Chapter 5

15 0 0
                                    

Chapter 5: The Fifth Gem

Sasha AMETHYST Villanueva

3rd persons POV

"M-mommy! W-wag nalang po kaya akong sumama?"

"Hay naku Amethyst! Ang gulo mong kausap anak! Ano ba talaga?"

"K-kasi mommy! H-hindi ko po yata kaya! Tsaka, mahohomesick lang po ako! Iiyak lang ako dun! Maiistorbo ko lang silang lahat!"

"Anak! Listen to mommy huh? Be strong! Be brave! Kaya mo to! Kasama mo ang mga ate mo! Kaya mo to at kakayanin mo! You need this anak kasi di naman kami laging nasa tabi mo!"

"Amethyst! Magiging masaya yan anak! Kung kami nga halos ayaw na talaga namin noon maghiwahiwalay! Kung di lang kailangan dahil may sari-sarili na kaming pamilya, edi sana magkakasama parin kami hanggang ngayon!"

"Eh daddy... K-kayo po yun!"

"Jusko ka namang bata ka! Di naman mahina ang loob ko! Lalo na yang daddy mo! Kanino ka ba nagmana?"

Nakapamewang nalang si Isha at tila naiinis na! Nilapitan naman sya ng asawang si Sam para pakalmahin.

"S-sorry po!"

Nilingon ni Isha ang anak na ngayon ay nakayuko na at parang maiiyak. Nilapitan nalang nya ang anak nya at niyakap ito ng patagilid.

"Sorry kung tumaas ang boses ko anak! Di ko lang talaga maintindihan kung bakit ka ganyan! Oo nga't di ako palapansin ng tao noon pero hindi talaga mahina ang loob ko! At mas lalo na yang daddy mo na umaapaw ang confidence!"

"Na...natatakot lang ako mommy! Ayoko pong may masabi silang masakit tungkol sakin! Alam ko naman po na para sakanila, para akong patay na bata!"

"Bakit ba kasi ayaw mong makihalubilo sa mga pinsan mo?"

"Hindi po sa ganun daddy! Naiilang lang po ako! Ang gaganda nila! Matatalino! Si ate Ruby, ate Amber at ate Jade ay nakapagtapos na! Deans lister naman po ngayon yung dalawa ko pang pinsan! Eh ako? Wala po akong binatbat sakanila!"

"My god anak! Wag kang ganyan magisip! Masyado mong binababa ang sarili mo nyan ah?"

"Mali ba po? Eh ikaw nga mommy, sobrang brainy mo! Alam ko po yung mga kwento tungkol po sayo noon na panay aral ka lang! Bat di ko yun namana mommy?"

"Alam mo? Listen to me anak huh? Matalino man o bobo, maganda man o panget, walang kaso yan lalo na't sa iisang pamilya! Pantay pantay lang kayo! Nakikita ko ang pagrereach out ng mga pinsan mo sayo kaya gumawa ka rin ng paraan para mag reach out sakanila!" Ayon ni Isha.

"Anak! Walang manghuhusga sayo sa pamilyang to! Kung meron man, baka dahil binigyan mo ng dahilan! Pero malabo yun kasi hindi basta basta ang turingan nyong magpipinsan! Para na kayong magkakapatid!" Dugtong naman ni Sam.

Saglit na natahimik si Amethyst. Ngayon ay naiintindihan na nya! Masyado nga nyang minamaliit ang sarili kaya nauuwi sa pagka insecure nya sa mga pinsan nya.

Nakikita at nararamdaman rin naman nya ang effort ng mga pinsan nya para hindi sya ma-op sa mga usapan nila! Para maramdaman nyang mahal sya ng mga ito! Siguro ay napagtanto nya na sya rin pala ang tumutulak sa mga pinsan nya palayo sakanya.

"Oh ano anak? Last na tanong na to! Pagisipan mong mabuti kung okay na ba sayo o ayaw mo talaga!" Ayon pa ni Sam.

Nagpapalitan ang tingin ni Amethyst sa mga magulang nya bago nya pinilit ipakita ang ngiti nito.

"Okay na po! Payag na po ako! Seryoso na po!"

So, This is love [IMBL BOOK2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon