Chapter 38: The antagonist's other side

45 6 0
                                    


Samara POV

Bwisit na Queenie yan! Pasalamat siya binuhay ko pa siya eh! Dahil sa kanya hindi ako magawang mapansin ni Prince!




Bago pa man siya mahalin ni Queenie, ako na ang unang nagmamahal sa kanya! How dare she steal Prince from me!




FLASHBACK

First year high school ako nang una kong makita si Prince. Second year na siya nun at same kami ng pinapasukan na school. Di maitatangging sikat siya. Gwapo, matalino, pero certified playboy! Para lang siyang nagpapalit ng underwear kung magpalit ng girlfriend pero kahit ganun siya, nagustuhan ko pa rin siya.




Tumagal ng tatlong taon ang pagpapantasya ko sa kanya. Palagi akong nag iiwan ng pagkain, rose at letter sa locker niya. Natatakot akong magpakilala sa kanya kasi di naman niya ako magugustuhan eh. Mataba ako, maitim, maraming tigyawat at may makapal na salamin. Sino ba naman ang magkakamaling magkagusto sa gaya ko?




Graduation na nila ngayon, napagdesisyonan kong magconfess na sa kanya ng feelings ko. Para kung hindi man maging maganda ang kalalabasan, hindi na kami magkikita kasi graduate na siya diba?




Nag iwan ulit ako ng letter sa locker niya at dun ko sinulat kung saan kami magkikita.




May dala akong 3 red roses, chocolates at yung regalo ko sa kanya. Grabe nanginginig ang mga tuhod ko at parang nanunuyo na rin ang lalamunan ko sa kaba.




Ilang minuto rin akong naghintay dito. Hay dadating pa kaya siya?




OMG. Nandito na siya! Umayos ako ng tayo at hinintay siyang makalapit sa akin. Nakakunot ang noo niya at pansin sa mukha niya ang pagkairita. Aray. </3




"Ikaw ba yung naglalagay ng kung anu-ano sa locker ko?" Naiiritang tanong niya.




"A-ako n-nga... Ah ahm para sa'yo nga pala to." Nakangiti kong iniabot sa kanya yung mga dala ko.




"Grabe din pala pagka ilusyonada mo noh? Tingin mo ba magkakagusto ako sa mga tulad mo? Wala ka pa sa dulo ng daliri ng mga babaeng dini-date ko eh. Nagpapatawa ka ba ha?" Kung pwede lang humukay na ako ng lupa para lamunin na ako. Grabeng pangmamaliit naman ng mga sinabi niya.




"Wala akong pakialam Prince! Kaya ako nandito ay para sabihin sa'yong mahal kita! Tatlong taon na kitang minamahal!" Di ko na napigil pa ang mga luha ko. Nakatingin siya sa akin na parang nandidiri. Ang sakit.




"Manahimik ka nga. Mahiya ka sa mga sinasabi mo! Hinding-hindi ako magkakagusto sa mga gaya mo na baboy at panget! Sinisira mo lang ang araw ko!" Ibinato niya sa akin yung mga binigay ko sa kanya. Tawanan lang ang narinig ko sa paligid ko. Marami palang nakapanuod ng pagpapahiya niya sa akin. Hindi ko magawang tumakbo.




Umiyak lang ako ng umiyak sabay ng pagbuhos ng malakas na ulan. Parang mababaliw ako sa halo-halong emosyon na bumabalot sa pagkatao ko.




Tinanggap ko ang lahat kay Prince kahit alam kong ugali niyang manakit ng damdamin ng mga babae. Pero hindi ko inaasahang ganito pala siya kasama.




"Pagsisisihan mo ang lahat ng sinabi mo Prince! Magbabalik ako! At sisiguraduhin kong pagbabayaran mo itong ginawa mo sakin! Maghintay ka lang! Gaganti ako!" Umiyak lang ako ng umiyak hangga't sa wala na akong mailabas pa. Namamanhid na rin ang buong katawan ko.




Aalis muna ako pansamantala mahal kong Prince. Sa pagbabalik ko, sa ayaw at sa gusto mo, magiging akin ka. Akin ka lang Prince Monteverde.

END OF FLASHBACK




Bumalik ako dito sa Pilipinas matapos ang dalawang taon. Payat na ako, maputi, maganda at wala na rin ang salamin ko. Binago ko ang lahat sa sarili ko para magustuhan na ako ni Prince.




Tanga na siguro akong maituturing dahil hanggang ngayon, mahal na mahal ko pa rin si Prince. Ginawa kong motivation yung pagpapahiya niya sa akin dati para magawa kong ayusin ang sarili ko.




Pero WTF? Matapos kong paghirapan ang pag aayos ng sarili ko eh biglang may eepal?!




Nalaman kong may girlfriend na ngayon si Prince at ayon sa mga nakalap kong impormasyon, seryoso na siya sa babaeng yun! Wow! Just wow! Kailan pa nalagay sa bokabularyo ni Prince ang salitang "pagseseryoso" ?




Same school din sila ng pinapasukan. Tsk. Hindi ako papayag na ibang babae ang makikinabang kay Prince. Akin lang siya!




At mukhang nasa palad ko nakasalalay ang laro. Natuwa ako nang madiscover ko na yung tatay nung girlfriend ni Prince ay under ng sa company ni dad. Madali kong makukuha ang gusto ko. *evil laugh*




Ang plano ko ipatanggal ang tatay nung babaeng yun sa trabaho kung hindi ito makikipaghiwalay kay Prince. Pathetic? I don't care.




Pero pagkakataon nga naman. Nagkrus muli ang landas namin ni Prince. Hindi na niya siguro ako makilala dahil iba na ang itsura ko ngayon.




"Miss me my dear?" Niyakap ko siya. Namiss ko naman talaga siya eh. At hanggang ngayon, malakas pa rin ang tibok ng puso ko dahil sa kanya.




"Bitawan mo ako. Anong kailangan mo?" Nakakunot ang noo niya. Well.




"Anong kailangan ko? Ikaw." Ngumiti ako ng malapad. Its payback time.




"Tumigil ka! May girlfriend na ako kaya please wag mo na kaming guluhin. Kahit anong gawin mo hindi ko siya iiwan." Mahinahon na sabi niya.




"Oh really? Paano kung ipaligpit ko siya sa mga tauhan ni daddy, hindi mo pa rin ba gagawin ang gusto ko?" Namutla siya sa sinabi ko. Nakakatawa siyang tignan.




"Please wag mong sasaktan si Queenie." Pagmamakaawa niya. How pathetic.




Pero nasasaktan ako. Maganda na ako ngayon pero bakit sa isang gaya lang ni Queenie Fajardo eh handa siyang magmakaawa sa akin? Ganun niya ba kamahal ang babaeng yun?!




"Then come with me. And break her heart, ASAP." At saka ko siya hinalikan sa pisngi.




Sumunod naman si Prince sa deal at sumama siya sakin sa US. Pero kahit kasama ko siya, parang wala din naman.




Palagi siyang tahimik at umiiyak. I can't give him up to that girl. Hindi ko siya hahayaang mapunta sa iba. Never.




Sa inis ko sa sitwasyon namin ni Prince, inutusan ko na yung tauhan ni daddy na sila na ang bahala dun sa Queenie. Pero hindi ko naman siya ipapapatay. Gusto ko lang iremind si Prince na hindi niya dapat ako ginaganito.



Pero bwisit! Nung nalaman niyang nasa ospital yung Queenie, agad siyang umuwi ng Pilipinas para puntahan yun. Iniwan niya ako!



Wala namang nakakaalam ng nararamdaman ko eh. Nagawa ko lang naman yun dahil sa sobrang pagmamahal ko kay Prince. Kahit saang anggulo tignan mali ang ginawa ko, pero nakakapagod na kasing mareject ng paulit-ulit eh. Kailan ba magiging ako? Kailan ba niya ako makikita?



Tinawagan ko siya one time para ipaalala sa kanya yung kasunduan namin. Naiyak nalang ako ng tahimik nung marinig kong galit na galit siya sa akin. Alam na niyang may kinalaman ako sa nangyari kay Queenie.




Agad akong nag book ng flight papuntang Pilipinas para kuhanin ang dapat ay sa akin. Wala na akong pakialam kung isumpa niya ako. Mahal ko siya at di niya ako mapipigilan mahalin siya.




After I arrived here in the Philippines, dumiretso agad ako sa isang club. Kailangan ko ng pampalakas ng loob kapag nagkita na kami ni Prince.




Napansin kong nagkakagulo dun sa may counter. Shocks. Coincidence ba ito?





Agad akong lumapit sa duguang lalaki na halos di mo na makikilala dahil sa pagkakabugbog sa kanya.




"Nandito na ako Prince, hindi na kita iiwan."

He's my Destined NightmareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon