AMBER**two months later**
Konti lang ang ginawang pagbabago dito sa lugar na pagtatayuan ng cafe ni Ruby kaya almost okay na! Pintura nalang ang kailangan.
"Two months lang ate! Ang cool nung nakuha mong workers ah!" Ayon ni Sapphire.
"Loka-loka! Naka-kontrata yung mga yun kaya talagang cool! Tsaka may nakatayo na talaga dito, bale medyo nirenovate nalang!" Paningit ko naman.
"Ruby! Ruby! Tinatanong nila kung anong kulay daw ipipintura para maayos na daw nila!" Biglang sulpot naman ni Jade.
Halos sya, ako at si Ruby talaga ang punong abala sa mga kailangan at talagang tutok na tutok kaming tatlo sa bawat detalye.
Yung tatlong bata, hinihingan lang namin ng mga suggestion kasi super teenager parin nila mag-isip and kailangan ni Ruby yun para kahit papano magmukhang hip tong cafe nya.
Agad naman lumapit si Ruby kasama yung tatlong bata sa parang head nung nga trabahador. Naiwan ako with Jade.
"Ang bilis no? I'm so happy for Ruby!" Nakangiting ayon ni Jade habang nakatitig sa almost done na coffee shop.
"Pag nagawa na to, Kaya nating anim na magtulungan para maging maayos ang takbo ng cafe!"
"I know! And i'm sure matutuwa nito ang parents natin!"
"For sure tama ka jan! Naku! Mag hyhysterical pa nga siguro ang mommy ko sa tuwa! Wala kasi syang ineexpect na ganito!"
"Haha! From you, oo!"
"Ay! Grabe ka ah!"
Nagtawanan lang kaming dalawa habang magkaakbay na! Jade is really our mood balancer! Pag wala sya, parang lahat magulo, lahat nagpapanic, lahat nagaaway away!
Pero when she's around naman, everything is at peace! Super possitive nya kasi kaya nadadamay nya halos yung buong atmosphere nya.
Siguro paglumala ang sakit nya and makita ko syang nanghihina na, baka di ko kayanin! She needs to live longer! Not for us! But for her self!
**A week later**
"Oh my gosh!!! This is it na talaga!!!" Medyo patili pang sabi ni Sapphire.
Tabi tabi kaming nakatayo sa harapan ng gawa ng coffee shop ni Ruby! At last! Tama sya! This is it na nga kasi Gems Cafe is now done and ready to serve.
Pumasok kami sa loob at talaga namang nakakamangha! Maaliwalas kasi ang buong lugar, Sa labas man o sa loob!
Niyaya kami ni Ruby na maupo and talagang natuwa kami kasi yung mga chairs pina-customize nya, well, yung colors lang naman! Iisa ang design pero iba iba ang kulay.
"Ang cool nito! Ang ganda sa mata ng mga kulay ng chairs!" Natutuwa kong ayon bago umupo.
"The chairs was Emerald's idea! Hesitant pa nga ako nung una kasi baka di umabot sa deadline ko pero thank god at umabot naman! 3chairs per table lang! Pero as you can see, hindi pwedeng walang white! Para daw balance tignan sabi ni Emerald!" Paliwanag ni Ruby.
"Hindi ba magmumukhang balance kung walang white?" Tanong ko.
"Ate! Dapat napapagitnaan lagi yung white nung dalawang magkaiba na kulay! Kasi kung hindi, parang ang dumi tignan na parang naka-kalat lang yung mga kulay!" Paliwanag ni Emerald.
"Gosh! How did you even know those kind of things?" Tanong ni Sapphire.
"Wala! Para lang sakin! Base lang sa paningin ko, sabi ko nga kay ate Ruby, sya parin ang bahala!" Sagot ni Emerald.
"Pero gusto ko ang taste nyong tatlo kaya alam kong okay to! Parang kay Amethyst! Sabi nya na wag daw gawing colorful yung tables and chairs sa labas! Basta white lang yung chairs and brown na medyo red-ish yung tables to compliment sa highlight color ng buong cafe!" Ayon pa ni Ruby.
"I'm so impress na huh?" Ayon ko naman.
"So this is it na nga talaga!" Ayon pa ni Jade.
"Nakaka-excite ang opening!" Ayon naman ni Amethyst.
"Nasa akin na yung flyers so by tomorrow start na tayong mamigay!" Ayon naman ni Sapphire.
Makakatulong talaga sila since maraming students na mahilig sa mga frappe and cupcakes.
Nagulat kami ng isa-isa kaming niyakap ni Ruby! I know she's really thankful sa tulong namin pero it's our pleasure naman and para naman yun sakanya so walang problema.
Sa gitna ng pagdadrama ni Ruby, bigla namang sumulpot si Vaughn na ewan namin kung saan nanggaling at parang hingal pa!
"Ayos ka lang? Saan ka galing?" Tanong ni Jade.
"Sinimulan ko na kasi mamigay ng flyers! Ibang klase! Sinimulan ko lang sa dalawang babae na magkaibigan tapos para na kong dinumog ng mga babae! Ewan ko ba!" Parang iritado rin na sagot ni Vaughn.
"Aba! Mabenta talaga yang itchura mo sa mga girls!" Natatawa kong ayon.
"Hmm... Why do i have this feeling na sa openning ng cafe, halos puro babae ang unang magiging customers natin?" Ayon naman ni Ruby na nakahalukipkip pa.
Nagkatinginan lang kaming anim at sabay sabay na napangiti. Tinitignan lang kami ni Vaughn ng may halong pagtataka.
Well, i think pareho lang kaming anim ng naiisip. Dudumugin nga kami ng mga babae sa openning!
