Chapter 9

9 1 0
                                    


EMERALD




Pagpasok ko sa kwarto, nadatnan kong nagpupunas ng luha nya si Amethyst kaya agad ko syang tinabihan sa kama nya.

"Uy! Bakit? Anong nangyari? May masakit ba sayo?" Agad kong tanong pero sinagot nya lang ako ng pag-iling.

"Hayyy... Amethyst! Hindi tayo pwedeng laging ganito!"

"H-huh?"

"Masyado kang nagkikimkim! Ayaw mo bang ilabas lahat ng nasa dibdib mo? Di mo ba alam na mas gagaan at mas luluwag ang pakiramdam mo kapag nailabas mo lahat yan?"

"E-emerald! A-ano kasi..."

Tumayo ako sa pagkakatabi ko sakanya at lumipat sa sarili kong kama. Umupo ako ng paharap parin sakanya.

"Okay! Ngayon na! Tell me everything! Anong problema?"

"Huh?"

"Anong huh? Open forum na to Amethyst! I'll lend my ears just for you kaya simulan mo ng magsalita! Makikinig ako!"

"A-ano bang gusto mong malaman?"

"Lahat!"

"Lahat?"

"Ay! Sorry di pala pwedeng lahat agad! Hmm.. Ganito, magtatanong nalang ako! Okay?"

"Hayyy... Osige!"

Napangisi ako! Alam kong wala naman na syang magagawa lalo na't alam nyang di ko sya titigilan! Yes! You the real mvp Emerald!

"Okay! Uunti-untiin ko nalang para di ka mabigla! Sa ngayon, pwede bang sabihin mo nalang sakin kung bakit parang ilang ka saming lima? May nagawa ba kami sayong di maganda?"

"No! No! Wala!"

"Eh bakit nga?"

Hindi agad sumagot si Amethyst. Nakita kong para syang naghahanap ng bwelo! Okay lang kahit gano katagal! Ang importante eh may mailabas syang alam kong kinikimkim nya.

"Wala kayong nagawang masama sakin! It's me! Ako ang problema! Masyadong... Masyado akong insecure!"

"H-huh?"

"Naaalala ko noon, nung naka-graduate na si ate Ruby, umiiyak si mommy na niyakap sya at sinabing proud sya sakanya! Samantalang ako? Ni minsan hindi pa ko iniyakan ni mommy kasi proud sya sakin!" She paused.

"Nung nanalo si ate Amber sa national food showdown sa school nila, tuwang tuwa nun si mommy! Sabi pa nya kay tita Chevz na ang swerte swerte nya sa anak nya! Double meaning sakin eh! Ibig sabihin, di sya maswerte sakin?" She paused again. Gusto kong magsalita pero ayoko syang istorbohin.

"And everytime na may gatherings tayo, ang atensyon ni mommy laging na kay ate Jade! Syempre, she's sick eh! Naisip ko nga nun, siguro kung magkasakit rin ako sa puso, nasa akin lang rin siguro ang atensyon ni mommy!" Napapailing nalang ako.

"And super proud sya kay Sapphire nung nanalo sya as Ms. University Girl! Ang ganda ganda daw nya sabi ni mommy! I felt sorry for myself kasi ang panget ko eh!"

Medyo kinabahan ako ng tumigil si Amethyst at tinignan ako ng diretso sa mata.

"May aaminin ako pero please wag kang magagalit sakin Emerald!"

"O-oo! Sige lang! Ilabas mo lang lahat!"

"Sobrang inggit ako sakanilang lahat! Pero naiiba ka! Kasi... To be honest, nagkaron ako ng sama ng loob sayo!"

"A-ano?"

"Remember yung quiz bee na sinalihan natin pareho? Ikaw ang nanalo dun eh! Ako kahit 3rd place hindi umabot! Pero kasi... Kitang kita ko Emerald! Kitang kita ko kung pano ako lagpasan ng mommy ko para puntahan ka nya at yakapin!"

Napahagulgol na si Amethyst. Nagpipigil naman ako ng iyak kasi ayokong makisabay sakanya. I didn't know that she's going through a lot!

"Nilagpasan lang ako ng mommy ko para sayo! Hindi nya ko nakita! It was like kahit effort ko hindi napansin! Ewan ko ba kasi kung bakit di ko namana yung talino at ganda nya! Tuloy madalas kong isipin na baka... Baka ampon lang ako--"

"Tama na!!" Paningit ko at tumayo para lumapit kay Amethyst at niyakap sya.

"Tahan na Amethyst!"

"Hindi ako mahal ng mommy ko! Laging si daddy lang ang nagpaparamdam sakin na ayos lang ang lahat! Na ok lang kahit wala akong achievement! Emerald! Si daddy lang ang proud sakin kahit wala akong nabibigay na kapalit!"

"No! Ako! I'm proud of you! And i love you couz! So please wag ka na magisip ng ganyan! Maraming nagmamahal sayo--"

"Amethyst!" Napalingon kami sa bandang pinto at nakitang nandun ang mga ate namin.

Agad silang pumasok at lumapit saming dalawa. Sinunggaban naman ng yakap ni Ate Ruby si Amethyst.

"Tahan na! Nandito lang si ate! We're so sorry about everything--"

"No! W-wala kayong kasalanan!"

"Pero feeling namin na parang inagaw namin si Tita Isha sayo! Please wag kang magisip ng ganun! Hindi totoong hindi ka mahal ng mommy mo! She love you so much! Alam ko yun kasi nung niyakap nya ko after graduation, sabi nya na baka mas oa pa daw ang iyak nya pag ikaw na ang nagtapos!" Ayon bigla ni ate Ruby.

"Actually, Sinabihan ko noon si tita na tuturuan kitang magluto since nanalo ako dun sa competition! Pero ang sabi nya, ayaw daw nya! Mas gusto nya na sya ang nagluluto para sayo! Para dun man lang daw ma-feel mo how much she loves you!" Ayon naman ni Ate Amber.

"And what are you thinking na sana meron ka nitong sakit ko? Everytime na kausapin ako ni tita Isha, lagi nyang sinasabi na kung sakaling ikaw daw ang magkasakit ng ganito, hindi nya daw kakayanin! Baka daw mabaliw sya!" Ayon naman ni Ate Jade.

"Please don't think na hindi ka maganda! You're so beautiful inside and out! Kasi sa totoo lang ayaw ni tita na you will join any contest like beauty contest! Sabi nya ayaw daw nyang maging open book ang life mo after nun! Gaya ko! Konting mali ko lang napapansin na ng lahat kasi they know me na!" Ayon ni Sapphire.

"Tita is so proud of you! Kasi nakita nya daw yung determination mo na manalo nung quiz bee! Kahit daw hindi ka nagkaron ng place nun, natutuwa daw sya na nagkaron ka ng participation! First time mo daw kasi yun!" Ayon ko naman.

Pinatahan na namin si Amethyst. Feeling ko alam na nya ang gusto naming iparating!

Paulit ulit nyang sinasabi na ang sama daw nyang anak para pagisipan ng iba ang mommy nya! Kaya panay paalala lang kami na kahit anong mangyari di naman sya pababayaan ng mommy nya! Na mahal na mahal sya nito at di ipagpapalit kahit kanino.

"Just call your mom later! Tell her how much you love her!" Payo ni ate Jade.

"Oo ate! I will!" Sagot naman ni Amethyst.

"Tama na nga! Tumahan ka na Amethyst huh? And from now on, dapat open ka na samin! Be vocal! We love you to bits and sana alam mo yun!" Nakangiting sabi ni ate Ruby.

"Oo ate! Hindi na ko tatango at iiling nalang ng pagsagot!"

"That's good! Haha! Mapapanis ang laway mo pag lagi kang tahimik! Tsaka, di bagay! Wala ngang tahimik saming lima tapos ikaw tahimik lang!" Ayon ni ate Amber.

Nagngitian lang kaming lahat hanggang sa nauwi sa kwentuhan. Yung kaninang iyakan ngayon naman tawanan na! It feels so good! Parang gumaan din ang pakiramdam naming lima.

Now, we're really starting everything with a smile.

So, This is love [IMBL BOOK2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon