Chapter 13: Elevator Tension

54 5 0
                                    

Zyril POV


Tama bang sinabi ko yun sa kanya? Nahalata kaya niyang may alam ako? Hay nako palpak mo talaga Zyril! Sana huwag niya akong iwasan.


Monday ngayon at gaya ng lagi kong ginagawa, palihim ko siyang hinihintay pag umuuwi siya. Nung nagpaalam na siya dun sa dalawang kaibigan niya, akala ko uuwi na siya. Teka san pupunta yun? Mukhang badtrip din ata siya eh.


Stalker na kung stalker pero sinundan ko siya. Nung sumakay siya sa jeep, naghintay lang ako sa kasunod na jeep at sumakay na rin para di niya ko makita.


Sa mall lang pala niya balak pumunta. Nasa likod lang niya ako pero malayo ang agwat ko sa kanya. Kinabahan ako nung biglang may grupo ng mga lalaki na palihim na sumusunod sa kanya. Narinig ko pa ang usapan ng mga ito.


"Mga pre ang ganda nung naka uniform na yun oh! Chix pare estudyante lang, tutukan lang naten to ng patalim at wala ng palag to. Kailangan natin siyang madala sa konti lang ang tao." Ang kapal ng mukha nitong mga panget na to na magbalak ng masama kay Queenie! Asa nalang sila.


Pero mukhang naramdaman niyang may nakatingin sa kanya, astig talaga ng ninja senses ng babaeng yun. Mabilis siyang naglakad at humalo sa mga nagsisiksikang mga tao. Nako naman! Ang hirap na tuloy niyang hanapin. Maliit na tao pa man din siya.


Nang masundan ko siya ng tingin ay nakita kong dumiretso siya sa elevator. Gumilid ako ng daan para di niya ako makita at para hindi mahalata ng mga nakasunod sa kanya. Mabilis ako tumakbo at pumasok sa loob ng elevator sabay yakap sa kanya. Buti nalang kaming dalawa lang ang tao sa loob. Kailangan na naming makaalis sa mall na ito.


Alam ko na ang magiging reaction niya kaya sinulit ko nalang ang pagkakataon na nakayakap ako sa kanya.


Queenie POV


T...teka? Sino ba 'to?! Huhuhu cornered ako sa loob ng elevator kasama ang manyak na 'to! Waaaaaaaaaah! Tulong please!


Nagulat ako nung iniangat niya ang ulo niya. Guess what? Si bakulaw lang pala. Aba wait a minute! Bakit nga ba to biglang nanyayakad?!


"Hoy bakulaw let go of me! Ano bang problema mo ha?! Sinusundan mo ba talaga ako?!" naiirita kong tanong sa kanya.


"Ano pa ba sa tingin mo? Diba sabi ko sa'yo ako ang knight in shining armor mo." Hala corny dude.


"Tigil-tigilan mo nga ako sa kaka-knight in shining armor mo dyan! Wala ka namang armor eh!" Ow...kay parang ang corny ata nun.


"Ehdi hindi, ako nalang ang savior mo. :)" Aba nakuha niya pang ngumiti ah! Pasalamat siya pang commercial ng toothpaste yang ngipin niya.


"Savior mo mukha mo! Aalis na ako at huwag na huwag kang magbabalak na sundan ako! Uupakan talaga kita." Pagbabanta ko sa kanya.


Nang pinipindot ko na yung button... Hala? Bakit ayaw bumukas?! Don't tell me. . .


"I guess na stuck tayo dito sa loob." Ngiting-ngiti pa ang kumag na to. Ugh. Bakit ako humantong sa sitwasyon na ito? Balak ko lang naman talagang mag unwind dahil maraming gumugulo sa isip ko. Eh paano ba naman ako makakapag isip ng matino kung kasama ko yung isa sa mga taong nagpapagulo sa utak ko? Hay nako, life parang buhay.


Mukhang no choice na ako kundi maghintay na mabuksan ang pasaway na elevator na ito.


Tahimik lang kaming dalawa. Ang awkward. Ayoko na talaga siyang makausap pa, balak ko ngang iwasan na ang lalaking to pero mukhang trip akong asarin ng tadhana ngayon.


Mahigit 30 minutes na kaming trap dito sa loob. Walang nagbabalak magsalita. Nakatingin lang siya sa akin. Ako naman nacoconscious na. Ok fine. Gwapo tong bakulaw na to. Nakakatunaw tumingin grabe. Ano ba magtititigan nalang ba kami nito forever? Nauna na akong nagsalita.


"Bat ganyan ka makatingin? Ngayon ka lang nakakita ng maganda?" Aysh. Ano bang kahanginan yang lumalabas sa bibig mo Queenie?!


"Hahaha ang lakas mo din noh? May pagkamahangin ka din pala." Aba't sira ulo to ah! Anong mahangin?! Geh, konti.


"Bakit mo ba ako sinusundan? Bakit ka pumasok dito sa elevator at niyakap ako? Ha?!" Maangas kong tanong sa kanya.


"Trip kitang sundan pake mo ba? Narinig kong balak kang gawan ng masama nung grupo ng mga chararat kanina kaya nung nakita kita sa loob ng elevator pumasok ako agad at niyakap kita para hindi na nila maisip na nag iisa ka."


Ay ganun pala ang nangyari. Naguilty naman ako. Ginawa niya pala yun para mailigtas ako. Grabe natouch na ako dun sa sinabe niya eh pero yung "chararat" talaga ang nagdala. Laptrip!


"Hahaha! Chararat pa more! San ka natuto ng ganung language ha? Aminin! Grabe laptrip!" Tawa lang ako ng tawa. Tinitigan naman niya ako ng seryoso kaya tumigil na rin ako sa pagtawa. Nagulat ako nung bigla siyang magsalita.


"Bakit ba kasi kung kailan gabi tsaka ka naggagala? Alam mo bang kinabahan ako kanina?! Paano kung wala ako? Ehdi baka may nangyari nang masama sa'yo?!" Hala sinisigawan ako?


"Hoy wag mo kong sigawan ang lapit ko lang kaya sayo! Tsaka ano namang pake mo kung maggala ako? Ano naman sa'yo kung mapahamak ako? Hindi naman tayo magkaano-ano, ni hindi pa nga kita kilala bukod sa pangalan mo." Kala mo tatay ko kung makasermon eh.


"Ok sorry, eh kasi naman pinag alala mo ako. Basta simula ngayon hindi ka na pwedeng umalis mag isa. Sasamahan kita palagi sa ayaw at sa gusto mo." Wow ha.


"Asa ka namang gusto kitang makasama noh! At sinong may sabi na pwede kang sumama sa mga lakad ko? Woah ah! Feeling close lang koya? Maghanap ka ng ibang mapagtitripan mo!" Isinigaw ko na yung last sentence para dama. Buti nalang bumukas na yung elevator na mukhang tapos na ako pagtripan.


Mabilis akong lumakad para hindi niya ako masundan. Gwapo na sana kaso ang creepy niya. Parang psychotic na ewan.


Agad akong lumabas ng mall at pumara ng jeep. Buti nalang at hindi niya ako nasundan. Sasama daw sa lahat ng lakad ko? Muka niya! Ano siya sinuswerte? No Way Hi Way!

***

"Ano?! Naaksidente siya?! Hindi... Hindi!!! Kasalanan ko 'to! Wala akong kwenta."

-------

THE WHO IS THAT? Abangan :)

He's my Destined NightmareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon