Chapter 8

13 1 0
                                    


RUBY




"So! Napakita na namin sainyo ang kabuuan ng bahay huh? Sa kwarto nalang!" Ayon ni daddy.

Sabay sabay naman kaming umakyat pero napansin namin na tatlo lang ang pintuan.

"Ano po to? Share kami sa iisang room?" Tanong ni Amber.

"Napagkasunduan namin na pagsamahin kayo by twos! The first room ay para kay Ruby at Jade! Ang nasa gitna namang room ay kay Amethyst at Emerald--"

"Oh my god! Isasama nyo po ko sa iisang kwarto with this girl?" Iritadong tanong ni Amber habang nakaturo pa kay Sapphire.

"Anak ano ba yan!" Saway agad ni tita Chevz sa anak nya kaya bigla nalang napabuntong hininga si Amber at napahalukipkip.

Nilingon ko si Sapphire pero di ko inaasahan na makita syang malungkot! Akala ko inis na expression ang makikita ko.

"Ate Jade! Tayo nalang ang roomies! Okay lang?" Malumanay na pag-aya ni Sapphire kay Jade.

"Huh? Uh.. S-sure! Okay lang naman sakin kahit sino!" Sagot agad ni Jade.

Tinignan ko si Sapphire at alam kong pilit ang ngiti nya. Tsk! Di kasi marunong magpreno ng bibig nya si Amber. Naiinis narin ako!

"Hayyy... Sige na! Ayusin nyo nalang ang mga gamit nyo!" Dismayadong utos samin ni Tito Charles.

Agad na kumilos si Sapphire at sinama na sakanya si Jade sa room na para dapat sakanila ni Amber. Nang makapasok na ang dalawa. Agad kong hinagit ang braso ni Amber.

"Mali yung ginawa mo!" Seryoso pero malumanay ko parin na ayon. Wala na kong pake kung nasa harap pa kami ng parents namin! Di ko to dapat palagpasin lalo na't sya ang nakakatanda kay Sapphire.

"Ruby--"

"Amber! Can't you just consider Sapphire's feelings? Mas matanda ka sakanya! Ganun ang ugali nya so sana iniintindi mo! Kahit naiirita ka or naiinis na, intindihin mo sya! Anong gusto mo? Magbago sya just because yun ang gusto mo?"

"H-hindi sa ganun! Ruby! I didn't mean anything hurtful!"

"Pero you've hurt her feelings! Hindi mo ba napansin? Akala ko nga papatulan nya yung sinabi mo pero nakita mo agad na sinabihan nalang nya si Jade na magpalit kayo!"

Saglit akong tumigil kasi baka tumaas na yung boses ko! Ayokong magalit kay Amber pero this time, kay Sapphire ako! Maling mali si Amber sa ginawa nya ngayon.

"Uumpisahan ba nating magsama sama ng may samaan ng loob?" Biglang tanong ni Emerald.

"I'm sorry!"

"No Amber! Wag ka samin mag sorry! You know very well kung kanino mo dapat sabihin yan!"

Umalis nalang ako at pumasok sa room ko para ayusin na ang gamit ko. I need a break para maka-kalma!



EMERALD



Napayakap ako sa kaliwang braso ni Amethyst! Gosh! May tension agad? Well, i can't blame ate Ruby! Mali nga naman ang ginawa ni ate Amber this time!

"You see what you've done?" Halatang nagpipigil na galit na ayon ni tita Chevz.

"Mom! Dad! Sorry! I didn't mean to offend her! Tito Charles and Tita Julie! Sorry po!" Parang maiiyak ng ayon ni ate Amber.

"It's okay! But please Amber! Intindihin mo nalang ang daughter ko! Parang pagiintinding ginawa ng mommy mo saming lahat noon!" Sagot ni tita Julie.

"I'll make it up to her! Promise po babawi ako kay Sapphire and iintindihin ko na po talaga sya ng sobra! Hinding hindi na po to mauulit!"

Nginitian nila tita Julie at tito Charles si ate Amber. Nilapitan naman sya ng parents nya para yakapin.

Sabi ng parents namin na kailangan na nilang umalis kaya pinasok nalang ng mga tito at tita ko ang mga anak nilang nasa kwarto na nila. Nagbeso naman ako agad kay mommy at daddy.

"Pano? Mauuna na kami huh? Sana maayos nyo yang gusot nyo ngayon! Magmahalan kayo! Iisang pamilya lang kayo!" Payo samin ni tita Chevz.

Sinigurado naman namin sakanila na magiging maayos kaming anim dito bago sila tuluyang umalis.

Ako, si Amethyst at si Ate Amber nalang ang magkakasama. Papasok na sana kami ni Amethyst sa room namin pero inakbayan ko muna si ate Amber.

"Chill! Alam mo ate? Bukod sa sorry, siguro mas okay na igawa mo nalang sya nung favorite nyang food na--"

"I know her favorite food Emerald! Alam ko kung anong gusto nyong lahat! By the way, Thank you!"

Nginitian ko nalang si ate bago sya tuluyang pumasok sa room nila ni Ate Ruby. Bumaba lang ako saglit para uminom ng tubig bago tumuloy sa room namin ni Amethyst.

Hayyy.. I'm with Amethyst and humingi ng favor kanina sakin si tita Isha na kung pwede daw sana, tulungan ko si Amethyst na makalabas sa comfort zone nya. Na kung pwede daw ma-convince ko sya na mag open up kahit sakin lang muna.

Amethyst! Hindi ko hahayaan na ganyan ka nalang lagi when you're with us! I'm maybe the youngest pero medyo matured na naman ako magisip! Kaya gagawin ko ang lahat para maging okay ka!

Tiwala lang talaga Emerald!

So, This is love [IMBL BOOK2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon