusto mo?"

Lumapit ako sa may counter at tinignan ang mga available na flavors nila. "Vanilla."

"Dalawang Vanilla po." Sambit naman ni Alyssa sa nagtitinda.

Sa pagkatalikod ng tindira ay kinuha ko naman ang wallet ko sa aking bulsa. Nakita ata ako ni Alyssa at naunahan akong kumuha ng pera at pinatong agad sa counter.

"Ako na." Sabi niya.

Umiiling ako at kinuha ang pera niya tapos binalik iyon sa kanya bago ko nilagay ang pera ko. "Ako na." I said firmly. "I don't let girls pay when they are with me."

May pag-aalangan na kinuha niya iyon at ako naman ay bumaling sa tindira at kinuha ang ice cream naming dalawa. Binigay ko sa kanya yong isang cone at nagpasalamat naman siya pero parang nawala yong ngiti sa kanyang mga labi at mga mata.

"May masama ba akong nagawa?" Tanong ko sa kanya ng pinagpatuloy namin ang paglalakad.

Umiiling lang siya at kumain ng ice cream but I can sense na ako ang rason ng pagbabago ng mood niya. Pero ano kaya yon? Dahil ba ako ang nagbayad nitong mga ice cream? Was I being a sexist again? But it would be rude if I had let her pay for the ice cream right? I may be classified by the people here as a bad boy and a playboy but I know how to be a gentleman.

Nakasunod ako sa kanya ng bigla siyang tumawid sa may park tapos umupo sa may tapat ng Antonio's. Shit, bakit dito pa sa may Antonio's? Pagnakita ako ni Axel patay ako nito but what the heck, may magagawa pa ba ako? Wala naman diba? Kaya umupo na din ako sa tabi niya.

Tapos ng makaupo na ako ay bigla nagsalita si Alyssa. "Marami ka palang nililibre na mga babae."

"Huh?" Nagugulohan na tinignan ko siya.

"Wala." Sambit niya tapos nagpatuloy sa pag-ubos ng ice cream niya habang nakatingin sa kawalan.

Bigla tuloy ako napaisip sa sinabi niya. Anong ibig niyang sabihin na lagi akong nanlilibre ng babae? Dahil ba yon sa sinabi ko kanina? That I don't let girls pay when they are with me? Ganun ba yon? Akala ba niya isa siya sa mga babae ko?

Damn, nice one Patrick! I scolded myself. Ito na nga chance mo tapos sinira pa ng pagiging playboy mo.

"You're not one of them." I mumbled.

Napatingin siya sa akin. "Ha?"

Binaling ko ang atensyon ko sa kanya. Looking at her in the eyes. "You are not one of them Alyssa. You are more than them, so don't compare yourself to them."

She smiled, sarcastically though. "Of course I am not. Hindi naman ako nagkakarandapa sayo diba?"

Umiiling ako. "Hindi nga kasi ako naman yong nagkakarandapa sayo eh."

Her jaw dropped. "Anong sinabi mo?!"

Napangiti ako sa reaction niya at hahawakan na sana ang kamay niya ng naramdaman ko ang tumutulong ice cream sa kamay ko. "Damn, sayang ang ice cream." Sambit ko tapos binitawan at sinubo na lang ng buo yong cone.

Si KUYA [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon