Ikasiyam na Kabanata

5.4K 132 9
                                    


AN: Hey guys! I just put this AN to give you a tip on this chapter. May nilagay kasi akong video dito na sana maplay niyo on the part na binagay ko sa kanya para naman mafeel niyo si Patrick kahit papano. lol

anyway, I also want to thank you for the reads and the vote na binibigay niyo sa story na to. And I will surely tell Patrick sa maganda niyong support pagnagkita kami at kung may guts akong sabihin sa kanya na ginawan ko siya ng fanfiction. :)

So sana mag.enjoy kayo sa chapter na to and sorry for the late update busy sa school ang lola niya at sa boyfriend. lol

Bye guys! be happy always and don't lose hope in love. muah! :X

Ikasiyam na Kabanata

Patrick Gamboa

I listen to that part of the song again then pause as I got the right chords to that part. I then turn back my attention to the guitar and played the song till the last part that I was listening into. Malapit ko ng matapos ang pagsipra ng kanta na to na halos pinagpagoran ko ng buong araw. Text ng text na nga sa akin si Axel kung nasaan na ako kasi dapat magkikita kami pero indian mode muna ako ngayon sa gala dahil mas importante to. I have to perfect this song before six pm.

I pause from playing the guitar and played the song again as I listen to the last part of it for almost five times to get the chords. Alam ko na meron namang available na chords siguro para sa kanta na to sa internet but I want some effort on this kaya kinarer ko na ang pagsisipra.

I was about to play the song all over again when suddenly Sophie entered my room.

"Oh Kuya, may ano at nalabas mo ata ang antique mo na guitara ." Sambit nito na umupo sa kama.

"Anong ginagawa mo dito? At hindi ka ba marunong kumatok ha?" Singhal ko sa kanya.

Sophie just rolled her eyes at me then shifted her attention to my laptop. "Oi, One ni Ed pala ang sinisipra mo Kuya, alam mo ba na paborito yan ni Aly na kanta ni Ed."

Napatigil ako sa pagkuskos ng string at napatingin sa kanya. "Talaga?"

Tumango naman agad ito. "Yup, she thinks is it the most romantic song on the album kahit na halos lahat ng tao sa mundo ay nagkakarandapa sa Thinking Out Loud."

Napakunot noo naman ako. "Maganda naman ang Thinking Out Loud ah."

"Maganda nga naman ang kanta pero binaboy na kasi ng buong mundo." Sophie commented with a shrugged. "Tsaka para sa akin Tenerifie Sea yong pinakamaganda."

"Hindi ko tinanong sayo kung ano ang gusto mong kanta ni Ed Sheeran." I told her sarcastically. "At hindi mo pa sinasagot ang tanong ko, anong ginagawa mo dito ha?"

"Wala lang." Humiga ito sa kama ko. "Hindi ko na ba pwedeng pasokin itong kwarto mo?"

"Hindi." Sagot ko naman agad.

"Hmm! Ang bad mo talaga Kuya." She whined. "At dahil dyan hindi ka sasagotin ni Aly."

Tumaas ang kilay ko sa kanya. "Ang babaw naman ng rason mo, at tsaka sasagotin ako ni Alyssa noh."

Bumangon ito sa pagkakahiga tapos inalis ang tsinelas at umupo sa gitna ng kama ko. Feeling at home talaga ang loka loka kong kapatid na to. "Kuya may tanong ako."

"Wala akong alam dyan kaya wala akong eh sasagot." Sambit ko agad.

"Meron Kuya at dapat sagutin mo to." Sabi nito.

Si KUYA [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon