Chapter 41: Goodbye feelings (Part II)

59 5 0
                                    

Queenie POV

Makaraan ang ilang minuto ay nakabalik na si Zyril dala ang double dutch icecream namin. Grabe ang sarap talaga neto! T^T

Halos sunud-sunod na ang subo na ginawa ko dun sa icecream, wala muna akong paki kay Zyril ngayon. XD

Nung nalingon ako sa gawi niya ay ngiting-ngiti ang mokong! Problema neto?

"Hoy may sarili kang icecream! Wag mo nang pag interesan 'tong sa akin!" Sigaw ko sa kanya. Aba't tinawanan na naman ako?

"Ang dungis mo kumain, para kang bata. Saglit nga punasan ko muna yang mga icecream sa bibig mo." Gamit yung panyo niya, pinahid niya iyon sa bibig ko. Napalunok na lang ako sa kaba. Ang lapit ng mukha niya sakin!

"O-ok na yan Zyril. S-salamat." Shems! Nauutal pa ako! Nakakahiya!

"Salamat ha? Sinasamahan mo ako ngayon dito. Hindi biro ang maglaan ng oras pero nandito ka ngayon at kasama ako, salamat sa oras mo ha? Sobrang saya ko ngayon." Masaya na rin ako dahil masaya ka Zyril. Sana wag ng matapos ang araw na 'to.

"Drama mo! Tara na nga horror house!" Iniwas ko yung tingin ko sa kanya, feeling ko kasi maiiyak na naman ako.

Pero t-teka... Geez! Bakit ko siya sa Horror House niyaya?! Pambihira naman kasi ah! Sa pagkataranta ko kanina sa horror house ko siya nadala! Huhu I'm dead.

Takot ako sa horror house eh. :(

Nung makapasok na kami sa loob, halos nanginginig ang buong katawan ko. Palinga-linga ako sa paligid kasi baka may bigla humablot sa paa ko o kaya'y baka may humabol na naman sa aking sadako. Huhu ayoko talaga dito!

Mukhang walang epekto kay Zyril yung mga nakakatakot at nakakagulat na mumu, samantalang ako kulang nalang atakihin na sa puso! Nahihiya naman akong dumikit sa kanya, baka kung ano pa isipin ng bakulaw na to.

Nasa kalagitnaan na kami nung may naramdaman akong malamig na kamay sa paa ko at biglang may sumulpot na pugot na ulo!

"WAAAAAAAAAAAH! Mommy! Huhuhu!" Gulat na gulat ako at di ko mapigilang umiyak. Promise, last na talaga to! Papagibain ko na tong horror house na 'to!

"Oy ayos ka lang? Akala ko ba gusto mo dito? Hahaha takot ka naman pala eh." Pang asar talaga 'to! Pasalamat siya natatakot ako ngayon eh!


"Che! Manahimik ka nga!" Huhuhu nasan na ba yung exit dito?


Lumakas ang kabog ng puso ko nang maramdaman ko nakayakap na siya likod ko. Tsansing lang? Sige go lang! XD


"Nasa likod mo lang ako, wag ka nang matakot." Puno ng sinseridad niyang sabi.


Namiss ko 'to. Namiss ko ang yakap niya. Kahit natatakot na ako, pwede bang wag muna namin makita ang exit?


Ikinapit ko na yung mga kamay ko sa kanya. Siguro sa kanya walang malisya to, pero para sa akin...matagal ko nang hinihintay ang pagkakataon, ang mayakap siya.


Sa tuwing may mananakot sa amin niyayakap niya lang ako ng mahigpit. Pakiramdam ko nga safe na safe ako sa mga yakap niya, nawawala rin ang takot ko at napapalitan ng saya. Weird noh?


Agad niyang inialis ang pagkakayakap niya nung makalabas kami. Feeling ko pulang-pula na ang pisngi ko.


Nagyaya siyang bumili ng shawarma. Letsugas na bakulaw to! Ang laki ng ngiti! Nung kumakain kami ng shawarma pataas baba pa ang kilay niya. Eh ano pa nga ba ang ginagamit sa shawarma? Tortilla bread! -_-


He's my Destined NightmareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon