RUBYNandito parin kami sa room ni Emerald at Amethyst. Nagtatawanan kami sa mga kwento ni Emerald at Amber. Ngayon ko lang rin nakitang ngumiti at humalakhak si Amethyst kaya naman natutuwa talaga ako.
"Osya! Dun na nga tayo sa baba kasi ako ang nagluto ng dinner!" Biglang ayon ni Amber.
"Wow! Ano bang niluto mo?" Nakangiting tanong ni Jade.
"First, yung favorite seafood carbonara ni Emerald!"
"Naks Ate Amber! Thank you! Nagugutom na ko!"
"And second, gumawa rin ako ng home made pizza kasi yun naman ang favorite ni Amethyst!"
"Ang galing! Alam mo ang favorite food ko ate! Thank you!"
"You're welcome! And for dessert... I made some strawberry shortcake! Sapphire's favorite!"
Di ko naiwasan lumingon kay Sapphire tulad ng paglingon ni Amber sakanya.
"Y-you know my favorite food?" Alanganing tanong ni Sapphire.
"Syempre! Lahat kayo alam ko ang paborito nyong pagkain!"
Hindi na sumagot si Sapphire pero panay ngiti lang sya habang nakayuko.
"Sapphire! Sorry sa nasabi ko kanina ah? I didn't mean to offend you! Nasanay lang ako kasi diba that's our thing? Yung mag-asaran at pikunan! Pero really! I didn't mean anything hurtful! So sorry kung nasaktan kita with my words!"
"Oh! My! Gosh! Ate Amber you're saying sorry talaga to me? Is this for real? Or nananaginip lang me?"
Agad binatukan ni Amber si Sapphire.
"Gaga! Seryoso ako! Sorry na nga kasi! Okay?"
"Okay na sana if you didn't make batok pa! Pero ofcourse! It's okay na! You say sorry na eh!"
Imbis na sumagot ay niyakap nalang basta ni Amber si Sapphire. Hindi ko sinabihan si Amber sa dapat nyang gawin for Sapphire kaya naman natutuwa ako sa ginawa nya ngayon.
* * *
Dessert na ang kakainin namin ngayon! Grabe! Ibang klase magluto si Amber! Ang sarap! Parang bagay nga syang magtayo sa restaurant-- Hmm...
"Wow! Di ganun ka-tamis! And super sarap ng strawberries!" Masayang ayon ni Jade.
"Eto na!" Napalingon kami kay Amber na may dalang mga mugs.
"Gumawa ako ng coffee para naman di kayo maumay jan sa dessert!" Dugtong pa ni Amber.
"Teka! Ginawa mo to as in ikaw mismo ang nagbrewed?" Tanong ko
"Yup! Marunong naman ako eh! Nagaral din kaya ako ng pagbabarista! Actually, kami ni Amethyst!"
"Seriously? Marunong ka rin Amethyst?"
"Opo ate Ruby! Wala lang! Gusto ko lang noon matuto kasi nahilig ako sa kape that time!"
Natahimik ako and parang may lightbulb na biglang umilaw sa tuktok ng ulo ko.
"Marunong kayong dalawa gumawa ng coffee? As in kahit mga frappe?" Tanong ko.
"Yup!" Sabay na sagot ni Amber at Amethyst.
"Basta may machine and materials!" Dugtong pa ni Amber.
"Hmmm... Sapphire? Diba marunong kang magbake?" Tanong ko.
"Ofcourse ate Ruby! Baking is my passion!" Nakangiting sagot ni Sapphire.
"Ohhh... Jade? You have a very pleasing personality! Marunong ka rin humawak ng pera!"
"Huh? Oo? Teka nga, Ano bang pinagsasasabi mo jan Ruby?" Natatawang tanong ni Jade.
"Well, May naisip na kong pwedeng gawing bussiness!" Masaya kong ayon.
"What? Coffee shop?" Tanong ni Emerald.
"Bingo! Ganun na nga! Naisip ko kasi, tutal nagaral ng pagbabarista si Amber at Amethyst, and let's be honest! Ang sarap ng kape na gawa ni Amber ngayon ah! So pwedeng sila ang maging barista!"
"So ano yun ate? Puro kape lang?"
"No Emerald! Tutal passion naman ni Sapphire ang magbake! Mag-ooffer din tayo ng cupcakes, brownies and cookies!"
"Wow! I like that! And to be honest naman, yan ang mga specialties ko ah!" Paningit ni Sapphire.
"And tutal nagtapos naman ng accountancy si Jade and aminin naman nating ang ganda-ganda at ang amo ng mukha nya everytime na naka-smile sya! Sya ang bahala sa counter area! Sya ang kukuha ng order at sasalubong sa mga customers! Nakaupo lang sya nun sa isang high-chair kaya hindi sya mapapagod!"
"Well, Sige! That'll be okay with me! Walang problema sa ganyan!" Sagot agad ni Jade.
"Eh pano ako ate? Tsaka ikaw?" Biglang tanong ni Emerald.
"HRM ang course nyo diba? Siguro naman, Wala ka naman nabasag nung nagaral kayong magserve ng food diba?"
"Ay oo ate! Ako nga may pinakamataas na grade nun eh!"
"Very good! Ngayon, ikaw at ako ang magiging waitress--"
"Haluh! Parang alilang alila naman ako nun!"
"Emerald! Ako rin kaya! Bibihira ang may-ari tapos taga-serve rin sa customers ng orders nila!"
"Oo nga noh? Tsk! Osige na nga!"
"Ayos! Ikaw rin ang tiga-hugas"
"Ate naman!! Sobra na yan! Dahil ba ako ang pinaka-bata?"
"Hindi! Dahil ikaw ang pinaka maingat! Sige nga! Sinong maghuhugas? Pano kung maubusan tayo ng spoon, fork, plates and mugs?"
"Edi mag-hire nalang tayo ng tiga-linis ng lahat!"
Saglit akong napaisip. Pwede nga naman yun! Ayoko naman pahirapan ng sobra si bunso.
"Sige, pwede rin!" Kita ko ang pagaliwalas ng mukha ni Emerald dahil sa sinabi ko.
"So okay na huh? May mga positions na kayo sa magiging negosyo ko!"
"Wait! Tutal sinabi mo narin na negosyo mo lang to! Edi dapat may sweldo kami!" Biglang paningit ni Amber habang nakangisi pa. Napakamot naman ako sa ulo ko ng maaalala kong dapat ko nga pala silang swelduhan
"Oo na! Oo na! Kailangan ko munang mag-compute para sa magagastos lahat-lahat! And nga pala mga bunso! Kailangan kong malaman ang schedule nyo huh? Pasukan nyo na sa lunes diba? So dapat nakuha nyo na ang schedules nyo!"
"Yes ate! Nasa amin na yung assessment papers namin! Bibigay nalang namin sayo mamaya!" Sagot naman ni Amethyst.
"By the way Ruby! Eh san mo naman balak kumuha ng kapital?" Tanong naman ni Jade.
"Kay mommy at daddy! Manghihiram muna ako! So ayun nga! Utang yun kaya kailangan kong palaguin yung magiging negosyo ko para mabayaran ko sila! Kaya ngayon palang, magpapasalamat na ko sainyo! Magiging malaking achievement ko to sa buhay ko!"
"Haha! Magiging successful to ate! Don't worry! We'll be with you all the way!" Ayon ni Sapphire.
"Experience din to kaya game na game ako!" Ayon naman ni Jade.
"This is going to be awesome! Count us in Ruby!" Ayon din ni Amber.
"Ate! Magiging exciting to! I-pupush natin tong plan mo!" Napangiti ako lalo sa sinabi ni Amethyst.
"Kahit na waitress lang ang position ko, okay nalang rin! Kaso challenge yun since kailangan ko laging ngumiti! Ugh! Plastikan mode! Tsk! Pero para to sayo ate kaya go lang ng go!" Napailing naman ako habang nakangiti dahil sa sinabi ni Emerald.
"Thank you cousins! Magiging successful to with all your help and support! Super thank you agad! I love you all!"
Nagsi-lapitan sakin ang mga pinsan ko at niyakap ako! Nakakatuwang malaman na suportado nila ako! Masaya rin na alam kong
