Chapter 20

7 0 0
                                    


SAPPHIRE


Naglalakad kaming tatlo papunta na sa parking para dumeretcho na sa cafe ng bigla kaming harangin ng black bloods! In fairness! Kumpleto silang lahat ngayon ah!

"Bestfriend! Uuwi na kayo?" Tanong sakin ni Calvin.

"Didiretcho na kami sa cafe! Why?"

"Wala! Natanong ko lang!"

"Tsss... Ay by the way i have kwento pala!"

Bigla kong hinila si Calvin palapit sakin at kinikilig kong hinawakan ng mahigpit ang braso nya.

"You know what happen kanina?? Oh my gosh!! Tinignan ako ni Sir Adam--"

"Kasi nakatulala ka sakanya!" Pairap na paningit ni Emerald.

"Ah basta! And then hinawakan na naman nya yung balikat ko bestfriend--"

"Kasi nga, ginigising ka sa pag dadaydream mo!" Again. Paningit na naman ni Emerald.

"Tsss.. Tapos sinabi nya yung pangalan ko--"

"To call your attention kasi di ka nakikinig sa klase nya!"

"Ano bang problema Emerald? You keep on interupting our conversion ah?"

"Huh? Hindi kaya! Sinasabi ko lang kung bakit nya talaga yun ginawa sayo!"

"And so? Nakakakilig kaya!"

"Ano ba yan Sapphire! Patay na patay ka sa gurang na yun! Baliw ka na!" Paningit bigla ni Calvin.

"Hey! Don't you ever call my baby, gurang! He's not kaya! He's super gwapo and super linis sa katawan! Unlike you!" Biglang hinawi ni Calvin yung kamay kong nakahawak sakanya.

"Ang kapal! Ewan ko na sayo! Pag ikaw umiyak dahil nalaman mong may gustong ibang babae yung gurang na yun, wag na wag kang lalapit sakin para icomfort ka!"

"Tsss... Fine! No need kasi alam ko namang sa mga efforts ko, in the end! Sakin parin ang bagsak nya! Hmp! Jan ka na nga!" Agad akong umalis at di na nagabalang yayain ang mga pinsan ko kasi alam kong susunod naman sila agad.

Bwisit na Calvin yun! Sinira nya ang araw ko! Hmp! Kainis.


EMERALD


Nakatingin lang kami sa likod ng nag walkout na si Sapphire! Kanina ko pa sya binabara sa kakiligan nya pero walang epekto! Bulag na sya sa sobrang pagaasam kay Sir Adam.

"Emerald--"

"Ssshhh!! Halika na!"

Paalis na sana kami ni Amethyst ng biglang may humagit sa braso ko.

"Hey!"

"Emerald! Just a piece of advice! Hangga't maaga palang sabihin mo na yan! Dahil pag nalaman nyang may alam kayo all this time and hindi nagsalita sakanya, gulo yan!"

Napakunot ang noo ko pero di ko malaman kung pano... Panong alam nya na may tinatago kami ni Amethyst?

"May alam ka ba Copper?"

"May mata, tenga at pakiramdam rin ako Emerald! At kahit di ka maniwala, kilalang kilala na kita! Wag mong kakalimutan ang sinabi ko! Madadamay ka sa gulo na yan!"

Binitawan ako ni Copper at nagkatitigan kami pero seryoso lang yung mukha nya.

"Why all of a sudden concern ka sakin?" Mataray ko pang tanong.

"Tsss.. Hindi ako concern sayo! Pinapayuhan lang kita!" Copper paused at nginisian ako.

"Mauna na kami! Hinihintay narin kayo ni Sapphire kaya mas mabuting sundan nyo na sya!" Dugtong nya pa.

Kunot noo lang akong nakatingin sakanya. Naramdaman ko nalang ang paghila sakin ni Amethyst kaya napasabay na ko sakanya ng lakad palayo.

Yes! Harsh pa rin sya! Pero-- Ano nang nangyari sa Copper na kilala ko noon? Bakit parang iba sya ngayon? Ugh! Baka nakadrugs lang! Hay naku!

So, This is love [IMBL BOOK2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon