Chapter 12: No to love

62 7 0
                                    


Queenie POV

Tatlong araw na rin ang nakalipas mula ng huli kaming nagkita ni Zyril. At tatlong gabi rin akong ginulo ng mga kagimbal-gimbal na rebelasyon niya. Buti nalang at dumaan ang weekends, baka magmistulang zombie ako sa classroom pag nagkataon.

Kung tutuusin nga, ano naman kung kilala niya ako? Kung stalker ko nga siya eh pakialam ko ba? Tama. Dedmahin mo nalang Queenie. You should not give a damn anymore. You're just confusing yourself.

Yeah I must forget it like I haven't known it. He's just someone I've met in a coincidence. I should not waste my time thinkin' about that stupid revelation of his. It's rather a waste of time.

***

"So girl! Ano na? Nagkita ba kayo ulit dun sa may eskinita sa inyo? Nakuha mo na ba number niya? Yung namesung noselift mo na? Enebe magkwento ka nga! Ang slow--- a...aray! Bakit ka ba nambabatok jan! Huhuhu." Yan ingay kase Mikee.

Pagka enter ko palang ng classroom, agad akong hinatak niyang si Mikee at agad akong isinalampak sa upuan ko. Grabe much maexcite ang babaeng ito! Madidislocate ata ang mga buto ko sa kanya.

Hindi pa man ako nakakapagrelax ay agad niya akong binugbog ng mala Boy Abunda niyang questions. Aba hindi pwede maging reporter ito at walang preno magtanong! As in mawiwindang ka nalang at hindi ka na makakasagot ng matino. Kaya naman ayun, pinag almusal ko ng batok nang matigil naman sa pagratatat.

"Umayos ka kase! Paano ko masasagot yan kung sunud-sunod ka magtanong? One at a time pwede?" buti nalang ako pag nagtatanong paisa-isa lang.

(A/N: Weh? Paisa-isa raw. Kaya pala nung ininterview si Zyril wala ring preno sa pag interrogate. Hahaha.)

(Hey author wag kang magulo dyan! Binuking pa ako. Tsss.)

And sakto dumating na rin si Sam.
Naku po! Napa facepalm nalang ako. -_- Mukhang alam ko na kahihinatnan nito. Hay.

"Queenieeeeeeee! Oh my gulay tell me the scoop! Dali na! Anong name ni hottie babe? Taga saan siya? May girlfriend ba s---a...wwww! Ang sakit nun ah! Ikaw ah nagiging amazona ka na talaga!" Kuda pa more, kaltok tuloy inabot ni Sam pero mahina lang naman. Oa lang talaga magreact yang dalawang lukresya na yan. Hindi naman ako amazona noh!

And as expected, join force pa ang dalawang to. Hay sumasakit ang ulo ko sa kanila. Para manahimik na sa pag interrogate yung dalawa, kinuwento ko na sa kanila ang bawat detalye ng mga pangyayari.
Mula sa pag aalaga ko sa kanya nung may sakit siya, hanggang dun sa huling sinabi niya na sadyang nagpagulo sa isip ko.

Mukhang ihahanda ko na ang tenga ko. Goodluck nalang sa akin, sana makarinig pa ako after nito. Ready to count at 3...2...1... Blast off.

"Waaaaaaaaaaa!!!!!!! OH.MY.G!!!!!!! Kyaaaaaaaaaaaaaaa!!!! ^O^

Grabe nabasag ata eardrums ko. Gising pati kaluluwa ko! ANG TINDI.

"As in hinalikan ka talaga? Ang gwapo nun bes! Kaya pala sa'yo lang yun nakatingin nung praktis ng intrams. Enebe nekekekeleg keye! Over!"

"At knight in shining armor mo raw siya! Ansabe ni Rapunzel sa buhok mo na abot hanggang Pluto!"

Hay nako wala talaga akong laban sa dalawang ito. Maigiit eh.

"Wag nga kayong kiligin dun. Maya-maya eh miyembro pala ng sindikato yun eh kayo talaga ipapain ko dun." Biro ko dun sa dalawa.

Magsasalita pa sana yung dalawa, buti nalang dumating na yung subject teacher namin. At last peaceful na rin ang atmosphere ko yehey. ^_^

Habang naglelecture yung Filipino teacher namin, nagtanung ito bigla ng tungkol sa kwento na pinag aaralan namin.

"Ano nga ba ang kahulugan ng pag ibig para sa inyo? Walang maling sagot, gusto kong ibahagi niyo sa klase ang sariling pananaw niyo tungkol dito." Pambihira naman oh. Nananadya talaga eh. Pag usapan na ang lahat wag lang related sa topic na yan.

Halos pare-pareho naman ang naging sagot ng mga kaklase ko. Kesyo ang pag ibig daw ay yung mutual understanding ng dalawang taong nagmamahalan. Ang pag ibig din daw ang isang sakripisyo and bla bla bla. Badtrip. Ayoko talagang sumagot kaso tinatawag na ako nung teacher namin.

"Ano ang kahulugan ng pag ibig? Simple lang. Hindi ito makasarili. Kapag mahal mo ang isang tao, isasaalang-alang mo yung mararamdaman niya kung masasaktan ba siya sa gagawin mo o hindi. Hindi lang sarili mo ang dapat mong isipin. Kaya ka nga pumasok sa isang relasyon, parehas kayong lalaban sa pagsubok, pareho dapat kayong magdedesisyon, hindi yung mang iiwan ka nalang bigla dahil hindi mo na kinaya. Isinuko mo nalang dahil pagod ka na."

Pumalakpak pa yung dalawang bestfriend ko na akala mo eh sumagot ako sa Q and A sa isang pageant. Haler nagpapakatotoo lang naman. Bitter pa rin ako, I admit it. Siya ang first love ko kaya hindi ganun kadali ang kalimutan siya. I would be lying if I say na hindi na ako naaapektuhan.

Natapos ang araw na ito na badtrip ako. Paano ba naman di mababadtrip eh itong dalawang bestfriend ko kanina pa ako inaasar. Nandyan naman daw si Zyril para maging matamis ang ampalaya. Anong kalokohan yun. -_- Bitter ako pero di hamak na ang layo ko sa ampalaya noh! Hay ewan!

Nagpaalam na ako kina Sam at Mikee na uuwi na ako. Hays. Not a good day indeed. Buti nalang at wala ang bakulaw na Zyril na yun.

Di ko pa gustong umuwi kaya dumiretso ako sa malapit na mall sa school namin. Total 20 minutes lang naman ang byahe kaya di na rin hassle.

***

Nandito na ako sa mall at ito na naman ang ninja senses ko. In my peripheral vision I know someone is looking at me. Sumakay ako sa elevator and good thing solo ako.

And to my surprise, someone enter and hug me.

OH MY G! Help!

---

Itutuloy :)

He's my Destined NightmareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon