Chapter 7: Who's that stranger?

71 7 0
                                    

Queenie POV

Nasilaw ako sa sinag ng araw na tumambad sa mga mata ko. Nababalot ng puro puting kulay ang paligid ko. Patay na ba ako?



"Aray!" Agad akong napahawak sa ulo ko. May bendahe ito at ang dami kong galos sa katawan.


Naaksidente nga pala ako.


Bumukas ang pinto ng kwarto ko at bumungad sa akin si mama na maluha-luha na sa saya dahil gising na ako.


"Anak! Queenie ko buti gising ka na! Sandali at tatawagin ko lang ang doktor."


Agad umalis si mama. Alam kong nag aalala silang lahat sa akin.


Sana siya rin. . .


May pakelam pa kaya siya sa akin? Ano naman kung malaman niya na naaksidente ako. Wala rin namang magbabago. Masasaktan lang ako tanggapin ang katotohanang hindi na ako mahalaga sa kanya.


Naramdaman kong unti-unting nababasa ang pisngi ko. Umiiyak na naman ako. Pesteng luha naman to oh.


Pero kahit ngayon lang. Kahit sa sandaling ito, gusto kong umiyak. Sa huling pagkakataon...bago ko siya tuluyang kalimutan.


Gusto kong amining mahal na mahal ko pa rin siya. Na walang-wala ang galit ko kumpara sa pagmamahal ko sa kanya.


Miss na miss ko na siya. Siguro kung nandito siya ngayon, sobrang mag aalala yun. Baka mas OA pa magdrama kay mama yun eh. Hahaha ang OA pa naman nun minsan.


That guy who never fails to make my heart thump. That guy who always make me feel special. That guy who loves me so much...


Prince...


Naalala mo pa ba yung pangako naten sa isa't isa? Walang iwanan diba? Sabay tayong lalaban diba? Pero bakit?


Bakit mo ko iniwan. . .


Kasinungalingan lang ba ang lahat? Did you just make a fool of me?


Nagulat si mama nang makita akong umiiyak. Agad niya akong niyakap. Ang sakit pa rin. Sariwa pa rin ang sugat sa puso ko. At alam kong maghilom man ito, may marka nang magtatanda ng iniwan niyang alaala sa akin.


"Tahan na anak...nandito pa kami ni papa at kuya mo. Mahal na mahal ka namin. Kung si Prince ang inaalala mo, wag na anak. Tama na ang lahat ng sakit na pinagdaanan mo. Oras na para ipahinga mo naman ang puso mo."


"Ma, ang sakit-sakit po. Hindi ko maipaliwanag. Hindi ko na po alam ang gagawin ko."


Para akong bata na nagsusumbong sa nanay. Nakaramdam ako ng kapanatagan ng loob dahil pakiramdam ko ngayon hindi ako nag iisa.


This is what I badly need right now. A hug that says "Everything will be alright."


Nakatulog ako ng may luhang dumadaloy sa mga mata ko. Imposible man pero sana paggising ko, tuluyan na kitang makalimutan.


***


After two weeks sa ospital, pinayagan na rin akong lumabas ng doktor. Thank God! Binigyan nalang ako ng reseta ng mga gamot na dapat kong inumin.


Malapit na rin pala ang intramurals namen. Dahil inadvice saken ni doc na wag munang sumali sa mga physical activities, ayun kasama ko ang dalawa kong baliw na bestfriend na parang mga timang na kinikilig sa mga boys na nagpapraktis.


"Kyaaaaaaah! Ang gwapo talaga ni Victor! ^///^ hottie beybe! Rawrrr!" Si Mikee na nabubuang na. Binatukan ko nga. Aray siya eh hahaha.



"Ohmygee! Who's that handsome/cutie/hot/papalicious fafa over there??? *O*" grabe ilang batalyon ng langaw na kaya kasya sa bibig netong si Sam? Nganga kung nganga eh.


Napatingin ako dun sa lalaking handsome/cutie/hot/papalicious fafa daw. Yun na yun? Mukhang ano lang naman eh...ahm ano...tsk fine gwapo na siya. Pero hindi siya familiar eh. Mukhang transferee ata.


Yung dalawang kasama ko, hindi lang ata na-starstruck dun sa lalakeng yun, na-moonstruck na rin ata. (okay corny. pagbigyan si author) Grabe kulang nalang lumabas yung eyeballs nila.


Napansin kong nakatingin saken si kuyang transferee. Teka? Nakangiti ba yun saken? Hala! Baka manyak to o kaya may saltik!


"Kyaaaaaaa! Nakangiti siya sayo gurl!" Napakasadista talaga nitong si Mikee. Hampas-hampasin daw ba ako! Yung totoo siya talaga ang kinikilig hindi ako.


"Ano naman kung nakatingin yun eh wala rin naman akong mapapala. Maiinlove ka tapos kapag nafall ka na iiwan nalang bigla. Nako boys are boys. End of convo".


"Ay may nabubuhay na ampalaya somewhere, nafifeel mo ba Sam?" Kinaltokan ko nga. Nagpaparinig eh.


"Awtsu, defensive much ka teh! May nakita lang ako babaeng kulubot ang feslak dahil nakulangan sa facelift! Kaloka myghed." Palusot pa ni Mikee.


Dahil lokaloka silang dalawa ay umalis na kami kung saan naroon si kuyang transferee.


Irregular na rin ang klase namin kaya papetiks-petiks lang kami ngayon. Bago kami umuwi, nagfoodtrip muna then kwentuhan.


"Oh Queenie baka naman shungangers ka nanaman ah! Naku kinakabahan Kami sayo. Hatid ka na kaya namin?" OA talaga nitong dalawang bestfriend ko hahaha kaya mahal na mahal ko to eh.


"Magsiuwi na nga kayo ah! Shupi na! OA niyo! Kitakits nalang bukas. :)" Agad ko silang pinalayas. Maingat akong tumawid, takot ko nalang na maospital na naman noh! Wag na uy!


Hindi naman ako psychic o ninja at hindi rin naman ako assuming na may sumusunod saken pero... meron talaga eh!


Hindi ko nalang muna pinansin pero sa lahat ng eskinita na lusutan ko kasunod ko siya!


Waaaaaaaaaaaaaaah! Goodbye world na ba?! Magpapaalam na ba ang dyosang bida niyo? Huhuhu pakisabi nalang sa parents ko at sa dalawang bruhildang bestfriend ko na mahal ko sila! Pakisabi na rin kay Prince na mumultuhin ko siya!


Hindi ko na inabala ang sarili kong lingunin kung sino man ang nasa likod ko. Madilim na rin ang paligid kaya binilisan ko nalang ang lakad ko. Omg! Bumibilis din ang lakad niya. Sinusundan nga niya talaga ako!


Tumakbo na talaga ako at shems! Tumatakbo na rin siya! Ewan ko ba kung sadyang clumsy lang talaga ako o tanga eh. Nadapa lang naman ako. Sa lahat ba naman ng oras na sasapian ako ng espirito ng kashungaan, malas at ngayon pa yung time na yun.


This is it na talaga. Ang cliche lang ng naiisip ko. Yung tipong pagkatapos ilapastangan ang katawan ko, ibabalot ako sa sako tas ipapatapon sa ilog pasig para sure na nowhere to be found! Naku naman oh! Hindi pa ako nakakamove on 100% eh. Bahala na nga.


Iniangat ko ang mukha ko.















"Ahhhhhhhhhhhhhhhhhhh!!!"


-----------

Thank you for continues reads ^_^

He's my Destined NightmareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon