Chapter 16

5 1 0
                                    


EMERALD

Magisa lang ako ngayon dito sa lounge ng school. Nagpunta kasi si Amethyst sa canteen habang bumubuntot nanaman si Sapphire kay Sir Adam.

Nagbabasa lang ako ng libro pero halos tumalon ang puso ko sa gulat ng biglang may malakas na nagpatong ng paa nya sa upuan na nasa tapat ko.

"Ugh!! Bwisit!!" Ayon ko.

"Good afternoon!"

"Anong good sa afternoon? Pwede ba? Tantanan mo nga ako Copper!"

"Sunget! Kala mo naman kagandahan!"

"Sinabi ko bang maganda ako? Please lang! Wag kang epal ngayon! Di kita inaano jan ah?"

"Di daw inaano!"

"Bakit? Inaano ba kita?"

"Sus! Nang-aano ka kaya jan!

"Eh inaano mo kaya ako! Ugh!! Nakaka-ano ka na talaga--"

"Ayos! Baka magka-anuhan na kayo jan ah!" Natigilan kami ni Copper at tinignan yung nagsalita.

"Haha! Alam nyo? Bagay kayo eh! Kaso puro kayo inisan! Sayang!"

"Isa ka pa Calvin! Manahimik ka nga jan!... At kung ipapartner mo nalang rin pala ako, wag na dito sa sangganong to noh! Jan na nga kayo! Mga bwisit!"

Padabog akong umalis at halos lahat ng makasalubong ko pasigaw kong pinapatabi. Malaki naman tong university pero parang ang sikip sikip at ang daming nakaharang sa dadaanan ko! Peste!

Dirediretcho lang ako ng lakad hanggang sa may nabangga ako! Ano ba naman yan!!

"Sorr-- Sapphire? Tsk! Sorry!" Ayon ko at tinulungang tumayo si Sapphire.

"Ano ba kasing ginagawa mo jan at nakaharang ka pa talaga sa daanan?" Tanong ko pa.

"Sshhh!! Be quiet nga!" Utos pa sakin ni Sapphire sabay hila pababa ng konti at pinatingin sakin yung sinisilip nya.

As i remember, room to ng mga tourism students. Hay naku! Dito ang next class ni Sir Adam kaya naman pala panay silay si Sapphire.

"Nakikita mo ba? Panga palang panglunch na!" Kinikilig na ayon ni Sapphire kaya naman tumayo ulit ako ng maayos at humalukipkip.

"Pwede ba? Wag mo nga akong isali jan sa mga kalokohan mo sa prof na yan!" Mataray kong ayon.

"Wag ka sabing maingay! Di ako makapag-concentrate sa panonood kay Sir!" Kinikilig na namang ayon ni Sapphire kaya sa inis ko, bahagya ko syang hinampas sa likod ng dala kong libro.

Mahina lang yun pero-- Naku naman!!

"Sapphire! What are you doing there?" Rinig kong tanong ni Sir Adam dahil nagtago ako agad nung bumukas ang pinto.

Naku po! Sabing mahina lang naman talaga yung paghampas ko! Pero na-out of balance yata sya agad kaya natulak nya yung pinto and bumukas yun at niluwa sya na ngayon ay nakasalampak sa sahig.

"S-sir! S-sorry po--"

Naku Emerald! Magisip ka ng palusot! Either way, may kasalanan ka parin bakit naging ganyan si Sapphire! Isip... Isip...

"Are you okay--"

"Sapphire!! Ay naku Sir! Pasensya na po huh? Sapphire! Nahulog ba yung contact lens mo? Naku naman!" Palusot ko ka agad at nagpretend pa ko na kunwari kakadaan ko lang at kaka-kita palang kay Sapphire.

Biglang kinuha ni Sir Adam yung kamay ni Sapphire para alalayan tumayo! Ay ang pinsan ko! Namula na! Tsk!

Nilingon ko yung buong klase and buti naman di nila pinagtatawanan ang pinsan ko! Subukan lang nila at baka abangan ko sila mamaya sa labas!

"Malabo pala mata mo Sapphire?"

"Huh? Uh.. Malinaw na po ngayon Sir. Don't worry! I can see you clearly!"

Naku po! Baliw na nga talaga tong pinsan ko! Hindi ba sya nagigising sa ulirat? Mata sa mata, mukha sa mukha na sya kung magpantasya kay Sir. Nagtataka narin si Sir sa kinikilos nya. Ugh! Utang na loob lang Sapphire, umayos ka na at babatukan na talaga kita! Konting konti nalang!

"Naku sir! Pasensya na po talaga huh? Sapphire! Halika na! Hindi na ko natutuwa sayo-- I mean bibilhan nalang kita ng bagong lens!" Ayon ko pa ng may pilit na ngiti. Jusko naman! Sana pumasa tong acting ko!

Agad ko nalang hinila si Sapphire na hanggang ngayon tulala parin! Wala na! Natuluyan na nga yata to!

Dinala ko sya sa lounge pero luminga-linga muna ako sa paligid para tignan kung may kahit anino man ng kahit sino sa black bloods and good thing na wala kahit isa sakanila dito.

Tinawagan ko rin si Amethyst na puntahan kami kasi baka di ako makapagpigil at hampasin ko na naman tong si Sapphire! Ngumingiti na ng kusa! In short, baliw na nga talaga!

"Anong problema?" Medyo hingal pang bungad sakin ni Amethyst.

"Tumakbo ka ba? Bakit? Di naman kita minamadali ah?"

"Pero ang sabi mo, may nangyari kay Sapphire kaya nagalala ako bigla!"

"Ahh! Oo! Ayan oh! Nasiraan na ng bait!"

Tinuro ko si Sapphire na stiff parin habang namumula at ngumingiti. Bigla lang napakamot sa ulo nya si Amethyst at tinignan ako na parang sinasabi na 'akala ko naman kung ano nang nangyari'

"Emerald!" Ayan! Nagsalita narin ang baliw.

"Oh ano?"

"T-thank you ah!"

"Huh? Thank you saan? Muntik na nga kitang mapahamak kanina!"

"I know! Pero kasi... Because of what you did--" Biglang tumigil si Sapphire at nilapitan ako sabay hawak sa magkabilang braso ko.

"He notice me!! And higit sa lahat! He holds my hand! OH MY GOSH!! Thank you talagaaaaa!" Dugtong pa ni Sapphire habang niyuyugyog na ko sabay yakap.

Hindi nalang ako umiimik pero nabibwisit na talaga ko! Gustong gusto ko na syang sabunutan pero mahal ko parin sya as my cousin kaso... Isa nalang talaga tatamaan na naman to sakin!

"Tama na yan Sapphire! Tumawag na si kuya Vaughn! Nasa labas na daw sya! Tara na!" Biglang paningit ni Amethyst kaya natigilan agad si Sapphire.

Imbes na umalis na kami, tinitigan lang namin si Amethyst.

"B-bakit?" Nagtatakang tanong ni Amethyst.

"Ang taray! Sinasagot mo na ngayon yung tawag nya ng hindi nasisira yung phone mo!" Ayon ko.

"And oh my gosh! Close na ba kayo?" Tanong naman ni Sapphire.

"P-pwede ba? Wala naman sigurong masama kung makipag close na ko sakanya! Ayoko narin naman yung umiiwas ako kasi mukhang nahahalata na nila ate!" Payuko-yukong sagot ni Anethyst.

"Oh my! In that case, stage one is complete na!" Kinikilig na ayon ni Sapphire.

"S-stage one? A-ano yun?"

"Stage one kasi yung maging close kayo! Eh ok na so completed na! Next stage ka na! Stage two is... Lumabas kayong dalawa!"

"N-naku Sapphire! Malabo na yang mangyari!"

Lumapit si Sapphire kay Amethyst at inakbayan pa ito.

"Look my dear cousin! Walang impossible kung di ka gagawa ng paraan! Close na kayo diba? So it's possible ng one day, he'll ask you out! Kahit na friendly date lang!"

Inalis naman agad ni Amethyst yung pagkakaakbay ni Sapphire sakanya.

"Alam nyo? Tara na! Baka hinihintay narin tayo nila ate kasi bukas na ang openning ng cafe!"

"Okay! Okay! Tara na nga!" Ayon ko nalang kaya pinauna ko ng maglakad si Amethyst.

Magkasabay kami ngayon ni Sapphire at pareho lang kaming kinikilig! Ako magkahalong excitement and tuwa talaga kasi sa wakas, close na si pinsan sa crush nya! Achievement yun for her kasi hindi naman talaga sya ganun ka-socialite.

I guess unti-unti ng lumalabas sa comfort zone nya ang pinsan ko, And that is good news!

So, This is love [IMBL BOOK2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon