Best Bud

2.2K 44 6
                                    

AGAD akong tumayo at pinunasan ng kamay ko ang mga labi ko. Sa sobrang kaba, nawala sa isip ko na sa sahig pala ng CR ako napahawak para makatayo. Pumunta ako sa lavatory at dumura, hingasan ang bibig hanggang sa bumalik sa dating ayos ang paghinga.

"Diring-diri naman," tumayo si J at nag-abot sa akin ng panyo.

"Nagkiss kasi tayo," sabi ko at pinunas sa bibig ko ang panyo.

"Kiss na ba yun?" sabi ni J. "Hintayin mong maging member ka, malalaman mo kung ano ang kiss."

"Hala?" gulat ko. Hindi ko alam kung bakit kumabog nang malakas ang dibdib ko sa huli niyang sentence.

"Huwag mo munang isippin, pa-member ka muna," sabi ni J.

"Gago, ang hahalikan ko lang, yung mahal ko," sakay ko sa sinasabi niyang parang walang naganap.

"Ingat ka," sabi ni J. "Kamahal-mahal ako."

"Hoy, kadiri kayo, andumi-dumi ng CR, halikan ang pinag-uusapan ninyo," sabi ng isang lalaking biglang pumasok at dumeretso sa ihian.

Sa gulat, napaalis ako sa pagkakapatong kay J. Iniabot ni J ang kamay sakin para tulungan siyang tumayo.

"Nadulas ako," sabi ni J, kilala niya ang dumating. "Tinulungan ako ni Andrei. Andrei si Geof."

"App?" tanong ni Geof.

"Yup?" sabi ni J. "Huwag mo halimawin. Bata ko yan."

Pagkalabas, nandoon si Rhonie, nakataas ang kilay. Hindi ko na pinansin ang mapanghusga niyang mukha. Nandoon ako sa sinabi ni J. Halimawin? Bata niya ako? Family niya na ako?

"Nag-orientation na ba kayo sa loob?" pang-aasar ni Rhonie.

"Isapa ba itong aplikante," tumatawang sabi ni Geof. "Ayos ang suot ah. Mukhang tanga lang ah."


DUMERETSO kami sa orientation. Nakaisang taon na kami ni Rhonie sa campus pero hindi nila alam na theater pala ang itaas ng gusaling iyon. Madilim. Isang spotlight lang sa stage ang liwanag. Sapat naman ang liwanag na iyon para makita nila ang upuan. Matapos naming maupo, nagpaalam si J at si Geof.

Nagbubulungan pa ang humigit kumulang dalawampung aplikante nang mamatay ang natitirang ilaw. Nagsigawan ang iba, napaka-OA. Pero nang umilaw, nagkagulatan na.

Si J, nakasando sa stage. May maluwag na pantalong may suspender. May kaunting dumi sa mukha at sa brasong namimintog. Hindi naman yun ganun kalaki kanina.

"Ampogi naman nila," Napatili si ni Rhonie nang may pumasok na kanta at sumayaw ang mga lalaking member. Kasama doon si J at si Geof.

Hindi naman lahat pogi, pero isa si J sa oo. At hahalikan niya ako kapag naging member ako?

"Tulala much?" sabi ni Rhonie.

"Mga lalaki lang yata ang pinunta mo rito eh?" nagpanggap akong walang iniisip na iba, at nawala rin ang tingin ko sa mukha ni J. Napatitig sa partikular na bahagi ni J na grabe ang galaw sa sayaw. "Wala ba siyang brief?"

"Wala nga yata," tuloy ni Rhonie na lalong kinilig.

Lalaban nga sa'kin, sabi ko sa sarili.

"Welcome apps sa Orientation ng the Repertory Club," paunang salita ni J. "Ito ang the Rooftop, ang official theater ng Rep Club. Dito kayo tatambay bilang mga apps, at pag naging members kayo, inyo na ring tahanan kasama ang inyong magiging kapamilya. Again, kami, ang the Repertory Club!"

Lumiwanag ang buong stage at isa-isang pumasok ang ilan pang members mula sa backstage. Naka-costume din. Mga tao sa early 19th century ang outfit. Sabay-sabay silang kumanta.

My Move On BuddyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon