Last Show

237 7 1
                                    

TRICYCLE. Jeep. Bus. Jeep. Nasakyan ko na lahat pero wala pa ring reply si J. Malamang nag-aayos na yun, pero pwede naman kasing matapos ni Geof ang exam niya tulad ng pangako niya. At hindi na sasalang si J.

Sabado naman kaya hindi masyadong traffic. Nakarating ako sa Campus hanggang sa building. At sa gusali pa ako naabala. Maraming tao sa corridor ng third floor. Kailangan silang singitan. Pagdating naman sa fourth floor, nakapila na ang mga tao. Open house na. papasok na ang mga audience.

Naka-black shirt si Brent bilang isa sa mga house usher at halatang busy siya sa paghahatid sa uupuan na nakaayon sa tiket ng manonood.

"Dumating na ba si Geof?" tanong ko.

"Late din ako, hindi ako nakasilip sa backstage," sabi ni Brent.

"Salamat," sabi ko, at dinaanan ko na siya para makarating sa backstage.

"Wait," sabi ni Brent. "Punta ka sa tech booth, naghahanap ng app si Sir Gabriel."

"Teka lang," sabi ko. "Kailangan ko muna makita si Kuya J."

"Ay, diva?" sabi ni Aura. "Deferred ka na ba? May mas uunahin ka pa sa director?"

"Sorry po," sabi ko. "Sir Aura, nandyan na po ba si Sir Geof?"

"Sige na, sa tech booth na," utos ni Aura. "Wag kang close close sa akin. Galit ako sa'yo."

"Sorry po," sabi ko.

"Sa twitter ka na mag-explain," at iniwan ako ni Aura.

Wala akong nagawa. Pumunta ako sa techbooth, isang elevated area sa likod ng audience, kadikit ng wall.

"Kailangan daw po ninyo ng app?" sabi ko kay Gabriel na nakatingin sa laptop kung saan nakaset ang pagbabago ng ilaw at sounds para sa play. Hindi niya ako tiningnan.

"Excuse me, direk," singit ko. "Sino po ang sasalang? Si Sir Geof na po ba?"

"Bakit? You don't wanna witness another moment of J and Harry kissing?" tanong ni Gabriel.

"Direk, wala nang tao sa labas," narinig ko mula sa speaker sa tenga ni Gabriel.

"Sige, start na tayo in five," sabi ni Gabriel sa tao sa front ng house.

"Direk, may uutos daw po kayo sa app?" sabi ko ulit na medyo malakas.

"Quiet on the set," sabi ni Vina na katabi ni Gabriel.

"Sige na Vina, punta ka na sa backstage," sabi ni Gabriel.

"Direk," sabi ko ulit. "Si sir Geof po ba ang aarte?

"Wala pa si Geof," sabi ni Vina habang nagaayos pababa.

"Pwede na rin po ba ako sa backstage?" kailangan kong masabihan si J ng break a leg. At para alam niyang tinupad ko ang sabi niya, mapapanood ko siya sa last show.

"Text mo lang si J," sabi ni Gabriel.

"Hindi po siya nagre-reply," paliwanag ko. "Kanina pa nga po..."

"Dito ka," untag ni Gabriel. "Marcell will be late. You'll handle the sounds. And enough of your nguynguy."

"Hala," sabi ko. "Hindi po ako..."

"Hindi ka marunong?" tanong ni Gabriel. "You've had your sounds and lights workshop, di'ba?"

"Opo," sabi ko.

"Pero hindi pa po ako nakakahawak nito sa totoong show," sabi ko. Atsaka si J lang naman ang pinunta ko dito. Hndi pa nga ako sure kung tutuloy pa ako sa org na ito.

My Move On BuddyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon