Chapter 26: Where do broken hearts go?

42 6 6
                                    


Jiro POV


Ginabi na ako ng uwi galing kina Princess. Well, siya ang boss kaya lahat ng gusto niya ginagawa ko. Minsan nga pakiramdam ko ginagawa niya kong utusan eh, pero dahil mahal ko siya hindi ko na yon pinansin. Ngayon din yung 1st anniversary namin. Nagtodo effort talaga ako sa surprise ko sa kanya. Pero minsan may nararamdaman akong iba sa kinikilos ni Princess pero di ko nalang din pinahalata dahil baka mag away pa kami.





Narating ko na yung eskinita papunta samin ng may mapansin akong pigura ng tao. Teka, babae to ha, sino kaya to?





"Miss, anong kailangan mo?" Tanong ko dun sa babae.





Dahan-dahan siyang lumingon sa akin at laking gulat ko nung umiyak siya.





"Zyril." Banggit niya sa pangalan ko. Zyril Jiro Cruz ang buo kong pangalan pero Jiro ang ginagamit ko. Teka, sino ba talaga siya? At bakit niya ako kilala? Nakakapagtaka lang kasi ngayon ko lang siya nakita pero parang kilala niya ako.





"Ah eh miss bakit ka umiiyak? At bakit mo ako kilala?" tanong ko.





"Zyril ako to! Hindi mo ba ako naaalala? Ako to, si Queenie! Namiss kita ng sobra!"





Niyakap niya ako ng napakahigpit. Ramdam ko yung kalungkutan niya. Queenie? Wala naman akong kilalang Queenie at miss daw niya ako? Hala may topak ata tong babaeng to eh.





Mabilis kong tinanggal ang pagkakayakap niya sa akin. Loyal ako kay Princess at wala akong balak lokohin siya. Mahirap na pag may nakakita sa amin na magkayakap."






"Miss ano bang ginagawa mo?! Sino ka ba talaga?! Hindi kita kilala kaya pwede bang umalis ka na?!" Nakakagalit lang talaga. Bakit ba bigla nalang nanyayakap ang babaeng to? Wala naman akong natandaan na may naging relasyon kami o anupaman.





"Mahal natin ang isa't isa Zyril. Ikaw si bakulaw ako si siopao, alalahanin mo naman ako please!"





Nakakainis na tong babaeng to. Ang tahimik ng buhay ko tapos guguluhin niya ako?! Kapag nagpatuloy pa 'tong panggugulo niya baka makalimutan kong babae to at masaktan ko siya.





"Miss, lilinawin ko lang sa'yo. May girlfriend ako. Si Princess! Kaya pwede bang wag mo na akong guluhin pa?! Stop blocking my way!"





Itinulak ko siya pero di ganun kalakas. Kahit naiinis ako sa pinaggagagawa niya babae pa rin siya at wala akong karapatang manakit.





Ngayon ko lang nakita ang babaeng yun. Queenie raw pangalan niya? Wala naman akong kilalang Queenie.





Pero habang tinitignan ko siya kanina kita ko sa mata niya ang pananabik na makita ako.





Ipinipilit niyang mahal daw namin ang isa't isa. Hay ewan. Basta si Princess lang ang mahal ko.





Saktong tumunog ang cellphone ko. Dali-dali kong kinuha iyon. Takte nababakla na ata ako, kinikilig pa rin ako sa kanya.





Nanlaki ang mata ko sa nabasa ko.


From: Baby Princess

I love you too Hon. Pick me up tomorrow ok? Muaah!




Kelan pa naging hon ang tawagan namin? Di naman din ako nagtext sa kanya. At Never siyang nagpasundo sa akin pag pupunta ng school.





He's my Destined NightmareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon