Chapter 3: Unexpected Meeting with the Parents

194 11 2
                                    


Queenie's POV


Inhale. . . Exhale. . . Inhale. . . Exhale. . . Umayos ka nga Queenie! Parang kiss sa cheeks lang eh. Ano yun ngayon lang nakiss sa cheeks? Ngayon lang? ngayon lang?


"hi! hello! Earth to Queenie, earth to Queenie!!! Sino bang kinakausap mo jan?" usisa ni Mikee sa akin.


"hala Mikee! Baka may sa sapi na tong si Queenie! Patawag na kaya ako ng mambabarang?" dumagdag pa tong luka-lukang si Sam.


"anong pinagsasasabi niyo diyan ha?!" kunwaring pagtataray ko.


"eh kase naman po Queenie, kanina ka pa namin pinapanuod kausapin ang sarili mo. May painhale exhale ka pa jan! Make kwento naman! Simula nung naging kayo ni Prince lagi kang lutang! At ngayon naman para kang may sapi! Ganyan ba talaga ang epekto ng love sayo? NAKAKALOKA!!!" hala! ganun na ba ako ka-obvious? sabagay, madami na rin akong utang na kwento dito sa dalawang bestfriend kong mas baliw pa saken.


At ikinwento ko na nga sa kanilang dalawa ang lahat. At take note! Kulang nalang matanggal yung eardrums ko sa lakas ng tili nila!!! Grabe lang aba! Nawindang ang buong nervous system ko! Mygoodness!


"Kyaaaaaaaaaa! Ikaw na talaga teh! Inggit much na si Rapunzel sa haba ng vonggacious hair mo!" chorus pa nilang sinabi yan.


"hahaha, inggit lang kayo. Nga pala, di ako makakasabay sa inyo mamaya pag uwi, susunduin kasi ako ni Prince eh."


"okie dokie! Mukhang may date pa kayo ni loverboy." sira talaga tong si Mikee.




*Pagkatapos ng klase*


"Mikee! Sam! Una na ko ha, ingat kayo." pagpapaalam ko sa kanila.


"Bye Queenie! Enjoy sa date niyo!" kulet talaga netong si Sam ah, date daw.


Naglalakad na ko palabas ng classroom ng biglang nasa labas na pala siya at naghihintay sa akin. Omg! This guy never really fails to make my heart beat faster!!! Para na namang nagkakarerahang kabayo tong tibok ni heart!



"Hi siopao! :) tara na hatid na kita."


"o...osige! Tara na!"




*Sa bahay*



"Mama! Nandito na po ako!"



"Oh anak nandyan ka na pala. May bisita pala tayo. Iho?"


"Prince Monteverde po tita. Boyfriend po ako ni Queenie. Pasensya na po at ngayon lang ako nakapagpakilala sa inyo ng pormal." waaah! Feeling ko tuloy namumula na ako!


"Ah ikaw pala yung gabi-gabing tinitilian nitong si Queenie sa kwarto niya. Aba't napakagwapo mo naman iho. Di na ko magtataka na kabaliwan ka nitong anak ko." hala! Laglagan ba to mama? Ako ang anak mo! Ako! T.T


"ah ganun po ba tita. Ikaw ha siopao, kaya pala pumuputok yang eyebags mo, di ka na nakakatulog ng maayos kakaisip sa akin." at eto na naman po siya sa kahanginan niya at pang aasar sa akin. -.-


"mama! Ano bang sinasabi mo jan? At ikaw prince tigilan mo ko sa pang aasar mo. Pauwiin kita jan eh." nasabi ko habang natatawa.


"Nako kayo talaga. Oh sige ipaghahanda ko muna kayo ng miryenda."


"Ah eh, tita? May ipagpapaalam lang po sana ako. Kung ok lang naman po sa inyo, gusto na po kasing makilala nina Mom at Dad si Queenie. Pwede ko po ba siyang dalhin sa bahay namin ngayon?" ha? Anu daw? Ipapakilala ako? Ehhhhh??? Di nga? Me as in M.E?


He's my Destined NightmareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon