EMERALDHindi nalang namin pinapansin si Sapphire kasi alam naman naming di rin yan magsasalita. Nasa stage pa daw sya nang pagmomove-on kaya kailangan namin syang intindihin. Hay naku! Pag-ibig nga naman! Kahit kailan hindi naging sila ni Sir pero ang lupet para mag-move on! Tsk!
"Upo muna tayo! Wala pang tawag galing kay kuya Vaughn!" Biglang suhestiyon ni Amethyst.
Wala ng sabi-sabi pang naupo si Sapphire sa isang upuan dito sa lounge. Nagkatinginan lang kami ni Amethyst at nagkibit-balikat. Hay naku!
"Amethyst! Kamusta kayo ni Kuya Vaughn?" Bigla ko nalang naitanong kasi kanina pa kami nananahimik na tatlo.
"H-huh? Uhh... Wala! Ganun parin!"
"Di mo sya kinakausap?"
"Pag kinausap nya ko, tsaka ko lang sya kinakausap!"
"Ano ba yan! Kung gusto mo sya, gumawa ka ng paraan!"
"Tama Amethyst! Gawin mo ang lahat para mapansin ka nya! Kasi kapag kinulang ang efforts mo, baka mapunta sya sa iba and in the end, iiyak ka nalang!" Biglang paningit ni Sapphire na seryoso talaga habang nakatingin pa sa malayo.
"Emerald kasi eh!" Pabulong na paninisi naman sakin ni Amethyst. Jusko! Nakalimutan ko lang naman eh!
"Sorry na! Quiet na ko!" Pabulong ko rin na sagot.
Natahimik na naman kaming tatlo. Ayoko ng magsalita at baka kung ano na namang lumabas sa bibig ko!
"Hi bestfriend!" Biglang bungad ni Calvin kay Sapphire. Napanguso nalang ako kasi halatang walang alam si loko na hindi okay ang bestfriend nya.
"Anong nangyare? Bat ganyan ka?" Nagtataka ng tanong ni Calvin ng di man lang sya batiin pabalik ni Sapphire.
Hindi parin sumagot si Sapphire at sinubsob nalang ang mukha sa lamesa. Baka umiiyak na naman ng papigil! Hayyy..
"Emerald? Amethyst?" Napatingin ako kay Calvin bago kami nagkatinginan ni Amethyst. Tumayo nalang ako at hinila sya ng medyo malayo kay Sapphire.
"Ganito kasi Calvin! Nalaman na ni Sapphire na may gusto si Sir Adam sa pinsan namin! Kay ate Jade!" Medyo alanganin kong ayon.
"Ano?? Anong ginawa ni Sapphire??" Halata ko ang galit at pagaalala ni Calvin.
"Ayun! Nagwala! Iyak rin ng iyak! Pero nagkausap na sila ni ate Jade! Okay naman na daw sya kaya lang syempre, di mo maaalis sakanya na magmukmok parin! Nasaktan eh!"
"Walangya! May makatabig nga lang kay Sapphire, binubugbog ko na! Ano pa kaya tong may nagpaiyak sakanya?!"
Saglit akong natahimik at napahalukipkip. Taas kilay ko ring tinignan si Calvin.
"Oh bakit?"
"Ang sweet lang ah? Seriously! Gawaing pang 'bestfriends' lang yang ginagawa mo! Oo! Naniniwala ako!"
"Huh? Ano bang ibig mong sabihin jan Emerald?!"
"Hayy... Di ko alam na sasabihin ko to pero... Tulungan mo si Sapphire! Tulungan mo syang makapag-move on Calvin!"
"Are you... Are you telling me na ligawan ko sya?"
"If that's the only way! Why not? Magbestfriends kayo at kilalang kilala nyo na ang isa't isa!"
"Pero malabo yang sinasabi mo Emerald! Ako ang tipo na hindi napipirme sa iisang babae lang! At hindi ako ang type ni Sapphire! Kilala mo naman yang pinsan mo! Hindi yun pwede!"
"Sure ka? Eh pano kung si Sapphire na pala ang downfall mo? Pano kung sya na pala ang magpapabago sayo? Umamin ka nga sakin! Ni minsan ba hindi ka nagkagusto kay Sapphire? Kahit paghanga lang?! Wala talaga??"
Hindi agad nakasagot si Calvin so now i'm assuming na hindi lang talaga bestfriend ang turing nya kay Sapphire all this time.
"Pwede quiet ka muna? Pwede ako nalang ang hahanap ng tyempo para magsabi sakanya?" Biglang sagot nalang ni Calvin kaya napangisi ako.
"I knew it! Oh well, sa ngayon, ikaw na munang bahala sakanya! Kailangan nyang ilabas yang galit nya! Eh hindi naman yan nananakit so ikaw na bahalang magisip ng paraan!"
Tinapik ko ang balikat nya pero nagulat ako ng bigla nya yung hinawi at lumayo ng konti sakin.
"Problema mo??" Kunot noo kong tanong.
"Tsk! Wag ka ngang masyadong malapit sakin!"
"Wow huh? Mas malinis pa ko sayo noh!"
"Hindi yun! May magagalit!"
"At sino naman?!"
"Basta!"
Bigla nalang akong nilayasan ni loko! Aba't loko-loko talaga! Naku! Wag lang syang makalapit lapit sakin at hahambalusin ko talaga sya ng hermes bag ni Sapphire! Kainis!!
Padabog nalang akong naglakad pabalik kay Amethyst. Sinusulyap sulyapan pa ko ni lokong Calvin kaya masama lang ang tingin ko sakanya!
"Tara na Sapphire!" Yaya ni Calvin kay Sapphire. Wala naman kasi kaming trabaho ngayon since lumala lalo ang lagnat ni ate Ruby at sumabay naman ang hindi maayos na paghinga ni ate Jade.
"Ayoko talaga Calvin! Next time nalang!"
"Hay naku!!! Nabibwisit na ko hah! Halika na! Kailangan mong mag unwind, Sapphire!"
Tinignan ng masama ni Sapphire si Calvin pero di natitinag ang hayop! Hanggang sa napilit narin nyang sumama sakanya si Sapphire.
"Sasama na muna ko dito at baka mag-agaw buhay pag di ko sinamahan! Kainis!" Bwisit na ayon ni Sapphire. Kita kong napangiti lang si Calvin hanggang sa hilahin na nya paalis si Sapphire.
"Oh! Tayo nalang dalawa! Di pa ba tumatawag si Kuya Vaughn?" Tanong ko nalang kay Amethyst.
"Di pa! Pero nagtext na naman ako! Baka inaasikaso lang si ate Jade!"
"Syempre, personal tagabantay nya yun eh! Nagseselos ka?"
"H-huh? Emerald talaga!"
"Asus! Ano? Sasabihin mo naman, lahat na kay ate Jade na! Tapos magagalit at magseselos ka rin?"
"Oy hindi ah! Di ko naman makikilala si Kuya Vaughn kung hindi dahil kay Ate Jade! Kung hindi dahil sya ang tagabantay nya!"
"Ayan! Ganyan dapat! Possitive lang! I like that ah! Push mo lang yan!"
Napangisi nalang si Amethyst habang ako natatawa na! Kung ano ano na namang sinasabi ko! Kahit ako nababaliw na sa sarili ko.
"Emerald!" Nawala ang ngiti ko ng lingunin ko yung tumawag sakin at nakita ang forever seryoso nya yatang mukha! Hmp!
"Oh ano? Bibwisitin mo na naman ako?!"
"Come with me!"
"Ano?? Hibang ka ba? Close ba tayo para sumama ako sayo?"
"Isa, Emerald!"
"Dalawa, Copper!"
"Anak ng--" Di na tinapos ni Copper ang sasabihin nya at bigla akong hinila patayo.
"A-ano ba?! Bitaw nga!!!" Utos ko sakanya pero di nya ko inintindi.
"Amethyst! Kaya mo naman sigurong umuwi magisa? May susundo naman sayo diba?"
"O-oo Copper! Pero saan mo ba dadalhin si Emerald? Hahanapin sya sakin!"
"Basta! Ako na ang maguuwi sakanya sainyo! Sige, una na kami!"
Nanlaki nalang ang mga mata ko habang salubong parin ang kilay ko! Bwisit na to!! Nilingon ko si Amethyst at alanganin syang sumenyas ng paalam sakin! Isa pa yan! Di man lang ako inagaw sa weirdong to! Kainis!
