Chapter 24

2 0 0
                                    




AMETHYST



Kanina pa nananahimik si Emerald. Hinatid sya dito ni Copper and di ko inasahan na magpapakita yun kila ate pero nagpakita talaga sya na as if boyfriend sya ni Emerald at hinatid nya dito ang pinsan ko kasi nagdate sila! Nagdate nga kaya sila?

Nakahiga na kami ni Emerald and nagpapaantok na kaso di ko talaga maiwasang di makausap si Emerald kasi alam kong may iniisip na naman sya! Okay na yung kay ate Jade at Sapphire! So, ano naman kayang problema nya ngayon?

"Hindi pa ko tulog Emerald! Gusto mo ng kausap?"

Tumagilid si Emerald paharap sakin habang yakap yakap yung unan nya at nakanguso pa na parang bata.

"Kasi naman eh!!" Bigla nyang pinaghahampas yung unan nya.

"Uy! Walang kasalanan yung unan! Bakit ba?"

"Hayyy... Si Copper kasi! Bwisit talaga kahit kailan!"

"Oh? Eh bakit parang okay naman kayo nung hinatid ka nya kanina?"

"Ano ka? Magkaaway kaya kami habang pauwi dito! Kaya nga di ko nalang kinakausap at pinapansin nung nagpakita sya kila ate! Kainis!"

"Ano ba kasing nangyare? Tsaka, nga pala! Saan ba kayo galing?"

"Ewan! Sya lang yata nakakaalam nung lugar na yun! Wala ngang katao-tao dun eh pero puro bulaklak! Parang malaking version ng garden?"

"Ahhh-- Teka! Walang katao-tao? Emerald--"

"Uy hindi ah! Grabe ka! Nagkaron ka lang ng crush naging greenminded ka na!"

"Hindi sa ganun! Ano ka ba? Osya, tapos ano bang nangyari kasi?"

Natahimik saglit si Emerald pero nakatitig lang sya sakin! Parang nagiisip sya kung sasabihin nya ba sakin or hindi! Hay naku!

"Amethyst! He... Ano! He ano..."

"He ano? Ano?"

"Ano ba yan!!"

"Eh ano nga yun? Ang labo mong kausap eh!"

"Hayyy... He ano kasi... He k-kissed me!"

Bigla akong napaupo sa gulat. Natakpan ko rin yung bibig ko kasi nga nakakagulat. Napaupo nalang rin bigla si Emerald.

"Ang oa naman ng reaction nito!"

"Emerald! Kahit kay Sapphire mo to sabihin, baka nga mas oa pa maging reaction nun kesa sakin! Alam naman nating mortal enemies kayo eh! So pano nangyari yun!"

"Syempre ginawa nya! Shunga lang?"

"Hay naku! Bakit nya nga ginawa yun?"

"Malay ko! Di naman nya sinabi eh! Puro sya, i kissed you and i hugged you tapos di mo parin alam kung bakit! Ganun! Yun at yun ang sinasabi nya! Tapos ang slow ko daw! Bwisit nga!!"

"Seriously Emerald! Ano? Nagpapakamanhid ka ba? It means he likes you! Or better yet, baka he loves you na!"

"Eh wala ngang sinabing ganun yung kumag na yun!"

"Ano ba yan Emerald!! Di na nya kailangang sabihin pa yun! Pinaramdam na nga nya sayo eh! Kaya ka naman pala sinasabihang slow eh! Tsk!"

"Duh? Amethyst, Ayoko kayang mag-assume!"

Nasapo nalang ng palad ko ang noo ko! Matalino ka Emerald pero bakit ka ganito ngayon?

"Di mo ko gets noh?" Ayon pa ni Emerald.

"Kasi naman! Obvious na nga tapos ganyan ka pa!"

"Amethyst, ang gusto ko lang, sakanya mismo manggaling! Ayokong magisip ng kung ano tapos mali pala ako! Tsaka, pano naman kasi na bigla nya kong magugustuhan eh simula nung nagkakilala kami, never naman talaga kami naging in good terms!"

"Ok fine! Naiintindihan na kita! Edi tanungin mo nalang sya?"

"Ang cheap ah!"

"Naku naman talaga!"

"Well, ikaw? Ikaw kaya magtanong sakanya?"

"Uy bat ako? Alam mo namang takot ako sa mukha nun at sa lahat ng black bloods! Tingin palang nila, pinapatay na nila ko sa nerbyos!"

Napahiga ulit si Emerald sabay bumuntong hininga. Kahit ako ay napahiga nalang rin at napatitig sa kisame.

"Alam ko na Emerald!" Bigla kong ayon kaya nilingon nya ko agad.

"Si Calvin nalang! Sya nalang ang tanungin mo!" Dugtong ko pa.

"Oo nga noh? Sige sige! Ganun nalang! Pag nakita ko si Calvin sakanya ko nalang itatanong!" Masigla nang sagot ni Emerald.

"Tara na! Matulog na tayo! Imbes na kanina pa ko tulog, napuyat na naman ako kasi ang daldal mo na!" Paninisi bigla sakin ni Emerald

Nagtakip nalang ako ng unan sa mukha ko dahil sa stress! Oo! Nakakastress tong si Emerald! Seriously!!!

So, This is love [IMBL BOOK2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon