RUBYSaturday night at hindi parin kami kumpleto. Kanina ko pa tinatawagan sina Sapphire at Emerald kasi hanggang ngayon hindi parin sila umuuwi.
"Pwede maupo ka muna? Chill!" Ayon ni Amber habang panay hanap ng channel na gusto nya.
"Chill? Anong oras na wala pa yung dalawa--"
"Calm down, Ruby!"
"Jade! Pano akong kakalma? Almost 11pm na at wala parin sila!"
Biglang tumayo si Amber at humalukipkip sa harapan ko.
"Let's have a recap nga! 10pm tayo nagsara ng cafe! Ngayon, 10:40 palang! Halos 40minutes palang hindi umuuwi yung dalawa kaya kumalma ka lang! Tsaka, nagpaalam naman sayo ng personal yung dalawang lalake na sila na daw maghahatid dito kay Emerald at Sapphire!"
Napabuga nalang ako ng hininga! Napaparanoid nga lang siguro ako! Di naman siguro maaalis sakin yun lalo na't yung dalawang bata pa ang hindi umuuwi! Kung si Jade or Amber yun, baka di naman ako ganito maghysterical!
"Oh! May nagdoorbell na! Ako nalang magbubukas!" Pagpiprisinta ni Vaughn kasi hindi ko pa sya pinapauwi dahil lagi na namin syang kasama kumain ng late dinner.
Pagkabukas ni Vaughn ng pinto, agad naman na pumasok si Sapphire at yung bestfriend daw nya na lalake na si Calvin.
"Oh! Kayo lang dalawa?" Bungad ko.
"Why?" Tanong ni Sapphire.
"Si Emerald? Hindi ba kayo magkakasama na apat?"
"Uhh.. Hindi ate eh! Kasi naglakad lang kami ni Calvin papunta dito! Natagalan lang kami kasi may nakita akong nagtitinda ng fishball! Napakain lang kami ng konti!"
"Oh eh sila Emerald? Hindi mo ba alam kung nasan na?"
"Eh kasi ate may dala talagang motorcycle si Copper! Dun nya sinakay si Emerald and hindi ko na alam kung saan sila nagpunta!"
"WHAT??!!"
Agad lumapit si Amber sakin at hinila ako palayo dun sa dalawa.
"Naku! Pag pasensyahan nyo na to! Kanina pa paranoid eh! Nakakainis man pero intindihin nyo nalang!" Nangingiting ayon ni Amber kaya di ko napigilang mabatukan sya ng bahagya.
Hindi na ko nagsalita pa at kinuha ulit ang phone ko para tawagn si Emerald pero this time...
"NAKAPATAY NA YUNG PHONE NYA!!!" Sigaw ko.
"Ate kalma lang!" Ayon naman ni Amethyst habang hinihimas ang balikat ko.
Pano ba ko kakalma eh si Emerald ang pinakabunso! Nakakainis! Ganito pala ang feeling ng maging ate sa limang nakakabata pa sakin!
Halos sabay sabay kaming napatingin sa pinto ng biglang may nagdoorbell! Si Vaughn ang malapit kaya sya ulit ang nagbukas ng pinto at sabay niluwa naman nito si Emerald at Copper.
"Hey!! Saan ba kayo nanggaling?! Tinatawagan kita Emerald! Kanina nagriring pa pero di mo sinasagot! Nung tawagan kita ulit, nakapatay na yung phone mo!!" Napataas na yung boses ko.
"A-ate!"
"Nagalala lang kasi yan sayo!" Paningit ni Jade.
"Eh ano kasi... Nasiraan kami ate! Na-flat yung isang gulong ng motor ni Copper kaya pina-vulcanize pa muna namin! Naubusan rin ako ng battery kaya namatay phone ko! Sorry na ate! Di ko naman kabisado number mo kaya di ko mahiram phone ni Copper! Sorry talaga!"
"Sorry din po! Di na mauulit!" Ayon naman ni Copper.
Tinitigan ko si Emerald at Copper pero pareho silang payuko-yuko at nagsusulyapan ng tingin.
"Hay naku! Sige na nga! Nakakainis lang kasi alam mo naman Emerald na ako ang ate dito kaya talagang magiging ganito ako kapag alam kong wala ka ng ganitong oras dito sa bahay at di ko ma-contact!"
Hindi sumagot si Emerald pero basta nya lang akong sinunggaban ng yakap at paglalambing!
"Ate talaga! Mahal na mahal mo talaga ako ah! Kinikilig na ko nyan eh!"
"Tigilan mo ko! Naku! Di eepekto sakin yang kadramahan moves mo ah! Ikaw ang bunso kaya talagang magaalala ako! Naku!!"
"Kahit na noh!"
"Tama na nga! At kayong dalawang lalake! Halika na! Sumabay na kayo samin kumain!" Pagyaya ko pa kay Copper at Calvin.
Nginitian nila ko bago kami sabay sabay na pumunta sa dining table. Naku! 'Tong mga batang to oh!
* * *
"Ang luwag Copper! Wag kang shunga! Kanina ka pa dikit ng dikit sakin!" Iritado at mataray na ayon ni Emerald.
"Walang basagan ng trip!" Pa-cool lang na sagot ni Copper pero nawala yung pagngisi nya ng biglang tumayo si Emerald kaya hinagit nya agad yung braso nito.
"Ano? Aalis ka? Ang KJ mo talaga kahit kailan!" Kunot noo na sabi bigla ni Copper.
"Shunga! Aayusin ko lang tong skirt ko! Adik nito ah!" Mataray na sagot naman ni Emerald.
Napapailing nalang ako habang nakangiti. Ang cute kasi nilang dalawa! Nilingon ko ang mga kasama pa namin.
May pagtataka sa mukha ni Amber habang iba naman ang pagkakangiti ni Jade. Napapailing lang rin si Sapphire at Calvin habang si Amethyst naman, nakatitig lang and si Vaughn naman, same as what i'm doing!
"Ganyan ba talaga kayo?" Tanong bigla ni Amber.
"Naku Ate! They're like that eversince they met! Ewan ko nga jan sa dalawang yan! Hobby yata nila maginisan!" Paningit na sagot ni Sapphire.
"Naku huh? Baka kung saan mapunta yan!" Nakangising ayon naman ni Jade.
"Yun din ang nasa isip ko! Naku talaga!" Ayon ko.
Nagkatinginan si Emerald at Copper pero iritadong umiwas ng tingin si Emerald at pinatigil na kami! Asus!
"Ay by the way Ruby, may itatanong pala ako!" Biglang ayon ni Vaughn.
"Ano? Day-off? Sunday naman bukas and hindi talaga tayo nagbubukas ng cafe pag sunday diba? No need to ask na!"
"Hindi yun! Uhhh.. Tatanong ko lang sana kung pwede kong mahiram si Amethyst bukas--"
"Naku! Pwedeng pwede!" Biglang paningit ni Emerald kaya nagtaka naman ako.
"H-huh? M-may project tayong gagawin diba?" Ayon ni Amethyst
"Ay hindi! Ano... Si... Si Copper ng bahala sa project mo! Diba Copper?" Pansin ko na pinandilatan pa ng mata ni Emerald si Copper.
"Hmm.. Oo! Ako nang bahala!" Walang emosyong sagot lang ni Copper.
"Oh! Okay na! Kaya go ka na kay Kuya Vaughn!" Ngiting-ngiti naman na ayon ni Sapphire.
Hindi ko malaman kung ano ba tong kinikilos ni Sapphire at Emerald. Para silang ewan na pinagpipilitan ipasama si Amethyst kay Vaughn.
"Oo! Sige na Amethyst! Mag-chill ka naman kahit bukas lang!" Biglang pagsangayon naman ni Amber.
"Vaughn won't take No for an answer! Diba Vaughn? Kaya ok lang yan Amethyst!" Ayon naman ni Jade. Hay naku!
"Osige Vaughn! Ikaw nang bahala bukas kay Amethyst!" Ayon ko nalang.
Tsk! Nahihiwagaan na talaga ko sa mga pinsan kong to ah! Di bale, malalaman at malalaman ko rin naman kung anong kalokohan tong tumatakbo ngayon sa mga utak nila.
![](https://img.wattpad.com/cover/6118484-288-k285613.jpg)