Chapter 43: Damn Stupid

69 6 0
                                    

Jiro POV

Umuwi agad ako sa bahay at kumuha ng tatlong lata ng beer sa ref. Ininom ko ito habang hinihilot ang sintido ko. Tsk, bakit bigla na lang siya nagkaganun?



Mabilis na inubos ko ang unang lata at sinimulang tunggain ang pangalawang lata. Biglang pumasok sa isip ko ang mga sinabi ko sa kanya noon.


FLASHBACK

"Nakikinig ka ba sa usapan namin?" Seryosong tanong ko sa kanya.




"Ah eh hindi. Kararating ko lang dito, hinahanap kasi kita sa loob eh kaso wala ka." Kalmado niyang tugon.



"Kumain ka na ng breakfast. Then you may leave." Iniwan ko siya sa labas at dire-diretsong pumasok sa loob ng bahay.



"Ahm Zyril anong gusto mong kainin?" Masiglang tanong tanong niya.



"Ayokong kumain." Tipid at seryosong sagot ko sa kanya.



"May problema ka ba? Pwede mo naman sabihin sakin. Promise makikinig ako." Hindi ako umimik.



"Wala ka na don. Kung hindi ka kakain, makakaalis ka na." Nakita kong pinahiran niya yung pisngi niyang tinuluan ng luha.



"Ang sungit naman! Oh sige hindi na ako mangungulit. Ipagluluto nalang kita ng breakfast." Nagawa pa niyang ngumiti ng malaki kahit sinusungitan ko siya.



"Hindi mo na kailangang gawin yan." Hindi niya pinansin ang sinabi ko.



"Madali lang naman magluto Zyril, saglit lang ito. Sasarapan ko yung luto ko promise!" Hindi rin siya makulit noh?



"Nakikipag ayos si Princess sa akin. Pumayag ako. Mahal ko pa rin naman siya. You don't have to do this for me. Ayokong maging unfair sa nararamdaman mo. Kung ok lang naman sa'yo, lets be friends."


Nakita ko ang pilit na ngiti sa labi niya.



"S-sige ba! Let's be friends. Kesa naman sa wala diba? Ok lang yun. Don't worry, tutulungan kita para maayos niyo na yung sa inyo ni Princess."

END OF FLASHBACK


Sht! Ang tanga ko! Arrggggh!



Mabilis kong inubos ang ikalawang lata at kinuha ang ikatlo pang beer at ininom na ito ng parang wala ng bukas.



Kasalanan ko kung bakit siya nagkaganun.



Masyado pang masakit ang ginawang panloloko sa akin ni Princess nung mga oras na iyon. Nananaig sa akin yung pagmamahal pero nung sinubukan kong ayusin ang tungkol sa amin, tila ba nawala na yung dating nararamdaman ko. Mahal ko siya pero di ko na siya kayang pagkatiwalaan.



Love without trust is useless. And trust that was once broken won't get back the way it used to be anymore. It might be fixed, but marks will stay forever.



I'm a freaking dumbass for not realizing she's slowly hurting and breaking. I'm a heartless jerk for hurting her.



Mabuting tao si Queenie. Siya yung taong hindi mahirap mahalin, masaya kasama, at worth it alagaan. Pero nagawa ko pa rin siyang paiyakin at saktan.


Wala akong kwenta.


Queenie POV

*2 am*

Nagpagulong-gulong na ako sa kama ko pero hindi talaga ako dalawin ng antok! Ugh!

>///<



Nararamdaman ko pa rin yung labi niya hanggang ngayon!



Di ko namalayang pumatak na naman ang mga luha ko. Hay, masyado nang nawiwili magpa exposure ang mga luha ko ah. Sayang lang ang effort nitong pumatak dahil wala namang pakialam yung taong dahilan ng pagluha ko. Haha nakakatawa talaga.


"Zyril, pwede bang tama na? Wag mo na akong paasahin na posibleng may pag asa tayo. Alam ko namang kaibigan lang ako sa'yo eh, pero sorry...hindi ko pala kayang maging kaibigan mo lang.
Mahal na mahal kita eh. I'm sorry kung kailangan na kitang layuan." Nakaupo ako habang hawak ang mga tuhod ko. Hay kailan ba ako mapapagod umiyak? Kailan ba ako mapapagod masaktan?


At kailan ba ako matatauhan para kusang tumigil na sa kahibangan kong ito?

***

Nagising ako ng masakit ang ulo lalo na ang mata. Mukhang immune na nga ang mata ko sa pag iyak eh, naging daily habit na nila.



Humarap ako sa malaking salamin at pinagmasdan ang sarili ko. Malaki rin pala ang naipayat ko, tapos yung mata ko parang tatlong araw hindi natulog sa sobrang laki ng bagahe. Di ko na namalayang napabayaan ko na pala ang sarili dahil lately si Zyril lang ang iniisip ko.



"Anak, nasa baba si Zyril. Gusto mo ba siyang kausapin?" Nag aalalang tanong ni mama.



"Ayoko po. Pakisabi na lang po may sakit ako." Kung patuloy pa kaming magkikitang dalawa mas lalo lang ako mahihirapang kalimutan siya.



"Anak magiging ok din ang lahat. Magpakatatag ka lang." Nagyakapan kami ni mama. Sana nga. Sana.



Dahil wala naman akong gana maggala, napagdesisyon ko na lang manuod ng movie. Naghanap ako ng movie sa cable at tamang-tama si Mario Maurer yung bida sa movie! Grabe crush na crush ko to eh! Syempre fangirl here, kaya yun nalang ang pinanuod ko. A crazy little thing called love yung title.



"Kyaaaaaaaaaa! Ang hot mo fafa Mario!" Shemay kahit brokenhearted ako di ko mapigilang kiligin. Ang landi ko haha. XD



Grabe talaga nagagawa ng love. Pinaganda ni Nam yung sarili niya tapos nag aral talaga siyang mabuti para lang mapansin siya ni Shone (fafa Mario) A for Effort talaga!



Somehow nakikita ko ang sarili ko kay Nam. Ginawa niya ang lahat para lang sa taong mahal niya. Huhuhu the feels.



Di ko maintindihan pero umariba na naman ang pagkadrama Queen ko dun sa part na nasa swimming pool sila at nagconfess na siya kay Shone.



Naiyak na lang ako sa lungkot. Kapareho lang nung sa movie yung nangyari sa akin. Nareject si Nam dahil may girlfriend na si Shone.



Pinatay ko na yung tv at bumalik na sa kwarto ko. Bakit ba sa lahat na lang ng gagawin ko naaalala kita? Di naman na kailangang ipamukha sa akin na wala na talaga eh, tatanggapin ko rin naman yun pero hindi pa sa ngayon.

***

Hapon na at makulimlim na sa labas. Naisipan kong maglakad-lakad at magmuni-muni. Lately stress na ako masyado, baka one day paggising ko kasama na ako sa taping ng Warm Bodies dahil mukha na akong bangkay.



Nandito ako ngayon sa parke at maraming couple ang nandito ngayon. Hindi ko maiwasang malungkot, pero life must go on. My heart must move on.



"Hanggang kailan mo balak iwasan ako?"




Paano niya ako nasundan?

---

Pasensya na po medyo sabaw yung update, masyado napiga utak sa exam kanina ih :)

Ano pong say nyo sa chapter na to? :)

Thankyou po sa patuloy na pagbbsa ^_^

He's my Destined NightmareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon