Chapter 28: His and Her Sadness

36 5 0
                                    

Queenie POV


Nag ikot lang kami ni Prince sa mall. Nakakamiss siyang kasama. Mas lalo siyang naging makulit ngayon, dati kasi medyo sungit mode pa yan eh.





Nagwindow window lang kami, arcade, walktrip at foodtrip. Kahit papano nawala na yung awkwardness namin sa isa't isa. Balak sana namin manuod ng movie nang biglang may tumawag sa kanya.





"Hello Ma? Kasama ko po si Queenie eh. Ah ganun po ba? Sige po punta na ako dyan." Ay di na matutuloy yung panunuod namin ng movie. :(





"Queenie, ano kasi ah eh may emergency lang, hindi pwedeng hindi ako pumunta. Sorry ah? Hatid na kita." Pag aalok niya.





"Naku Prince ok lang yun, sige na wag mo na akong alalahanin. Baka pasunurin ko nalang sina Mikee at Sam dito." Nakangiting sabi ko para hindi na siya mag alala.





"Sigurado ka ha? Pasensya na ulit. Ahm nag enjoy akong kasama ka. Sana maulit to. Ingat ka ha?" Bago siya umalis ay ginulo muna niya ang buhok ko. Ang kulit niya talaga.





"Nag enjoy din ako Prince. Thanks for accompanying me today. Ingat!" Then we parted ways.





Hay mag isa na naman ako. Ayoko pang umuwi eh. Nag aalangan akong tawagan yung dalawa baka busy.





Napansin ko yung crowd sa may di kalayuan. At parang may live show. Hala, wow instant movie pala to! Popcorn nalang ang kulang! ^_^





Hala! Nakaluhod na yung babae tapos nagmamakaawa siya dun sa lalaki. Boyfriend niya siguro yun. Tapos yung isang lalaki nakahandusay sa bibig tas may dugo sa bibig niya. Takte nahuli na ko sa intense part nung live show!





Nakatalikod yung lalaki sa babae. Ah, alam ko na. Malamang nabuking na yung girl sa kalokohan niya. Ang bright mo talaga Queenie!





Bumilis yung tibok ng puso ko nung makita ko kung sino yung lalaki. It breaks my heart to see him...crying.





Nararamdaman ko yung sakit na dinadala niya ngayon. Yung tingin niya dun sa babae na halatang galit ito at sobrang nalulungkot.





Ang sakit makita yung nasasaktang Zyril na nakilala kong kengkoy, komedyante at masiyahin.





"Minahal kita pero sinayang mo. Pinili mo yan kaya panindigan mo." Ang mga salitang huling pinakawalan niya, damang-dama ko yung galit sa tono ng boses niya.





Napaluha na naman ako. Takte wala talagang kadala-dala tong mata ko sa pag iyak. Nakakapagod kayang umiyak ng paulit-ulit! Pauso kasi tong puso ko eh, walang kapaguran, alam nang wala nang pag asa pero heto at patuloy minamahal siya.





Agad kong pinahiran ang mga pasaway kong luha at tumakbo para habulin ang lalaking mahal ko.





"Zyril!" Tawag ko sa kanya.





"Ikaw na naman?!" Bakas sa mukha niya ang pagkairita nang makita ako. Awts. </3 Naiintindihan ko siya, nasasaktan siya ngayon. The feeling is mutual naman eh, pareho kaming nasasaktan.





"Stalker ba kita?! Bakit mo ba ako sinusundan?! Pwede bang umalis ka sa harapan ko?! Badtrip na buhay to!" Galit na galit siya. Nakakatakot. Ngayon ko lang siya nakitang ganito. Pero mas lumalamang yung awa ko dahil sa sakit na dinadala niya ngayon.





Pero hindi ako nagpatinag at sumunod pa rin ako sa kanya.





"San ka pupunta? Teka Zyril hintayin mo ko!" Ang lalaki ng hakbang niya ang hirap tuloy habulin. T.T Hindi lang pala siya bakulaw, Kapre na!





"Ano ba talagang kailangan mo ha?! Sino ka ba?! Pag ako nabadtrip sayo sasamain ka talaga!" Huhu nakakatakot talaga siya. Ayokong samain sa kanya, mahalin nalang niya ako pwede pa.





Agad siyang sumakay sa kotse niya. Naks, rich kid. Agad akong nagpara ng taxi at pinasundan yung kotse niya. Tsk, mag aalas sais na. Bahala na. Kailangan kong sundan yung bakulaw at baka kung ano pa ang gawin nun.





Kailangan ko pa siyang mapa-in love sakin noh!





Tumigil yung kotse niya sa tapat ng isang... BAR?!





Di ko na alam kung magkano yung naibayad ko kay manong driver at dali-dali akong pumasok sa bar na yun.





Letse ang ingay naman dito! Mga bingi ata tao dito eh! Tas mga warfreak magsayaw! Grabe! Sorry naman eh sa ngayon lang ako napunta sa ganitong lugar eh.





Pag ako nabadtrip ipagtututulak ko tong mga to eh! Psh di ko tuloy makita si Zyril.





Hanap dito. Hanap there. Ayun!





Grabe di naman niya sinabing nauuhaw siya eh di sana binilhan ko siya ng tubig. -_- Kung makainom ng alak parang wala ng bukas! Balak ba niyang magpakalunod sa nakakalasing na inumin na yon?





Namumungay ang mga mata niya. Eh? Shenglot na agad? Kung sa bagay sunud-sunod yung paglagok niya sa alak. Nacurious tuloy ako.





Kumuha ako ng shot glass at nagsalin din gaya nung iniinom niya. Agad kong ininom yun.





Putek! Di man lang ako nainform na ang pangit ng lasa nito! Gumuguhit sa lalamunan ko yung init na dala nung alak. Pwe! Nakakasuka! Psh.





Nung tila lalaklakin na ni Zyril yung bote ng alak, agad ko itong inagaw mula sa kanya.





"H-hoy! *Hik* Bakit mo *hik* inagaw! *hik* Amina yan! *hik* hahaha" Lanja para siyang timang. Tumatawa habang umiiyak. Tsk, mas nasasaktan ako na nakikita siyang ganyan.





"Hahaha *hik* ang tanga ko *hik* talaga! Alam ko namang *hik* di niya talaga ko gushto eh *hik* Ako lang yung tanga *hik* na ipinipilit ang sharili ko sha kanya. Hahaha *hik*" Nakatungo lang siya habang tumatawa ng mapakla.





"Annivershary namin kahapon *hik* shinorprise ko pa sya. Sh*t mahal na mahal ko naman sya taposh niloko nya ko! Pinagpalit niya ko sha mukhang tikbalang! Tangna! Arggh!" Pinaggugulo niya yung buhok niya sa galit. Nanatili lang akong nakikinig sa kanya. Kahit masakit na ang mga naririnig ko.





"Ishang taon! *hik* Ishang taon ang shinayang niya. Hahaha tangna nilang dalawa! Magshama shila!" Naiiyak nalang ako. Hindi biro ang pinagdadaanan niya. Ako nga halos mabaliw nung iniwan ni Prince samantalang ilang buwan palang naman kami nun. Sila ni Princess mahaba-haba na rin ang pinagsamahan nila.





Natawa nalang ako. Isang pekeng tawa na hindi ko maitatago.





"Alam mo pareho lang tayo na nasasaktan ngayon. Kung ikaw niloko, ako naman yung lalaking mahal ko, may ibang mahal. At nasasaktan ako dahil nakikita ko siyang nasasaktan ngayon."





May pumatak na luha sa pisngi ko. Nang humarap ako sa kanya ay nakatingin na pala siya sa akin.





"Ang tanga nung lalaki dahil shinashayang niya yung pagmamahal na ibinibigay nung babae sha kanya. *hik*" Nagulat ako sa sinabi niya. Hay nako kung hindi lang lasing to binatukan ko na to.





Buti alam niyang tanga siya.





Nanlaki ang mga mata ko nung naramdaman ko yung malambot na labi niya na nakadampi sa labi ko. Napapikit nalang ako. Pagdilat ko tumambad sa akin yung natutulog na si Zyril. He look wasted and fragile. Alam kong sineryoso niya yung Princess kaya siya nagkakaganito.





"Di mo naman deserve masaktan ng ganito eh. Nandito naman ako, handa akong mahalin ka ng buo. Hindi kita sasaktan. S-sana kasi ako nalang yung mahalin mo eh." Naluluhang pinagmasdan ko siya habang hinahaplos ang pisngi niya.



He's my Destined NightmareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon