Chapter 27: We Meet Again

37 6 0
                                    

Queenie POV

Nakakatamad naman dito sa bahay. Wala akong ibang ginawa kundi humiga ng humiga ng humiga. Hay.



Agad akong naligo at nagbihis. Makapunta nalang sa mall at magwindow shopping. May klase pa kasi sina Mikee at Sam. Hapit yung dalawang yun kasi March na. Hays sayang yung second sem na di ko napasukan. :| Well, mag change nalang ako ng mga subject next year para mahabol ko pa.



"Oh anak, san ka pupunta? Ayos na ba pakiramdam mo?" Tanong ni mama. Kausap niya rin pala si Prince bago niya ako nakita.


Ewan ko ba dun, after class niya lagi siyang pumupunta dito. Ako naman lagi lang nakakulong sa kwarto.



"Punta lang po ako sa mall Ma, tagal ko na rin pong di nakakapasyal ih." Papaalis na sana ako nang mapansin kong nakasunod na sa akin si Prince.



"Tita samahan ko na po si Queenie." Eh? Spell AWKWARD.



"Oh sige Prince, ikaw na bahala kay Queenie. Bantayan mong maigi ha? Ingat kayo."



Wala na akong nagawa. Nakarating kami sa mall ng hindi nag uusap. Awkward pa rin ako sa kanya eh. Nahihiya rin ako dahil nagalit ako sa kanya samantalang siya yung talagang naipit sa sitwasyon.



"Queenie, san mo gustong kumain?" Aish ang gwapo talaga niya. Mateo Do is that you?



"Ah eh sa Jolibee nalang." Waaah namiss ko chicken joy nila! T.T



"Hahaha sige hintayin mo nalang ako dito." Nakangiti niyang sabi. Di talaga ako makapaniwalang naging ex ko tong gwapong nilalang na ito.



I got sad with that thought. Bakit nga ba kami humantong sa sitwasyon na ito?



Alam kong bumabawi sa akin si Prince. Palagi niya akong inaalala kahit pa nung nasa ospital ako. Alam ko na rin namang iniisip niya yung kaligtasan ko kaya siya napilitang iwan ako noon.



I was really thankful to him. Hindi lang ako ang natulungan niya, maging si Papa na rin. Nakwento na kasi sa akin ni Papa yung naging pag uusap nila ni Mr. Feddington.



Kung tutuusin wala akong dahilan para magalit kay Prince kasi kung ako man ang nasa sitwasyon niya, tiyak na yun din ang gagawin ko.



Gustuhin ko mang ibalik muli yung nararamdaman ko para sa kanya pero hindi ko na mauutusan ang puso ko eh.



Kung pwede nga lang na kay Prince ko ibaling yung nararamdaman ko para kay Zyril, kaso magiging unfair naman ako sa sarili ko lalo na kay Prince.



Sana kaya nating diktahan ang puso natin. Para kapag pagod na tayo, kusa nalang mawawala yung nararamdaman natin sa taong hindi naman tayo kayang suklian ng pagmamahal. At para magawa nating mahalin yung taong nagmamahal sa atin ng tunay.



Hindi ko na napansin kung gaano ako katagal na nakatitig sa kanya. Nang bumalik ang diwa ko'y di ko namalayang nasa harapan ko na pala siya. O.O



"Alam kong gwapo ako Queenie pero wag mo kong masyado titigan, baka matunaw ako niyan." Pabiro niyang sabi. Nakakamiss din pala kayabangan nito, para siyang si Zyr...



Medyo napayuko ako nung maisip ko si Zyril. Alam ko namang wala ng patutunguhan tong nararamdaman ko kay Zyril kasi may girlfriend siya.



Kusang tumulo yung luha ko na agad namang napansin ni Prince.



"Sh*t. Sorry Queenie, please wag kang umiyak." Bakit ba siya nagsosorry? Wala naman siyang ibang ginawa kundi isipin ang kapakanan ko.



He's my Destined NightmareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon