Curtain Call

226 7 0
                                    

WALANG twenty minutes ang pag-aantay namin n Rhonie sa Mco, dumating si J at agad umupo sa tabi ko. Nasa mesa ang siko ko, at ang kamay ko ay nakasalo sa mukha kong hindi ko maiharap sa mundo dahil sa patuloy kong pag-iyak at paghikbi.

Umakbay si J sa akin. Napahinga ako nang malalim at ang pagkakataong iyon, kahit papaano, nakapagpagaan ng dinadala ko.

"Nakanood ng play si Kuya Arthur nya," sabi ni Rhonie. "And told him that that should be his last and he better quit the application."

"Hindi ka pwedeng mag-defer," sabi ni J. Dama ko ang pag-aalala niya.

"Isusumbong niya ako kina Mommy," napatigil ako dahil may mas nakakatakot. "Kay Daddy. Nakipaghalikan ako sa lalaki."

"Play lang naman yun," sabi ni J. "And that's what the play is actually all about, for things like this. There are oppression some guys experience because of people who has problems with boys kissing boys."

"Kahit yata gustuhin ko," naalala ko ang sumpa. "Walang batch head na nai-induct."

"Maiinduct ka, hindi ka susuko," sabi ni J.

"Atsaka last na naman yung play mo," sabi ni Rhonie. "Hindi na ulit kayo maghahalikan ni J."

May kung anong sakit ang katotohanang sinabi ni Rhonie. Lalo na yung hindi na ulit kami magkakahalikan ni J. Nagustuhan ko rin kasi. At hindi na naman mauulit, ano ba namang aminin ko na sa sarili ko. Atsaka halik lang naman iyon. Masarap pala ang halik, kahit sa dula lang, kahit sa kapwa ko lalaki.

"About that, Rhonie, we might have a problem," sabi ni J. "We still need to kiss at least two more times."

Napatingin kami ni Rhonie kay J.

"Gusto ko rin naman," sabi ni J. "But it's more of we're having two more runs on stage. Nagustuhan ni Gabriel yung performance natin. And Harry and Geoff were kind enough to give us more play dates. Ayaw yata niyang i-share sa akin si Harry."

Natawa si J. Natawa rin ako at si Rhonie. Hanggang sa mawala ang tawa ko at bumalik ang problema.

"Pero si Kuya?"

"Hindi naman niya kailangang malaman," sabi ni Rhonie.

"Pagsisisihan mo ang isang bagay na tinalikuran mo kahit alam mong ito ang magpapasaya sayo," sabi ni J. "And the stage made you feel something. I see that when you took your bow. Ayaw mon a bang maulit yun?"

"Hindi ko alam," sabi ko. "Totoo kasing napakasaya nung feeling. Pero pwede naman kasing okay na iyon at naramdaman ko."

"Pero paano naman ako?" tanong ni J. "Masaya ako na ikaw ang kasama ko sa stage. But maybe that is life, some happiness is not for us, forever."

"J naman," sabi ko. "Para mo naman akong pinapapili."

"Sorry if it sounded like that," sabi ni J. "I've no intentions. Piliin mong mag-stay sa Rep Club. Piliin mong umakyat ulit sa entablado dahil iyon ang magpapasaya sa iyo. Iyon ang magpaparamdam sa iyo ng buhay. And I will be happy for whatever decision you'll have."

"Salamat," sabi ko at inihilig ko ang ulo ko sa balikat niya.


INIWAN ako ni Rhonie sa sofa kung saan ako natutulog lagi sa kanyang unit sa Bliss. Hawak ko ang telepono ko sa dibdib. tapos na ang usapan namin ni J. Sandali lang. Hindi na niya in-open ang tungkol kay Kuya. Mas kung ano ang naramdaman ko sa stage at kung paano natuwa sa amin ang crown, yung mga moments na nagpa-picture sa amin ang ibang nanood. Para kaming totoong artista. Kahit papaano, natawa naman ako.

Pero naubos na iyon. naramdaman ni J na kailangan kong mag-isip. Binigay niya sa akin ang oras para sa sarili ko. at iyon nga ang ginawa ko, tumitig sa kisame.

My Move On BuddyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon