Chapter 24: Confused

55 7 2
                                    

Queenie POV

"Queenie..."

Tawag sa akin ng isang pamilyar na boses.

Nasaan ba ako?

Kung hindi ako nagkakamali, ito yung magandang lugar na pinagdalhan sa akin ni bakulaw. Nung nag dinner kami, kung saan umamin siya sa akin na mahal niya ako.

"Queenie..."

Unti-unting nagiging malinaw sa akin ang imahe ng taong tumatawag sa akin.

Nagsimulang tumulo ang luha ko.

Zyril... :'(

Tumakbo ako papunta sa kanya. Agad ko siyang niyakap.

"Miss na kita Zyril." Yumakap lang siya sa akin ng mahigpit.

Nananaginip lang ba ako? Kung oo, pwede bang wag nalang ako magising?

I'd rather sleep forever, than stay awake living without him.

Kung iisipin, bago palang kami magsisimula ni Zyril. Sa tagal ng pinagsamahan naming dalawa, puro lang asaran, bangayan at away ang nangyari. Hindi kami sweet o kung ano pa man.

Pero kahit ilang beses ko pa siyang iniwasan o itinaboy, hindi niya ako iniwan.

Alam kong mahal ako ni Zyril.

Kumalas si Zyril sa pagkakayakap niya sa akin. He wiped my tears and flashed his angelic smile at me.

"I love you." he wisphered.

Naglakad siya palayo sa akin. Hinabol ko siya. But I was too late. He already vanished. And there I was left, dumbfounded.

***

I slowly opened my eyes, hoping and praying that I wasn't dreaming. That everything is real. But what would I expect? Reality is always damn selfish.

Sa gilid ko ay nakita ko si Prince na mahimbing na natutulog. Pinagmasdan ko ang maamo niyang mukha. I felt nothing but anger. Akala ko napatawad ko na siya, pero hindi ko inaasahang babalik ang galit ko ngayong nakita ko na siya ulit.

Nung naramdaman niyang gising na ako, agad siyang umupo ng maayos.

"Kumusta na pakiramdam mo?" Tanong niya sa akin.

"Ayos lang ako." Sagot ko.

"May gusto ka bang kainin o inumin? Sabihin mo agad at kukunin ko para sa'yo." He sincerely said with a smile.

"Ano pa bang ginagawa mo dito? Bakit hindi ka nalang bumalik sa U.S? Total simula nung iniwan mo ako, kinalimutan ko nang nagkaroon ka ng pakialam sa akin. So, why bother asking me those?"

Nakangiti lang siya sa akin na parang hindi niya narinig ang mga sinabi ko. Nakakainis.

"Ikukuha nalang kita ng mga prutas." At agad siyang umalis.

Yung totoo, ano bang problema niya? Hindi ko naman kailangan ng awa niya eh.

Bakit ba kasi bumalik ka pa Price?

***

Halos dalawang linggo na akong nakaratay sa kama ng ospital na 'to. At sa bawat araw na dumadaan ay walang palya si Prince sa pagbabantay sa akin.

There's a part of me na medyo nakokonsensya ako. Lagi ko kasi siyang sinusumbatan at sinusungitan. Alam niyo yung siya dapat yung mainis sakin pero kabaligtaran yung nangyayari, ako yung naiinis kasi deadma lang siya.

Never siyang nagsalita o nagreact sa mga sinasabi ko. Palagi niya lang ako nginingitian.

Dapat ko na bang itanong sa kanya? Matagal ko nang gusto malaman ang rason niya.

Handa na ba akong malaman ang lahat?

"May gusto ka bang sabihin?" tanong niya.


Ngayon ko lang napansin na ang tagal ko na palang nakatitig sa kanya. I know this day will come.

"Bakit mo ko iniwan?" And there I said it. Parang natanggalan ako ng tinik sa lalamunan. At ngayon, ang kailangan ko nalang gawin ay tanggapin kung anuman ang magiging paliwanag niya.

"Hindi ko ginustong iwan ka." Panimula niya. A...ano daw? Hindi niya ginusto? Eh maliwanag naman dun sa text message niya na wala na siyang pakialam sa akin.

Mas pinili ko nalang na huwag umimik at patuloy na makinig sa paliwanag niya.

"Si Mr. Feddington ay isa sa may pinakamalaking shares sa kumpanyang pinagtatrabahuhan ng ng dad mo. Makapangyarihan siya at kahit ano ay kaya niyang gawin gamit ang pera. Alam ng dad mo ang tungkol dito dahil kinausap siya nito, at binalaan na gagawin nito ang lahat para lang matanggal ang dad mo sa trabaho kapag hindi nito sinunod ang gusto niya." Teka, anong kinalaman ni papa dito? Anong kalokohan ba pinagsasasabi niya?

"Naalala mo pa yung huling beses na nagkasama tayo?" Oo naman, masaya pa nga tayo nun eh. Tapos kinabukasan ginulat mo na lang ako at iniwan ng walang dahilan.

"I've met Mr. Feddington's daughter. Dahil sa mayaman ang pamilya niya, tinakot niya akong ipapapatay ka niya kapag hindi kita iniwan. Maniwala ka Queenie, natakot ako na baka totohanin niya ang banta niya, habangbuhay kong sisisihin ang sarili ko kung may mangyaring masama sa'yo." Oh my god. Hindi ko alam ang irereact ko. Dapat ko ba siyang paniwalaan? Pero bakit naman siya maggagawa ng kwento? Kahit sinaktan niya ako, alam kong this time, he's telling the truth.

Sunud-sunod na pumatak ang mga luha ko. All this time, ako lang pala ang inaalala ni Prince.

"Patawarin mo ako. Mahal na mahal kita, sana maniwala ka. Alam kong nasaktan na kita kaya sana, bigyan mo ako ng pagkakataon na bumawi sa'yo." Puno ng sinseridad ang mga mata niya.


Ano bang dapat kong gawin? Naguguluhan ako sa nararamdaman ko ngayon.

Pakiramdam ko lumambot ang puso ko dahil sa ginawa ni Prince para sa akin. Mali na nagalit ako sa kanya.

"Napatawad na kita Prince, pero I'm sorry." I paused for a while. I looked at his expression, he just flashed a sad smile.



"I'll wait. I'll still try to win you back. Though I know you already have someone, I won't waste my chance, even if it took a lifetime, I will fight for you." He sincerely said.

I just smile. Knowing him, he is a man of his words. Gagawin niya talaga lahat hangga't alam niyang kaya niya.

"Take a rest. I love you Queenie. I still do, and forever will."

Nakakalungkot. I've waited for those words from him before, but now?

I'm waiting for the man I love to say those words to me.


I'm waiting for us to meet again.

But the question is...

Do we really have a commitment for real? Or is it just a dream? A nightmare I want to escape.


Totoo ba ang lahat? Simula nung nagkakilala kami, hanggang sa minahal namin ang isa't isa, nangyari ba talaga yun?



Kailangan kong malaman ang sagot.



I must find Zyril.



He's my Destined NightmareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon