"PASUBO ka pa lang palunok na ako," sabi ni Aura. Matapos niyang kuwestyunin nang harapan kung para saan ang I love you message ko kagabi.
"Ang bastos," gulat ko lalo pa't nasa the Rooftop ako para makita si J, para matanong sa kanya kung para saan ang text niya kagabi na kahit nag-umaga na ay hindi pa niya na-reply-an nang maayos. May meeting kasi ang mga Apps bago mag-genmeet. Nasa loob na ng the Rooftop ang mga natitira kong co-apps, sina Rhonie, Harry, Brent, Jessica at K'tin. Kami, nasa labas pa.
"Well, mundo ko naman yun," sabi ni Aura. "Kung hindi yun ang mundo, im just saying, alam ko na yang mga galawang ganyan. So nagreply ba siya sayo o hindi?"
"Siya nga ang naunang nagtext," sabi ko na pasilip-silip sa hagdan.
"Kahit na," sabi ni Aura. "Nasa mas nagmamahal ang huling message sa mga ganyang conversation. Kumbaga sa ligawan, natuwa ba siya na sinagot mo siya?"
"Hindi naman niya ako nililigawan," sabi ko.
"Eh di hindi. So sa processing mo, sa pagpapaliwanag mo sa sarili mo ng mga bagay-bagay? Para saan ang I Love You niya sa iyo?"
"Siguro," sabi ko at inalala ko kung paano ko kinumbinse ang sarili ko na matulog na. "Siguro ganun siya mag-thank you. Kasi magaling daw ako sa run namin kahapon.
"Okay," sabi ni Aura. Hindi na niya tinuloy dahil tulad ko, napansin na yata niya na may papaakyat na. Si J.
Tumalikod si Aura at naglakad na papunta sa loob. Hinabol ko siya. may kailangan akong i-confirm.
"Kami na ba?" tanong ko kay Aura.
"Kung nagreply ba ako sa'yong I love you too kagabi, tayo na?"
"Hindi," sabi ko.
Umakbay na lang sa akin si J at hindi napansing nakaakyat na pala siya. Malaki ang ngiti niya nang magharap ang aming mga mukha. Pinilit kong hindi ngumiti, pero wala, nasabayan ko ang ngiti niya. Tapos ang akbay ay naging yakap. Yumakap din ako.
"Hindi pa ba start, Au?" tanong ni J kay Aura.
"Kayo?" ibinalik ni Aura ang tanong. "Start na ba kayo?"
"What?" hindi siguro nakuha ni J ang tanong kaya iniba na lang ang usapan. "Ano nga pala ang agenda natin?"
"Pasok ka na Andrei," sabi ni Aura sa akin. Sumunod naman ako.
"Seryoso ka ba kay Andrei?" sabi ni Aura na narinig ko pa habang papalayo. "I can turn a blind eye with this org, pero nagiging kaibigan ko na rin si Andrei. Ayoko siyang masaktan."
"Au," nasilip kong kumunot ang noo ni J. "Walang ganun Au."
MAGKAKASAMA sa isang hilera ang mga apps habang ang mga members ay nakaupo, palibot sa isang long table. May black board din para sulatan ng mga notes. Sa likod kami nina Aura at J bilang sila ang mga nag-aalaga sa amin. Tapos na ang meeting ng mga apps, at nagkukuwentuhan na ang mga members tungkol sa araw nila. hindi pa kumpleto ang mga members kaya't hindi makapagsimula ng meeting.
Isa sa mga huling dumating si Geof. Nakasanayan ko nang makitang nagbe-beso-beso ang mga members pagdating nila. Yung iba, bumabati sa mga buddies, yung iba, higit sa mga buddies nila, kinikilala na rina ng mga apps, yung iba walang pakialam. Kaya naman espesyal para sa akin ang yakap ni J. Pero iba ang depinisyon ni Frey ng espesyal. Matapos magdikitan ng pisngi ang lahat ng member, lumapit siya kay Harry at yumakap nang mahigpit. Nakatingin kaming lahat kung paanong proud na proud siya sa kanyang buddy.
"Tinanong mo rin ba si Geof just like you asked me?" tanong ni J kay Aura.
"Another issue that I am turning a blind eye to," sabi ni Aura.
![](https://img.wattpad.com/cover/50252913-288-k426580.jpg)
BINABASA MO ANG
My Move On Buddy
RomanceIsang sumpa ang pagmamahal para kay Andrei dahil nang maramdaman niya ito, ang kaharap niya, si J, isang lalaki rin. Lalaki naman kasi si Andrei. May girlfriend nga siyang naghihintay sa ibang bansa. Lalaki rin si J. Pero dahil sa kung anong koneksy...