Chapter 16: Complicated feelings

61 6 2
                                    

Queenie POV

After that heartbreaking scene este that parting ways moment namin ni Zyril, marami nang nagbago.

Three days without his presence, without his corny jokes, without him teasing me all the time... I admit, I'm kinda missing it.

Ginusto ko naman to diba? Engot ko talaga kung minsan. Pero malay ko ba kung pinagtitripan lang pala niya ako? What if he was just playing with my feelings? Talo ako dun! Tsaka hindi naman niya sinabing may gusto siya sa akin so bakit ba ako nag aalala masyado?

Kailangan ko nalang talaga sigurong sanayin muli ang sarili ko ng wala siya. Mahirap ng magtiwala, pinaasa ka na nga, mukha ka pang kawawa.

***

DISCUSS.

DISCUSS.

DISCUSS.

LUNCH BREAK.

Nandito kami ngayon sa canteen and guess what? Hindi ako pinapansin nung dalawa. Hala problema nito? Nakapag order na kami't lahat eh wala talagang umiimik sa kanila. Kainis na ah!

"Wala ba kayong magsalita? Kailan pa kayo naging pipi ah? Anong meron?" Painosente kong tanong. Nagulat ako nung bigla silang tumingin sa akin. Sa tingin palang nila alam ko nang may pinaparating sila.

"Ok magkukwento na! Nung lumabas ako sa quantum humabol siya sa akin, sabi ko sa kanya layuan na niya ako kasi naiinis na ako sa kanya. Ayoko na siyang makita dahil nakakabwisit yung mukha niya! Ang feeling close pa kairita na talaga! Oh ok na ba ha?"

Biglang naman silang yumakap sa akin. Watda?

"Naiintindihan ko na ang nararamdaman mo bes. Huhuhu ok lang yan!" Nagdadramang sabi ni Mikee.

"I feel yah gurl! Alam kong nasa indenial stage ka pa. Ahuhuhu!" Mangiyak-ngiyak na sabi ni Sam.

Watda indenial stage? Ako? H...hindi kaya! Mga utak talaga nung mga yun.

"Ano bang pinagsasabi niyong dalawa?!" Medyo pasigaw kong sabi sa malisyang Mikee at Sam.

"May feelings ka na kay Fafa Zyril! Kyaaaaaaaaaaaaa!!!"

O.O

Grabe isinigaw talaga nila! Nagtinginan tuloy sa amin yung mga tao sa canteen. Yung ibang babae ang sasama ng tingin sa akin. -_- I don't care. Duh.

"Ha.ha.ha. Geh push niyo yan. Sigawpamore!"

Kasalukuyang kinikilig yung dalawa nang biglang papalapit na si Zyril sa akin. Ohmo! Don't tell me narinig niya yung sinabi nung dalawa kanina? (OoO)

Pero asa naman ako noh eh dinaanan lang niya ako. Hindi man lang tumingin sa akin. That's what you get sa pagiging engot mo Queenie. Awts #snobangbeautyko.

***

Yung 3 days umabot na ng 1 week hanggang sa naging 1 month na. Sa tuwing magkakasalubong kami ni Zyril eh agad siyang iiwas sa akin. Maybe I would be lying if I say na hindi ako naaapektuhan.

Ang gulo ko noh? Sasabihan kong umiwas sa akin pero namimiss ko naman. -_- Everything is getting complicated right now and I hate to feel this weird heartbeat again.

Maybe I was a bit harsh to treat him that way. I feel guilty right now. Oo guilty lang ako kaya ko gagawin to.

Magsosorry na ako at makikipag sa kanya.

***

Zyril POV

Pambihirang buhay naman to oh. Isang buwan na rin mula nung sinabi ni Queenie na layuan ko siya. And that 1 month is damn killing me inside. Ang hirap pigilan ng puso ko na tumibok para sa kanya. Mahirap umiwas lalo na't gusto ko siyang nakikita at nakakausap palagi. Yung dating masayang buhay ko, bigla na lang nabahiran ng lungkot dahil sa katotohanang wala na akong magagawa para mapanatili siya sa tabi ko.

***

Naglalakad na ako pauwi nang biglang nagtext sa akin si Mikee.

"(Hello Zyril?)" Pambungad niya sa akin.

"(Oh Mikee, bakit ka napatawag?)"

"(Punta ka sa starbucks. Hintayin ka namin dun ni Sam. Tapos ilibre mo kaming Vanilla frappe ha? Bye!)"

Kahit kailan talaga yung babaeng yun. Total wala rin naman akong gagawin, pumunta na rin ako sa Starbucks.

Nang makarating ako ay agad kong binili yung Vanilla frappe nung dalawa.

"Oh frappe niyo. Bakit niyo ba ako pinapunta dito? Nagpalibre lang ba talaga kayo o ano?"

"Grabe ang sarap talaga nito! Salamat sa libre Zyril! ^_^" Hindi man lang sinagot yung tanong ko psh.

"Geh una na ako." Patayo na ako nung biglang nagsalita si Mikee.

"Tutulungan ka namin ni Sam." Ano daw? Tutulungan nila ako? For what?

"Para saan naman?" Medyo naguguluhan ako.

"Alam naming may gusto ka kay Queenie. Sa paraan mo ng pagpapapansin sa kanya, sa mga nakaw na tingin mo sa kanya. Nakikita namin sa mga mata mong mahal mo siya kaya gusto ka namin tulungan para magkaayos kayo." Nagulat naman ako sa sinabi nila.

"Paano niyo ako matutulungan eh ayaw na nga akong makita ng kaibigan niyo? Baka lalo lang magalit sa akin si Queenie kapag ipinilit ko pa ang sarili ko sa kanya. At isa pa, mabuti na ring hindi niya alam na gusto ko siya. Ayoko namang mahirapan siya dahil lang sa akin."



"Nakita namin kung paano nasaktan si Queenie dahil kay Prince. Alam namin kung paano siya nagbago dahil sa ginawang pag iwan sa kanya. At ngayon nakikita namin sa kanya yung lungkot sa mga panahong umiiwas ka sa kanya. Hindi man niya aminin pero alam naming napalapit na rin ang loob niya sa'yo."

Totoo ba 'to? Posible nga kayang...

"Please, tulungan niyo ako. Gagawin ko lahat para lang papasukin niya ulit ako sa buhay niya."

---------

Pagtyagaan na po :)
Thankyou sa reads lovelove :*

He's my Destined NightmareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon