MAGKATABI kami ni Geof sa audience area, ilang upuan ang layo kay Gabriel na nasa harapan. Nasa stage naman, kasama ang buong set-up ng play, sina Harry at J. Hindi lang apat o limang sigaw ang inabot ng dalawa.
Kahit may isang araw pa kami ni J para umarte, at isang araw para kina Geof at Harry, ilang araw na lang at sina J at Harry naman ang sasalang para mag-close. Yun ay kung hindi aabot si Geof sa call time. Pero kung ano pa man, nagsimula na nang maagang rehearsal si Gabriel para mapulido ni Harry at J ang kanilang closing. Sabi kasi nila, you are just as good as your last performance. Ito ang last performance na tatatak kay Gabriel sa ngayon.
"Gusto ba ninyong umuwi?" galit na tanong ni Gabriel. "Ayusin naman ninyo. J, sumunod ka sa blocking. Alam kong sanay ka kay Andrei, pero iba na ito. At Harry, manonood mama mo, gusto mo bang mapahiya? Matuto kang sumalo at magbigay. Hindi lang Geof ang makakaeksena mo sa buong buhay mo!"
"Sorry, direk," sabi ni J. Hindi nagsalita si Harry.
Napalakas naman ang hinga ni Geof sa likod. Napatingin tuloy sa amin si Gabriel.
"Out," sabi ni Gabriel. "Baka nako-conscious sila sa inyo."
Hala, hindi pa sila umaabot sa halikan. Gusto kong makita kung ano ang desisyon ni J.
"Dapat masanay sila na may audience," sabi ni Geof. Mabuti na lang at kakampi ko siya.
"No," sabi ni Gabriel. "You are not audiences this time. You are their competition. Hindi maka-at-ease tong dalawa. Sige na."
"Gab, wag ka namang unfair," sabi ni Geof.
"No," sabi ni Gabriel ulit. "You be fair. Vina, get them out of my theater!"
Napatingin ako kay J. Tumango lang si J. Ngumiti ako. Pero kung may anong takot akong naramdaman.
NILIBRE ako ng fishballs ni Geof sa baba. Paglabas kasi ng building, malapit sa kalsada, may dalawang tindahan. Doon kami nagtusuk-tusok habang kumakain din ng pancit canton.
"Bakit ayaw pa ninyo itodo ang halikan ninyo ni J," tanong ni Frey sa akin. Nagulat ako. Hindi naman kami close nito.
Tumawa na lang ako.
"Hindi nga," tuloy ni Geof. "Parang close din naman kayo parang kami ni Buddy."
"Hindi naman po kasi ganun ang nirehearse namin," sagot ko.
"Huwag mo na nga akong pinopo," sabi ni Geof. "Magkabatch naman tayo sa campus. Nauna lang ako sa Rep Club. Pero technically, magkakaedad tayo. Si Budy ko lang ang first year ngayon."
"Okay po," sabi ko.
"Ang cliché mo," sabi ni Geof. "Gulatin mo si J sa last show ninyo. Pwede namang maggulatan sa last show tingnan mo kung ano ang magiging reaction niya."
"Ano pong gulatin?"
"Pag halik mo, ipasok mo dila mo," sabi ni Geof na nanlaki pa ang mga mata sa excitement sa naisip niya.
"Hindi po ako marunong nun," sabi ko. Pero naglaro sa isip ko ang idea. Ganoon kasi sila maghalikan ni Harry sa stage. "Hindi ko kaya yun."
"Ito naman," sabi ni Geof. "Hahalik lang eh Kailangan pa ba kitang turuan."
"Naku wag po?!" sabi ko.
"Loko," sabi ni Geof. "Syempre hindi dito."
"Kahit po hindi dito," sabi ko. "Hindi po pwede."
"Magagalit si J?"
"Hala, Sir," hindi ko alam kung bakit kinabahan ako. "Walang ganun, sir."
"Sir ka dyan," sabi ni Geof. "Sa second interview mo na akong tawaging sir. Pero ngayon, tropa lang tayo."
![](https://img.wattpad.com/cover/50252913-288-k426580.jpg)
BINABASA MO ANG
My Move On Buddy
RomanceIsang sumpa ang pagmamahal para kay Andrei dahil nang maramdaman niya ito, ang kaharap niya, si J, isang lalaki rin. Lalaki naman kasi si Andrei. May girlfriend nga siyang naghihintay sa ibang bansa. Lalaki rin si J. Pero dahil sa kung anong koneksy...