Chapter 1: Queenie Fajardo

259 12 6
                                    

Dug dug ! Dug dug ! Dug dug ! Waaaaaaaaaah!!! Ano ba naman tong puso ko oh, kulang nalang tumalon na sa sobrang pagkabog! At sa sobrang lakas mag beat nito halos pwede ng marinig ng mga kapitbahay! (keme lang. Oa na yun XD)

Pano ba naman yan hindi tatalon at mag iingay eh. . . eh kasi naman! Hihihi sige na nga sabihin ko na. Kami na kasi ni Prince my loves!!!

Finally! We're officially a couple now. :) wala talagang paglagyan ang saya ko!!!

Actually first boyfriend ko si Prince. May mga nanliligaw naman saken pero karamihan puro sa salita lang magaling, yung iba naman mga ningas kugon, sa una lang maeffort. . .in short EPIC FAIL lahat.

Sa totoo lang hindi sumagi sa isip ko o kahit sa panaginip ko habang gising na mapapansin niya ako...Why?

Siya lang naman kasi si Prince Monteverde, ang natatanging Heartrob sa University!

Sagad sa kagwapuhan yun mga tol! Singkit ang mata, sobrang tangos ng ilong
na parang suki na ni Dr. Belo pero hindi dahil natural naman. Tapos ang puti niya! Parang may forever supply ng glutathione. At ang tangkad! Mukhang lumaklak ng growee pero joke lang yun!

Likas na gwapo lang talaga ang aking oh so hot boyfriend! Pero all in all mukha talaga siyang korean!!!

Team Captain siya sa Basketball dito sa University. Matalino din siya at nag take ng Chemical Engineering. Almost to perfect na talaga yun, kaso suplado at may pagka antipatiko. Pero ok lang yun, mabait naman siya at grabe magpakilig! Wagas aba!

Grabe okay lang talaga saken na everyday mag acrobats tong puso ko basta ba araw-araw akong makakasilay sa kanya. . .

Yung totoo? Girlfriend ba ako o fangirl? Ayyy! BOTH! :">

Nubayan! Di na ko nakamove on sa kilig!

By the way I'm Queenie Fajardo, second year college sa Winterson University. Same lang kami ng pinasukan na University ni Prince. Civil Engineering ang kinuha kong course kahit alam kong bokya ako sa math. Well, I love challenges kasi!

Simpleng babae lang naman ako. Masiyahin, makulit, appreciative ako kahit sa maliit na bagay. . . Hindi ako yung tipong makolorete sa mukha, simpleng pulbo lang ok na. Once in a blue moon lang ako magsuot ng dress, mas trip ko pang magsuot ng t-shirt at tokong eh. Kaya nga laking gulat na ang isang masungit at supladong Prince Monteverde ay mamahalin ako...


KYAAAAAAA! WAAAAAAHHH! AHHHHHHH!!! Kinikilig pa rin ako!


"Oy manang! Wag kang sumigaw dyan! Makabulahaw ka pa ng kapitbahay akalain pang may kinakatay na baboy! Magpatulog ka nga!" ang kuya Stephen niya.

"Wag kang basag trip kuya! At hindi ako manang! CHE!"

"Hahaha. Nako matulog ka na nga. Iiwan kita bukas kapag papagong pagong ka kumilos jan. Goodnight manang."

"Oo na. Goodnight din kuya."

Nako siguradong gapanda na naman ang eyebags ko nito bukas. Sana magising ng maaga. Hay. Bukas na lang ulit ako sisilay sa'yo my dear prince. <3


********

First story ko lang po ito. Please support ^_^ luvyah!

He's my Destined NightmareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon