Chapter 9: Question that is answered

56 6 0
                                    


Mula nung iniwan ako ni prince, ngayon nalang ulit ako napuyat ng ganito. Nagdiet na kaya ang mga eyebags ko kaso eto na naman sila, live in action. Hayst. Sino ba naman ang makakatulog sa mga nakakalokang kaganapan.

Dapat mas atupagin ko pa ang pagmomove on ko eh. Tama. Hindi ko na rin naman makikita yung bakulaw na yun kaya Hindi ko na dapat pang intindihin. Kakalimutan ko nalang.

***

"Omg! Baka siya na ang destiny mo!" Timang talaga tong Mikee na to. Destiny? Eh puro pangbibwisit lang naman inabot ko dun. Tas ninakawan pa ako ng halik! Pag talaga naaalala ko yun gusto ko siyang pasabugan ng bomba eh.

"Kyaaaaaaaaaaaah! Siya na siguro ang soulmate mo! Gwapo ba? Myghed dream come true yan girl! Dapat kinuha mo number niya eh."

What the f? Soulmate? Naniniwala pa sila sa kabaduyan na yun? Like duh, Hindi naman totoo yung soulmate eh. Dati akala ko nakita ko na yung destiny at soulmate ko, pero thats how reality works. Siguro nga kj si reality kasi sinasaktan tayo nito sa katotohanan. Yung tipong ayaw mo nang matapos ang isang magandang panaginip, pero ayun siya at lagi tayong ginigising sa kahibanagn at kalokohan na ineenjoy pa natin.

OA man pakinggan, cliche man kasi lagi nalang ganito ang usual point of view ng mga taong sawi sa pag ibig, wala eh. Talagang hindi mapipigilan ang puso na masaktan. Mahirap kumbinsihin ang puso na makalimot ng ganun na lang.

"I wish that I could wake up with amnesia...and forget about the stupid little things..."

Biglang may dumaan na jeep at yan yung tugtog. Psh. Nagpaparinig talaga ah. Kung sana pwede lang talaga magkaroon ng selective amnesia eh. Pipiliin kong kalimutan siya.

Hindi naman ako baliw para sabihing makalimutan ko na ang lahat wag lang siya. Yung mga gaya niya hindi dapat tinatandaan. Dapat sa kaniya ibinabaon sa lupa este ibinabaon pala sa limot. Nandun na ako sa minahal ko siya. Yun na nga eh, minahal ko siya. Hindi rin naman ako nagkulang, Hindi ko man natumbasan ang mga effort niya, pinaramdam ko naman sa kanya na mahal ko talaga siya eh.

I did my best, but I guess my best wasn't good enough. Naman oh, napapakanta na naman ako kahit dapat nagsesenti ako ng bongga. Matatanggap ko naman kung nagsawa siya agad. Sana nagtext man lang. Kahit "hoy ayoko na sayo ang arte mo. Nakakasawa ka na. Break na tayo." ang itext niya, atleast may dahilan diba? Hindi ako mababaliw kakaisip kung bakit siya umayaw. Pero putspa lang, makikipagbreak ng walang dahilan? Aalis ng walang paalam? Edi wow!

Naiinis ako sa sarili ko. Dapat nga hindi na ako nag aabala pang mag speech dito, ang pangit lang din naman ng topic. Sino bang nagsimula ng topic tungkol sa kanya? Hindi ako ah!

Mabilis lumipas ang oras, pero yung dalawang bestfriend ko hindi pa rin nakakamove on sa naikwento ko sa kanila, lalo na dun sa kiss at piggy ride na part. Kesyo dumating na raw ang nakatadhana para sa akin.

Tadhana tadhana, sows. Oo, nakatadhanang mambwisit at magpa badvives ng araw ko. In short, isang bangungot piste. -.-

Diba sabi ko hindi ko na siya iisipin? Kase naman tong dalawang lukresya eh, puro si bakulaw yung topic. At ang sweet ko daw kasi may nickname na agad akong binigay sa kumag na yun. Yung totoo? Nakadrugs ba tong dalawang to? Kelan pa naging sweet ang nickname na "bakulaw"?  Makahanap na nga ng sosyal na rehabilitation center ng magtino na ang mga utak nito.

Dahil sa Hindi makamove on na topic nila nagsalita na ako.

"Hoy Mikee at Sam! Hindi pa rin kayo makamove on sa badvives na inabot ko sa lalaking yon? Tuwang-tuwa pa kayo diyan! Ipasok ko kayo sa mental gusto niyo?! Imbyerna." Simula din nung iniwan niya ako, nawala na yung mahinahon at nice side ko. Naintindihan naman ako ni Mikee at Sam kapag tinatarayan ko sila.

Tsaka tanggap na rin namin ang mga negative attitude ng bawat isa kaya nga magbestfriends pa rin kami eh. Pero kahit nakakaloka ang dalawang yan, sila pa rin and best friends that I've ever met.

"Highblood neto! Natutuwa nga kami kasi finally! At last makakalimutan mo na ng tuluyan si theonethatgotaway mo." waaaah! I surrender. Makulit yang dalawang yan kaya ipipilit pa rin nila.


"Whatever. Wala na akong balak magstrike two sa pagkasawi sa love na yan noh! Natuto na ako. I won't let anyone enter my life again. Kahit saksakan pa ng gwapo ang mga iyan!" No exceptions! Mark my words.

"Kahit si James Reid" tanong ni Sam. Lanja huli ako dun ah.

"Exempted si James Reid ko nuh!" sigaw ko sabay talikod. Eh ang gwapo kasi talaga ni James Reid ih. Minsan nga gusto ko ng sabunutan si Nadine. Well, wala nga kasing forever. Pero dahil nakakasawa ng pakinggan, let me rephrase it.

Well, wala nga kasing forever. Except samin ni James Reid dahil kami meron. Haha mainggit kayo!

Same routine ulit, foodtrip, chika. Kaso trip magsine nung dalawa kaya napasyal kami sa mall ng wala sa oras.

Gusto daw nilang manuod nung Ex with Benefits. Ehdi yun, parang mga bata na naman sila na bago lang napasok sa sinehan. Gustong-gusto daw kasi nilang mapanuod yun.

Natapos ang movie na wala man lang ako naintindihan. Hindi ko rin type yung movie eh, ewan ko ba. Siguro dahil love story yun.

"Ang gwapo talaga ni Derek! Nananapak yung abs! Kahit walang popcorn kanina busog na busog na ang mata ko. Yummy!" Naknang! Ang halay nitong si Mikee. Natatawa nalang talaga ako sa kakulitan niya.

"I second the motion! ang hot and ang wafu! Naninipa ang muscles (pronounced as "maskels". Ewan trip ni Sam eh.) Ang sexy ni Colleen! Pero mas hot ako dun, lamang lang siya ng isang tabo na pangpaligo.

Hay wala na talagang pag asa tong dalawang to. Umalis na kami sa sinehan at naghiwa-hiwalay na rin kami ng landas na tinahak. Pero bago pa sila tuluyang nagpaalam...

"For sure magkikita na naman kayo ni bakulaw mo. Wag kalimutang hingin ang number at wag nang magpatumpik-tumpik pa, boom kara-karaka. Wag kang pabebe, wag, wag kang pabebe. Okay? Alright. Break it down yow!

Just imagine na sumayaw lang naman siya dun habang sinasabi yun sa akin. Take note, naghihintay na yung jeep sa kanila. Napaface palm nalang ako. -_-


Nung malapit na ako sa eskinita namin, tumingin-tingin muna ako sa paligid. Hey don't get me wrong, hindi ko siya hinahanap, sinisigurado ko lang na wala ng nakasunod sa akin.

Malapit na ako sa amin. Eto na yung huling eskinitang dadaanan ko. Nagulat ako ng may naramdaman akong naglalakad sa likod ko.





"Queenie."


Tinawag niya ako. That voice. Hinding-hindi ko yun makakalimutan. Lalo na yung tawa niya. Hindi ako pwedeng magkamali.

Siya yung bakulaw/kissing monster. Unti-unti siyang lumapit kung saan may liwanag. Literal akong napanganga nung namukhaan ko na siya.



"I...ikaw?"

***

Another update for you guys.
Mhuahugz :*

He's my Destined NightmareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon