"LAST TIME I checked, mga plays ang gusto mong isulat, and not dictionaries," sabi ni Rhonie. "So don't start giving meanings to things. Just accept them as they are. Tumingin ka, ngumiti ka, hindi siya ngumiti."
"Hindi lang kasi siya hindi nakangiti," sabi ko, habang nagkakape kami ni Rhonie sa unit niya. Ako nagkakape, siya nagbabasa. "Malalim ang tingin niya. Parang inaaral niya kami."
"Ako ang nag-aaral," sabi ni Rhonie. "And you better do too. Tapos na ba lahat ng finals mo?"
"Meron pa hanggang sa Wednesday," sabi ko. "Kaya nga paalam ko sa bahay dito na muna ako, para yung oras sa biyahe, oras ko na lang sa review."
"Then magreview ka," sabi ni Rhonie.
NAGRE-REVIEW rin ang mga tao sa the Rooftop. May mga nakarating na reviewers sa amng mga apps galing sa mga members na nakakuha na ng subject na tine-take namin. Usually, nagpapa-photocopy kami nitong makakapal na readings at reviewers at sample exams, pero meron palang available dito sa mini-library ng theater.
"Wala ba si Harry?" nagulat ako nang lumapit sa akin si Geoff.
"Hindi ko pa napapansin," sabi ko.
"Marami ka pa bang aaralin?" tanong ni Geoff.
"Tambay lang po," sabi ko. "Nag text ang prof ko, exempted ako sa finals."
"Kain tayo," yaya ni Geoff.
Bumaba kami sa canteen. Pumila sa pagkain at nagbayad. Doon lang nagsalita si Geoff mula nang umoo ako sa kanya sa pagkain. Tapos ay naghanap kami ng mesa at umupo.
"Kumusta kayo ni Batch?" tanong ni Geoff.
"Okay naman kami ni Kuya J," sagot ko.
"Wala bang nagbago pagkatapos ng play?"
"Wala naman?" pagtataka ko.
"Hindi ba nabawasan ang mga text niya? Hindi ba siyanaging cold? Wala ba siyang ibang kwento..." napatigil si Geoff. "Hindi ba niya nababanggit si Harry?"
Napaisip tuloy ako kung meron nga.
"Nagbago kasi si Buddy," sabi ni Geoff nang hindi ako sumabad. "Nararamdaman ko, merong nagbago."
"Gusto mo, kausapin ko si Harry?" tanong ko.
"Huwag na," sabi ni Geoff. "Kung wala ka namang nararamdamang iba kay J, baka kami lang ni Harry ang may problema."
"Okay ka lang ba, Geoff?" tanong ko.
"Napaparanoid na ayata ako after nung halikan nila," sabi n Geoff. "Ikaw ba?"
"Kinausap ko si Kuya J tungkol sa halik, after nung show," sabi ko. "Ang totoo, si Kuya J nga nag-open up kasi hindi ko alam kung paano sisimulan."
"Anong sabi niya?" tanong ni Geoff.
"Tinanong lang kung nagselos ako," sabi ko.
"Sianabi ba niyang hindi ka dapat magselos?"
"Wala naman akong karapatang magselos, hindi naman kami."
"Sinasabi mo bang huwag na rin akong magselos kasi hindi pa rin naman kami ni Harry?"
"Wala akong sinasabi," depensa ko. "Kasi ako nagselos. Hindi ko nga lang ginawang issue, pero nagselos ako."
Natahimik kaming dalawa. Mukhang napaisip ko siya.
"Sinasabi mo ba na huwg ko na lang ding palakihin?" tanong ni Geoff.
BINABASA MO ANG
My Move On Buddy
RomansIsang sumpa ang pagmamahal para kay Andrei dahil nang maramdaman niya ito, ang kaharap niya, si J, isang lalaki rin. Lalaki naman kasi si Andrei. May girlfriend nga siyang naghihintay sa ibang bansa. Lalaki rin si J. Pero dahil sa kung anong koneksy...