Chapter 12

9 0 0
                                    




SAPPHIRE


"Oh! Diretcho uwi huh? Wag na kayong maggala pa!" Bilin ni Ate Jade samin.

"Ay hindi! Call me pag uwian nyo na and kung nasa labas pa kami, susunduin na namin kayo!" Pahabol ni ate Ruby.

"Wag masyadong magpapacute sa boys! Diba Sapphire? Tsaka iwas gulo dapat! Wag masyadong siga ano Emerald? And susubukan laging makipagusap sa iba bukod sa mga pinsan huh Amethyst?!" Bilin naman samin ni Ate Amber.

"Oo na ate! We understand! Don't worry na!" Sagot ko naman agad.

"Hinihintay na kami ni Kuya Vaughn! Bye na!" Paningit naman ni Emerald at nagsimula ng magbeso sa mga ate namin kaya ganun narin ang ginawa namin ni Amethyst.

* * *

"Ang tagal ng prof! Nakakabagot!" Pairap irap pang ayon ni Emerald.

Nandito na kami sa classroom namin at hinihintay nalang yung prof namin for our first subject. Nakikinig lang ng music si Amethyst habang si Emerald naman kanina pa reklamo ng reklamo.

Ako naman, nagaayos na ng sarili ko! Si sir Adam ang prof namin! 2nd year palang ako, crush ko na sya! Lagi akong nagpapapansin sakanya and kahit papano, nag improve naman kasi medyo close na kami! Medyo lang pero atleast close parin.

"Hoy bruha! Sa wakas dumating na yung prince charming mo oh!" Iritadong sabi sakin ni Emerald.

Nang makita kong nakapasok na sa classroom si Sir. Automatic na nagslow motion sya sa paningin ko! Ang bilis din ng heartbeat ko! Saglit lang naman ang bakasyon pero parang ang daming nagbago sakanya!

Ang kinis lalo ng mukha nya! Ang bata nya lalong tignan! Parang nadagdagan rin yung height nya to think na matangkad na talaga sya eh! Tapos yung mata! Ang ganda parin! Matangos parin yung ilong nya! At yung lips nya! Super red! Kissable masyado!

Naiimagine ko na naman na naglalakad ako sa aisle ng simbahan at nandun sya sa dulo! Hinihintay ako! Nakangiti sya at kitang kita ko yung saya sa mukha nya! Ang saya saya ko rin! Super! Until tanungin nya ko!

"Sapphire... Will you... Will you... Will you pay attention Ms. Ignacio?!"

Bumalik ako sa ulirat ng biglang may humawak sa braso ko.

"S-sir!"

"Sapphire! First day of classes and yet nagdadaydreaming ka na agad!"

"S-sorry Sir!"

"Hmm.. From now on, Please pay attention in my class! Will you?"

"Y-yes Sir!"

Bumalik na sa harapan si sir at ako naman, panay ayos sa sarili ko! Gosh! Nakakahiya naman! Kainis! Nililingon ko si Emerald at nakitang nagpipigil sya ng tawa. Ganun rin si Amethyst! Ugh! Super worst first day of classes to!!!

AMBER


Kakababa lang namin sa kotse dahil nandito na kami sa tinuro ni Vaughn na bakanteng lugar na baka gusto raw ni Ruby na patayuan ng bussiness nya.

"Alam mo? This is nice huh? Refreshing at madadaanan ng mga tao kaya impossibleng hindi mapapansin!" Ayon ko habang nakatingin sa kabuuan ng lugar.

"Kahapon kasi pagkatapos kong pumunta sainyo, naghanap ako ng lugar para naman di na kayo mahirapan! Nagtanong tanong ako at itinuro nga nila dito! Dati raw na restaurant to!" Ayon ni Vaughn.

"Nice! Thank you so much Vaughn! Actually, pwede na to kung ako lang ang tatanungin! Kailangan lang ng ilang renovations and gaganda na to!" Ayon naman ni Jade.

"Tama! This is the perfect place! Good job Vaughn! Kailangan ba kitang bayaran sa serbisyo mo samin?" Pabirong tanong ni Ruby.

"Lahat naman to ginagawa ko para di na kayo mahirapan!"

"Naks! Salamat huh? Buti nalang dumating ka!"

"Wala yun Amber! Kailangan ng magbabantay kay Jade eh!"

Bigla akong natahimik. Nang lingunin ko si Ruby. Bigla kaming nagkatinginan at parang pareho ang iniisip namin.

Could it be? Baka naman may iba ng relationship si Jade and Vaughn beside sa body guard-alaga relationship nila?

"Hoy Vaughn! Umamin ka nga sakin!" Agad kong ayon matapos ko pang hampasin ang braso ni Vaughn kasi naman pareho sila ni Jade na talagang nililibot ang paningin sa buong paligid.

"A-ano yun?" Takang tanong ni Vaughn.

"May gusto ka kay Jade noh? Or baka naman kayo na pero nililihim nyo samin!" Direkta kong sagot.

Pansin kong agad nagtinginan si Jade at Vaughn habang nakakunot pa ang mga noo.

"Anong pinagsasasabi mo jan Amber?"

"Jade! Sagutin nyo nalang yung tanong ko! Ano nga?"

"Ofcourse wala! Hindi kami! Wala rin kaming feeling towards each other ah! At tsaka, iba gusto nyan ni Vaughn!"

"Talaga?! Sino?"

"A-ahh! Kailangan pati yun malaman mo? Pwedeng w-wag nalang?" Biglang paningit ni Vaughn.

"Oo nga Amber! Sinagot ka na naman ni Jade eh! Tsaka kung sino man yung babae sa buhay nitong si Vaughn, labas na tayo dun! Sinasagad mo masyado pagka-chismosa mo!" Ayon naman bigla ni Ruby.

"Fine! Mabuti ng alam namin! Malay ko ba? Lagi kayong magkasama eh!"

"I know! Kaya nga magkaibigan narin kami nyan ni Vaughn. Tsaka tignan mo! Di lang kaya ako iniintindi nya! Lahat tayo!" Ayon ni Jade.

"Oo nga eh! Thank you talaga huh?" Ayon pa ni Ruby.

"Syempre! Matagal ko na naman kayong kilala lahat at sa ngayon gusto ko nalang rin kayong maging ka-close parang kami ni Jade!"

"Wait Vaughn! Anong matagal mo na kaming kilala? Kahapon lang kaya tayo nagkakilala!" Nagtataka kong ayon.

Nagkatinginan nanaman si Vaughn at Jade then bigla nalang nagngitian.

"Matagal na nya kayong kilala! Lagi ko kaya syang kasama sa family gatherings natin! Kaso, nasa labas lang sya! Kaya kilala nya lang kayo sa pangalan at itchura!" Paliwanag ni Jade.

Napapatango nalang ako pati si Ruby. So okay na pala! Since matagal na nya kaming kilala, ok ng maging close kami! Wala namang masama!

"Simula ngayon friends na tayo! Kaibigan mo na kaming lahat kaya hindi nalang si Jade! Taray! Ang dami mong GIRLfriends!"

"Amber talaga!" Napapa-iling na ayon ni Vaughn.

Binaling nalang ulit namin ang atensyon namin sa lugar. Napapaisip na si Ruby kung panong renovation ang gagawin nya para magmukha tong isang cafe!

"Tara na! Uwi na muna tayo kasi feeling ko kailangan ko rin ng suggestion nung mga bata!" Ayon ni Ruby

Agad naman na kaming nagsipasukan sa kotse at habang papauwi, panay usapan parin tungkol sa cafe.

"Kakailanganin natin yung kaartehan ni Sapphire para sa magiging interior!" Ayon ko.

"Kailangan naman natin si Emerald para sa brainstorming and suggestions! Ang bilis kasi magisip nun!" Ayon naman ni Jade.

"At kakailangan nyo naman si Amethyst kasi sainyong lahat sya ang may pinaka magandang taste sa lahat ng bagay! Pag approve sakanya! Ibig sabihin maganda talaga!" Ayon naman bigla ni Vaughn.

Nagtaka naman ako sa bigla nyang sinabi! Parang mas kilala nya pa si Amethyst kesa samin ah?

So, This is love [IMBL BOOK2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon