RUBY
Nililibot ko ngayon ang paningin ko sa kabuuan ng buong bahay mula dito sa labas. Di sya ganun kalaki pero di rin ganun kaliit. Sakto sya para saming anim. Modern na ang itchura nya at natutuwa ako sa pagkaaliwalas nya dito palang sa labas.
"Mom? Dad? Wala pa ba po sila?" Masaya kong tanong.
"Excited na excited ka na jan anak ah! Haha! Malapit na siguro sila, anong oras narin naman" Sagot sakin ni Daddy.
"Basta huh? Ang bilin ko. Ikaw ang nakakatanda kaya kailangan ikaw ang peace maker pag may nag away! Ikaw ang magpapayo pag may namomoblema na isa sakanila! Pero at the same time, wag kang mailang magsabi ng problema mo din sa mga pinsan mo! Di dahil kailangan ikaw ang laging magiintindi, hindi mo na iintindihin yung sarili mo mismo!" Ayon naman ni mommy.
"Mom! Alam ko na po yan, ilang beses mo na pong napayo sakin yan eh!"
"I know anak! Pero para lang di mo makalimutan. Diba? Ganito talaga pag nanay! Anyways, mukhang may dumating na!"
Agad ko naman nilingon yung nginuso sakin ni mommy na bagong dating na kotse. Kotse palang alam ko na kung sino ang sakay nito.
"Oh my gosh! JADE!"
Malos magtatatalon ako sa tuwa. Ni hindi ko nga inasahan na papayagan sya, si tito Arjhay pa? Masyado nyang iniingatan si Jade eh!
"Ruby!" Agad akong niyakap ni Jade ng makalapit na sya sakin.
"Oh my! I mean-- Paano-- Ikaw-- You're here!"
"Yes! I'm here!"
"How?"
"Pumayag si daddy eh!"
Masayang masaya si Jade habang tinutuloy ang pagkekwento. Kahit ako tuwang tuwa. Pero agad akong natigilan ng may maalala ako.
"Wait! Kalma! Bawal sayo matuwa ng sobra sabra!"
Huminto naman sa pag galaw at pag talon talon si Jade, pero nakangiti parin sya.
"Tito! Tita! Thank you po sa pag payag!"
"Wala yun Ruby, aalagaan nyo naman ang isa't isa eh! Wala ng problema!" Ayon ni tito Arjhay.
"Kayo ng bahala sa isa't isa huh?" Ayon naman ni tita Acee.
"Jade!! Ruby!!"
Sabay kaming napalingon ni Jade sa tumawag samin. Oh my! She's here!
"AMBER!"
Agad na tumakbo palapit samin si Amber. Kasunod nya at naglalakad lang na sinundan sya ng parents nya.
"Hala bakla! Pinayagan ka!" Masiglang masigla na ayon agad ni Amber matapos kaming yakapin ni Jade.
"Sana may bayad bawat magsabi sakin na pinayagan ako noh?" Pagbibirong sagot naman ni Jade.
Nagtatawanan lang kaming tatlo. Dahil nandito na si Amber, umingay na. Kabaliktaran kasi yan ng mommy nya. Maligaling sya, madaldal, masaya kasama, kaso, mataray! Masungit madalas! Ewan ko ba jan. Pero alam kong sakanya ako magkaka problema. Sakanila ni--
"Mga ate!!!"
Ohhh... Here she comes.
"SAPPHIRE!"
Katulad nila, agad na lumapit si Sapphire samin. Niyakap nya kami at nagbeso pero kay Amber lang hindi. Si Amber din kasi ang mismong umiwas. Eto na nga ba ang sinasabi ko.
Alam kong wala namang samaan ng loob yung dalawa. Kaso naiinis sa kaarte ni Sapphire si Amber habang naiinis naman sa katarayan ni Amber si Sapphire. I guess yan ang magiging problema ko?
"Wait! Ngayon palang sinasabi ko na! Magkasundo na kayong dalawa at sa isang bahay nalang naman kayo magsasama! Pwede?" Agad kong ayon.
Saglit na nagkaron ng katahimikan. Palipat lipat naman ang tinginan namin ni Jade sa isa't isa at dun sa dalawa. Sana mapakiusapan man lang sila na wag magbayangan kasi ayoko talaga ng gulo.
"Girls!" Nabasag ang tensyon namin at sabay sabay na nilingon ang nagsalita. Mukhang isa pa tong iintindihin at dapat kong unawain talaga.
"AMETHYST!"
Di tulad nung tatlo. Halos di kami tinitignan ni Amethyst. Nakayuko lang sya habang unti unting lumalapit samin. Ang mommy nya pa nga ang tumawag samin dahil obviously, di yan magsasalita.
Si Amethyst ang pinaka iniingatan naming magpipinsan, kahit di sya ang bunso talaga, iniingatan namin sya, her feelings actually. Masyado syang tahimik, di halos nakikihalubilo samin. Pag di mo sya kinausap, di sya magsasalita. I just find her too complicated and it worries me ngayon na magsasama sama na kaming anim.
"Amethyst! Buti makakasama ka samin!" Nakangiting ayon ni Jade matapos kaming mayakap ni Amethyst. Which is a super rare thing to happen.
"Amethyst, how are you?" Tanong ni Sapphire.
"I-i'm g-good!" Maiksi at Utal utal na sagot ni Amethyst. Ewan ko talaga kung anong problema samin at lagi syang parang takot at ilang na ilang samin.
Hindi nalang kami nagsalita at naghari na naman ang katahimikan. Lumapit nalang ako kay Amethyst at kumapit sa braso nya. Halata ko ang pagka ilang nya pero sana masanay na sya. Kung kailangan ko maging clingy then be it. Kailangan maging komportable na sya samin.
"Oh! Nanjan na ang mga V.I.P!" Natatawang ayon ni Tito Sam. Amethyst's daddy.
At that moment, unti unti na talaga kong natutuwa. Nandito na ang mood maker samin, kung masaya makasama si Amber, sya naman talaga ang masarap kasama, kausap. Kahit madalas maangas na akala mo lalake, mahilig mang asar, pilya at palabiro, gugustuhin mo parin na lagi sya ang kasama mo.
"EMERALD!"
Hindi sya patakbo lumapit samin. Di rin mabagal maglakad. Maangas! Ang angas angas nya maglakad palapit, parang siga. Kung di ko lang alam na may crush sa mga kpop idols na lalake to, iisipin ko talagang tomboy sya.
"Ayos talaga to! Naglalakad ka lang para ka ng naghahamon ng away jan!" Nakangising bungad ni Amber ng makalapit na si Emerald samin.
"Haha! Well?"
Ewan ko pero parang may dumaang anghel at natahimik nalang kami bigla. Tuloy pansin ko ang pagtataka sa mukha ni Emerald.
"Ano to? May tensyon ba? May dapat ba kayong sabihin sakin?"
"Huh? Wala ah! Wala Emerald!"
"Asus! Ano nga ate Jade?-- Teka! Huhulaan ko pwede?" Nakangising tumigil saglit si Emerald and obviously, parang alam na naman nya kung ano anong nangyayari.
"Awkward kasi si ate Amber at Sapphire sa isa't isa! Tapos si Amethyst naman, awkward sa ating lahat! Am i right?" Nakangisi parin na tanong ni Emerald.
Nang lingunin nya ko, medyo tinanguan ko lang sya. Ganun rin ang ginawa ni Jade ng sakanya naman mabaling yung tingin ni Emerald.
"Hayyy! Alam nyo? Kalma lang kasi. Masyado kayong tense! Okay lang yan! Kaya natin to!"
Napahalakhak nalang ako. Yeah! Ang babaw ko. Pero sa pagkilos kasi ni Emerald, yun ang nakakatawa. Para kasi syang ewan! Sya pa rin talaga ang bunso at ang alam ko na magiging isa syang instrument sa maayos na pagsasama sama naming anim.