Chapter 2

23 2 0
                                    

Chapter 2: The Second Gem

AMBER Chuie Villanueva

3rd persons POV

"YES!! Ano po? Kailan po ako magaayos ng gamit ko? Now na ba?" Masayang ayon ni Amber.

"Anak! Teka! Sure ka ba na okay lang talaga sayo?" Paninigurado pa ni Chevz. Nilapitan naman ito ng asawa nyang si Luis.

"Hon ano ka ba? Nagaalala ka ba kasi feeling mo di pa kaya ni Amber? O dahil di mo lang kaya na di sya nakikita lagi?"

"Hon! Uhh... Pareho nalang! Alam mo namang only child sya!"

"I know! Pero pareho tayong nagtatrabaho! Di rin naman natin sya nababantayan 24/7! Sige na! Okay lang yan! Nakasulat nga sa nabasa ko na pag naging magulang ka! The first thing you should learn is to let go!"

"Pero hon--"

"Hon! Hindi habang buhay na nasa tabi tayo lagi ni Amber! Let's say na niluwal mo nga sya! Pinakain natin sya at binihisan, pero dahil obligasyon natin yun! May sariling buhay ang anak natin! Maging masaya nalang tayo sa lahat ng magiging desisyon nya!"

Saglit na natahimik si Chevz. Naiiyak naman syang lumapit sa anak sabay niyakap ito.

"Wag kang pasaway dun huh? Tutulong ka sa mga gawaing bahay! Wag mo iaaasa sa mga pinsan mo lahat!"

"Mom! Stop crying--"

"Kasi naman eh! Bat ba kasi ang bilis mong lumaki! Naka-graduate ka na! Ngayon lalayo ka muna saglit samin! Tapos sooner or later magaasawa ka naman! Grabe naman talaga!"

"Mommy! Ano ba po? Wag ka ng umiyak and magdrama! As if sa ibang bansa po kami titira noh? Anytime pwede nyo po kaming bisitahin!"

"Naku! Magagalit ang tita Ella mo pag ginawa kong bisitahin ka lagi! Sasabihin lang nun na walang sense ang pagbukod nyong magpipinsan kung lagi rin namin kayong babantayan!"

Hindi sumagot si Amber bagkus ay niyakap nalang nya ng pagkahigpit ang mommy nya.

"Hindi ko po alam kung anong hirap yang nararamdaman mo po ngayon kasi di pa naman ako mommy! Pero mom, just trust me! Hindi ko naman po kakalimutan na may mommy akong pwedeng takbuhan pag di ko na kaya or may problema ako!"

Tuluyan ng bumuhos ang luha ni Chevz. Nahihirapan syang pakawalan ang anak pero kailangan nya itong gawin! Magtitiwala sya sa anak nya kasi yun ang dapat! Yun ang kailangan.

"Tapos na ba maginarte ang magina ko?" Pabirong paningit ni Luis.

"Daddy talaga!" Ayon ni Amber habang nagpupunas ng luha.

"Basta huh? Naku! Namana mo ang ugali ng tita Acee mo! Seryoso ako dun anak! May katarayan ka! Masungit ka rin minsan! Utang na loob habaan mo yang pasensya mo! Please lang!"

"Daddy naman eh! I know po! And don't worry! Second po ako as pinaka matanda so ako pong bahala tulungan si Ruby sa pagbabantay sa mga bata!"

"Naks! Yan ang anak ko!"

Sabay na nag-apir ang mag-ama bago ikulong ni Luis sa bisig nya ang dalawang babaeng importante sakanya.

Totoong iba ang ugali ni Amber sa ugali ng magulang nito. Kabaligtaran kung baga. Pero kahit na ganun, alam nyang taglay parin nya ang malambot na pusong meron ang mga magulang nya.

So, This is love [IMBL BOOK2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon