Chapter 21

5 0 0
                                    




AMBER

Sarado ang shop ngayon kasi may sakit si Ruby at Amethyst. Si Emerald naman, pinuntahan nila tita A-ven at tito Gio kanina. Siguro namiss nila talaga ang anak nila! Okay lang siguro to! Parang day-off lang.

Ako at si Vaughn lang ang nandito sa sala at nanonood. Nasa kwarto naman nila si Sapphire at Jade.

"Aalis ka Jade?" Napalingon ako kay Vaughn dahil sa tanong nya kay Jade na pababa ng hagdan.

Oo nga! Ayos na ayos si Jade eh! At aba ang ngitian, talaga namang nasesense ko na lalake ang dahilan nun!

"May ka-date ka? Sino yan? Magkwento ka muna!" Nangingiti kong ayon kay Jade.

Magsasalita na sana sya ng biglang may nag doorbell kaya sya na mismo ang nagbukas ng pinto at nagpapasok dun sa tao.

"Hello! Good afternoon!" Bati ng isang familiar na mukha ng lalake.

"Sorry pero nagkita na ba tayo?" Tanong ko agad.

"Amber, customer natin sya sa cafe and professor rin sya nila Sapphire!" Sagot agad ni Jade.

Napapatango nalang ako kasi naalala ko na sya! Oh well, mukha naman syang matino.

"Pano? Mauna na kami huh?" Paalam ni Jade at paalis na sana sila kaso biglang baba naman ni Sapphire galing sa kwarto nya!

"Ate Jade! Your wallet-- Sir Adam?" Parang gulat ang huling tono ni Sapphire.

"Oh hello Sapphire!" Bati ni Adam.

"Ay! Thank you Sapphire!" Agad kinuha ni Jade yung wallet nyang inaabot ni Sapphire. Si bruha naman, parang na-estatwa lang.

"A-ate! S-si... Si Sir Adam ba yung sinasabi mo kanina sa kwarto na... Na ka-date mo?" Parang namamaos na tanong ni Sapphire at kitang kita ko rin ang pagkunot ng noo nya! Problema nito?

"Uhm... Kadate? Medyo ganun na nga!" Nangingiting sagot naman ni Jade. Ewan ko pero may mali! Kumukuyom kasi yung kamao ni Sapphire.

"Sige! Mauna na kami huh?" Paalam ni Adam sabay hawak sa kamay ni Jade at in-escort ito palabas na ng bahay.

Nilingon ko si Sapphire na hanggang ngayon eh di umaalis sa kinatatayuan nya. Nakayukom parin ang mga kamao nya at parang ang sama sama ng tingin nya.

Napatayo nalang ako bigla ng umakyat ng padabog si Sapphire.

"Amber--"

"May mali Vaughn!"

*Blaaaaaggg*

Sabay kaming napatingala ni Vaughn ng makarinig kami ng kalabog! May mga nababasag rin! Nang makaakyat kami ni Vaughn, sabay labas naman ni Ruby at Amethyst sa kanya-kanya nilang kwarto.

"Ano yun??" Nagaalalang tanong ni Ruby habang nakahawak pa sa ulo nya.

"Galing sa kwarto nila ate Jade!!" Ayon naman ni Amethyst.

Agad lumapit sa kwarto si Ruby at bubuksan sana kaso naka-lock! Kaya panay katok lang kami.

"Si Sapphire lang ang nandyan! Kakaalis lang ni Jade!" Natataranta kong ayon.

"Sapphire!!! Si ate Ruby to!! Anong nangyayare?? Buksan mo tong pinto!!!" Sigaw ni Ruby habang panay ang katok.

"LEAVE ME ALONE!!" Sigaw ni Sapphire then may kumalabog na naman.

"Sapphire please!!! Buksan mo to!!!" Sigaw ko naman pero di sumasagot si Sapphire at panay kalabog at sigaw lang.

"Tumabi kayo!!" Utos samin ni Vaughn kaya agad kaming lumayong tatlo.

So, This is love [IMBL BOOK2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon