Chapter 21 : The Truth Reveals

54 6 0
                                    

Someone's POV

Totoo ba ang nakikita ko?



Gumalaw na ang dalawang daliri niya. Sana nga. Sana nga magandang senyales na ito.



Queenie POV

Everyday he made me feel special, like I was his most treasured possession.



I feel complete, loved, and extremely happy. Oh let me rephrase it. I'm overjoyed.



Alam mo yung feeling na akala mo di mo na mararanasan ang mahalin ng totoo? Then suddenly, someone will knock on your door and give you a new hope, new beginning, and a new version of yourself.



Isa lamang siyang estranghero na biglang sumulpot sa malungkot na mundo ko. Pero sino bang mag aakala na yung taong yon pala ang muling magpapanumbalik ng dating ako?



Ilang beses kong tinakasan, pero sa huli nananatili pa rin siya sa tabi ko. Hindi niya ako iniwan. Nung mga panahong nagalit ako sa mundo, nandun siya para samahan ako, at nagturo sa akin na hindi masaya ang mabuhay na may dinadalang galit.



He's like a guardian angel sent to me. He's my dosage of happiness, one of the reason's why I was able to smile again.



Sa mahigit apat na buwan, nakilala ko pa siya ng lubos. Siya yung tipo ng tao na mapang asar pero mapagmahal at maalaga. Yung taong masasabi kong gusto kong makasama ng mas matagal pa. :)



Ngayon, handa na akong subukan muli. Paano ko mahahanap ang happiness ko kung magpapabilanggo lang ako sa malungkot na nakaraan ko?



I know this risk I'm gonna take will be worth it.


I want to choose my happiness. And it's him. :)



Zyril Jhiro "bakulaw" Cruz. <3

***

Paano ko kaya siya sasagutin? Hmmmmm.



Basta ko na lang kaya sabihing "Oo Zyril, pumapayag na akong maging girlfriend mo *with matching iyak para dama*" Nake, masyadong madrama. Erase.



Eh kung humingi kaya ako sa kanya ng dalawang 10 peso coin tapos pagdikitin ko yun at ipakita sa kanya? Naku, baka di niya pa magets yun. -_- aning din yun minsan eh.



Maggawa kaya ako ng banner na may nakasulat na "I love you Zyril!" ? Ih, awkward naman pag may nakakita. -_- Madami pa makikitsismis dun.



Hay! Dati naman hindi ako kinabahan ng ganito nung sinagot ko si Prince. Aish bakulaw talaga yung Zyril na yun, pinapakaba niya ako ng bongga.

Zyril POV

May pag asa kaya ako kay Queenie? Kayo readers alam niyo ba? Bet na ba ako ng siopao my loves ko? Give me a hint! T.T



A/N: Walang clue. Manigas ka dyan! Hahaha :D

TT.TT

Queenie POV

Discuss.


Boring. Keri pa.


Dismissal.



Yey! Grabe antok na antok ako. U_U
Wala. Di ko pa rin maisip yung surprise na gagawin ko.



Hay bahala na nga.



After class, same routine. Hinatid niya ako sa bahay pero may napansin ako sa kanya.



Bakit kaya ang tahimik neto? That's new. Hmmm.



Hindi ako sanay na tahimin siya. Hmp. Kainis. Gusto ko kinukulit niya ako. :/



Napabulong nalang ako sa hangin.



"I love you, Zy."



Nagulat ako nung tumigil siya maglakad at nanlalaki ang mata. Titig na titig sa akin. Wait, narinig niya? O.O eh mahina lang ang pagkakasabi ko ah.



"A...anong sabi mo Queenie?" nauutal niyang tanong sa akin.



"Ha? Wala naman akong sinabi ah?" pagmamaang-maangan ko.



"Ah akala ko kasi may sinabi ka."



Nung makarating kami sa bahay, nagpaalam ako kay mama na pupunta kami ni Zyril sa park.



Nakaupo kaming dalawa sa swing. Walang nagsasalita. I guess its time.



"Zyril." panimula ko.



Tumingin siya sa akin. Nakangiti siya. Ang gwapo! ^_^



"You know how much I'm afraid when its comes to love. You've seen me at my worst. You've witnessed how messed I was but still, you never leave my side."



Nakatingin lang ako sa mga paa ko habang nagsi-swing. Alam kong nakatingin siya sa akin.



"I don't know what you've seen in me. I'm just a simple person but you always made me feel special. I've pushed you away but you still keep on chasing me till you've finally catch me."



Napapangiti nalang ako habang sinasabi yun sa kanya. Pakiramdam ko sasabog na ang puso ko sa saya at kilig na nararamdaman ko.



"I know you were different from him. I believe you'll never leave me, 'cause thats what my heart keeps on telling me. I don't wanna be a coward anymore. I want to start again. Give my heart a brand new start for love."



This really is it. Tumingin ako sa mga mata niya.



"What I want to say is... I love you Zyril Jhiro Cruz."



Lumawak lalo ang ngiti niya. Aba dapat lang! Naubos ang english ko dun!



Feeling ko ang pula ko na ngayon. Tapos hindi pa siya nagsasalita. Talking about AWKWARD. -_-


"Hoy ang dami kong sinabi,wala ka bang sasabihin man lang?" grabe lang. Natulala na po siya.




"Ulitin mo nga yun sinabi mo Queenie." ahay demanding.



Tumayo ako sa swing, ganun din siya. Tinignan ko siya sa mga mata niya.



"Sabi ko I love you Zyril." Then I hugged him tight. Ang saya. Finally, I was able to let go of my feelings. Hinigpitan niya ang yakap sa akin. I know he's happy. :)



Bumitaw na ako sa yakap. May sasabihin pa sana ako sa kanya nang napansin kong unti unti na siyang naglalaho.







Anong nangyayari?!





May sinasabi siya pero hindi ko na marinig.






Anong kalokohan to? Kung joke man to hindi nakakatuwa!






Panaginip lang to. Tama.








Pero kung panaginip ito, posible kayang...









H-hindi... Hindi maaari.



Bakit ganito? Bakit naglalaho siya?







"Zyril!" tawag ko sa kanya. Nagsabi siya ng "I love you" pero hindi ko marinig. :'( Yayakapin ko sana siya pero tulad ng hangin, wala na akong naramdaman.






"Zyril! Huwag mo akong iwan! Zyril!" Iyak na ako ng iyak.





Hanggang sa nawala na siya sa paningin ko.






Tumakbo ako ng tumakbo. Tinawag ko siya ng paulit-ulit pero hindi ko na siya nakita pa.









Hanggang sa nagdilim na ang paligid.

He's my Destined NightmareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon