First Kiss

6K 89 6
                                    

PARANG isang masamang bagay ang lips-to-lips. Noong una kasi akong makapanood nito, agad tinakpan ni Mommy ang mga mata ni Kuya. Ganun din ang ginawa ni Daddy sa bunso naming si Annabeth. Sa mga mata ko, wala, kaya't dilat na dilat akong nakita ang halikan sa TV.

Dapat ay tinakpan nila ang mga mata ko noon, dahil pagtungtong ko ng Elementary, isa na iyon sa mga una kong inaral. Kung ang mga babae ay nagbabahay-bahayan, ang mga lalaki ay nagbabaril-barilan, ako ang pasimuno ng kasal-kasalan. Ilang mga babae rin ang nahalikan ko, pero walang tumulad sa napanood ko. Sabi ni Diane, isa samga kaklase kong matalino para tumanggi, "dapat kasi, love mo yung taong kakiss mo para may feelings."

Galit. Galit ang feelings na sumalubong sa akin pagdating ni Mommy sa guidance office, na nadagdagan pa pag-uwi ni Daddy. Masama nga yata talaga ang lips-to-lips.

"Ambata-bata mo pa, puro kababuyan na ang alam mo, Andrei" sabi ni Mommy. "Sa Linggo, mangungumpisal ka kay Father."

"Pag natanggal ka diyan eskwelahan mo, nako, titigil ka talaga pag-aaral," sabi ni Daddy bago nagtanong kay Kuya. "Sino bang hinalikan ng kapatid mo, Arthur?"

"Madami po, kalahati raw ng mga babae sa class nila," sabi ni Kuya.

"Buti naman at mga babae," sabi ni Daddy.

"Walang mabuti-mabuti," sabi ni Mommy. "Grade three lang yang anak mo."

"Eh kung lalaki ang hinalikan nyan, eh hindi ko nay an tatawaging anak," sabi ni Daddy.

Nag-antanda si Mommy. "Diyos ko naman, Jim, ano naman yang mga iniisip mo?"

Bakit nga naman kasi naisip ni Daddy na lalaki rin ang hahalikan ko? Wala pa naman ako talagang gustong halikan. Gusto ko lang maranasan yung nakita ko. Hanggang sa mag-highschool ako at nanatiling kaklase ko si Diane. Naging mabuti sa amin ang puberty, siya ang laging muse, at ako ang laging escort, at mula sa mga holding hands tuwing parade sa Linggo ng Wika, nakaramdam ako nang kakaiba kay Diane. Siya ang gusto kong halikan.

Graduation day nang magtapat ako sa kanya sa baba ng stage matapos ng mga picture taking. "Diane, I love you."

Ngumiti lang si Diane at dinikit ang mga labi niya sa akin. Nagulat ako. Nanlaki ang mga mata ko at nakita ang kanyang pagkakapikit habang magkalapat ang aming mga labi. Hanggang sa dumilat siya at ako naman ang pumikit.

"Sorry, Andrei," sabi niya pagkabawi ng labi. "Sa Australia na ako magco-college. Wala nang point kahit I love you too. Soryy."

At tumakbo si Diane palayo.

Yun na yun? Tanong ko sa sarili ko,

"Iyn na ba ang first kiss ko?" tanong ko kay Rhonie. Isa sa mga barkada kong nanonood pala sa amin ni Diane.

"You call that a kiss?" sabi ni Rhonie na isa sa mga barkada kong babae, anim kami, tatlong lalaki, tatlong babae. "First of all, ang first kiss dapat tatagal ng five seconds. And secondly, dapat you love each other."

"Mahal ko naman si Diane," sabi ko.

"Anong alam mo sa mahal," sabi ni Emilio isa ko pang barkada. "Eh hindi ka pa nga college."

Totoo naman. Ano ba ang alam ko sa mahal, maliban sa definition ni Daddy sa tuition sa pangarap kong school?

Doon sa school na iyon nag-aaral si Kuya Arthur. Ako pagtungtong sa college, sa school malapit doon. Hindi naman ibig sabihin na mas mahal si Kuya nina Mommy at Daddy. Nauna lang talaga siya, at hindi na kaya ang pangalawang pag-aralin sa ganoong kamahal na University.


PURO aral ako para patunayan kina Mommy at Daddy na hindi lahat ng middle child ay rebelde. Sa unang taon pa lang, College Scholar agad ang standing ko. Tatlong Uno, dalawang one point two five. Isang one point five. Dalawang dos.

My Move On BuddyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon