AMETHYST
Gusto ko ng matulog kaso di ko maiwasang di lingunin si Emerald na nasa kama nyang katabi ko lang, alam kong may problema sya kasi kahapon ko pa sya di makausap ng maayos.
"Sabi sakin nila ate, dapat daw maging vocal na ako! Ginagawa ko yun kaya sana pati rin ikaw!" Ayon ko kay Emerald habang nakatingin lang ako sa kisame.
"Amethyst--"
"I know may problema ka! Pwede mo naman sabihin sakin! Kung sikreto man yan! Di ako dadaldal! Promise!"
Umupo ako sa kama ko at hinarap si Emerald! Yakap-yakap nya yung mga tuhod nya at parang di alam kung pano sisimulan ang pagkekwento.
"Alam natin pareho na mahal na mahal ni Sapphire si Sir Adam diba?" Panimula nya.
"Oo naman! Witness tayo sa kabaliwan nun para kay Sir! Anong problema dun?"
"Alam mo yung isang araw na bumisita sa coffee shop si Sir?"
"Oo! Nung byernes yata yun diba? Oh bakit?"
"Nung kausapin nya kasi si Ate Jade. Kitang kita ko at ramdam na ramdam ko na natipuhan ni Sir si Ate!"
"Huh? Sure ka jan?"
"Hindi pa confirmed pero mahahalata mo naman yun kung ikaw ang nakakita at nakarinig sakanya! After kasi nun, tinanong ko si Sapphire kung anong gagawin nya if ever malaman nyang inlove sa iba si Sir Adam!"
"Eh anong sinagot nya?"
"Sabi nya kasi... Basta daw hindi sa kakilala nya, baka matanggap nya! Baka lang daw!"
"So? Kung malaman nya na kay Ate Jade nga inlove si Sir?..."
"Di nya raw matatanggap! Baka kagalitan pa nun si Ate kung malaman nya yun!"
Hindi ako nakasagot! Komplikado masyado tong problema!
Alam na alam namin ni Emerald lahat ng kalokohan ni Sapphire mapalapit lang sya kay Sir Adam! Iniyakan nya yun nung nalaman nyang lilipat na ng school na pagtuturuan! Pero nung hindi natuloy, ang saya saya nya at bumalik agad yung dating sigla nya!
Incase malaman nya at kung totoo man na may gusto nga si Sir kay ate Jade. Pano na yun? May sakit si ate Jade at di nya kakayanin kung sakaling magkaron ng hinanakit sakanya si Sapphire!
"Emerald! M-may sakit si Ate Jade!"
"I know! Kaya nga ako nagiisip! Di man kasi ako ang magsabi kay Sapphire, basta pag nalaman nya yun! Gulo yun Amethyst!"
"Gulo nga talaga!"
* * *
Wala akong masyadong ginagawa kaya nakatayo lang ako sa counter ng gawaan namin ng coffee ni ate Amber.
Bigla akong napaayos ng tayo ng pumasok sa loob ng cafe si Sir Adam! Napakunot rin ang noo ko ng makitang malapad ang ngiti nya habang papalit kay ate Jade.
"Hi! Good afternoon!" Sya pa talaga ang unang bumati kay Ate.
"Huh? Uhh.. Hello! Good afternoon rin!" Bati pabalik ni ate Jade kay Sir. Halata ko ang pagtataka ni ate sa ginawa ni Sir pero kita ko naman na bigla syang napangiti! Patay! Pano kung type rin ni ate si Sir?
Hindi ko na nagawang makinig sakanila ng sabihan ako ni ate Amber na gumawa ng frappe.
Napapailing lang ako kasi iniisip ko si Sapphire! Tyak na pag nalaman nya to, masasaktan sya! Di ko gustong may masasaktan sa mga pinsan ko! At mas lalong di ko gusto na magkaron sila ng alitan!
"Huy! Ano na? Okay ka lang jan? Amin na nga!" Ayon ni ate Amber ng makitang halos di ko pa nauumpisahang gawin yung frappe na inuutos nya.
Natulala lang ako hanggang sa kalabitin ako ni ate Amber matapos nyang makagawa ng frappe.
"Tell me! Anong problema ng Amethyst namin?" Medyo palambing pang tanong ni ate Amber.
"Ate naman eh!"
"Sus! Eh ano nga? Kanina ka pa natutulala jan eh!"
"M-may iniisip lang kasi ako!"
"Naku! Si Vaughn?"
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni ate Amber.
"Ate--"
"Asus! Alam ko na! Nakikita ko kaya! Kung may gusto ka kay Vaughn, wag kang magalala! Quiet lang ako!"
"U-uhh... Hehe!"
"So totoo nga? Tama nga ako? Ay sus! Dalaga na ang baby namin ah!"
"Ate ano ba? Baka may makakita satin! Nakakahiya!"
"Haha! Minsan na nga lang ako maglambing sainyo eh! Sige na! Titigil na po!"
Nakangiti akong tinigilan ni ate Amber at gumawa na ulit nung bagong order na coffee.
Gusto kong isipin na nakakahiya na baka malaman na nga ni Kuya Vaughn na may gusto ako sakanya! Kaso mas gusto kong isipin muna yung pwedeng mangyari kay Sapphire.
Nakakastress pala pag ganito! Madalas kasi ayoko ng nakikialam sa problema ng iba! Kaso damay ang pinsan ko dito kaya di ko kayang magsawalang bahala nalang.
Matatapos rin to! Pero it's either in a good way... Or in a worst way!
