"FROM the top!" sigaw ni Gabriel na mukhang mainit na ang ulo. "J naman. Hindi naman yan ang blocking natin."
Napatigil sina J at Harry sa stage. Kita sa mukha ni J ang frustrations. Kita naman ang hiya kay Harry.
"Sorry, direk," sabi ni J. "Mas komportable lang kasi ako dito."
"Alam ko, pero hindi makasunod si Harry," sabi ni Gabriel. "App lang yan, first time nya to, hindi tulad mo na mas sanay na. Just follow the directions first."
"Okay lang po, direk, kaya ko po mag-adjust" sabi ni Harry. "Kuya J, sorry d ako magaling."
"Sorry din," sabi ni J.
Pareho naman ang direction sa aming lahat. Pero naging mas madali ang galaw namin ni J sa blocking na ginagawa niya. Blocking namin yun. hindi pa nga lang nakikita ni Gabriel. Pero papayagan naman daw yun, sabi ni J. Kung magagawa naming madulas, hindi na yun mapapansin.
Napatingin ako sa pinto nang bumukas ito. Si Aura lang.
"Hindi pa babalik si Geof," sabi ni Aura.
"Nasaan ba siya?"
"Ay ang app, kinuwestuyon ang whereabouts ng member?" sabi ni Aura.
"Bloodbath kasi ngayon," sabi ko. "Dapat siya ang nakasalang kasi siya ang magfi-first show."
"May exam siya. Rule natin dito yun. Acads before anyhting else. Nandito tayo sa Rep Club kasi students tayo. Kapag bumagsak tayo, hindi tayo magiging student, hindi na tayo pwedeng maging Rep Members."
Natahimik kami.
"Ano totoo mong issue?" tanong ni Aura.
Tahimik pa rin ako.
"Ayaw mo silang magkiss no?" asar ni Aura. "Mauunahan ka."
"Hindi naman counted yung sa play," sabi ko.
"Ay nagbago ihip ng hangin."
"Si J na ang nagsabi."
Napatitig lang sa akin si Aura.
"Ginawa nyo na?" tanong niya na tuwang-tuwa.
"Opo," sabi ko na walang emosyon. Pero hindi magawa ng mga labi kong hindi mangiti. Kahit anong pigil.
"Grabe ka, share mo na yan," sabi ni Aura. "Rehearsals pa lang yun ah."
"Well, noong una, bago kami magrehearse, yun na muna ang pinraktis namin," sabi ko.
"Inunahan niyo pa ang script?" Nagulat si Aura.
Nagpalitan na ng linya sina J at Harry. Kahit nag-uusap kami ni Aura, inaabangan ko ang papalapit na moment ng halikan.
"Hindi naman sa ganon." sabi ko kay Aura. "Ginagawa pa rin naman namin sa rehearsals."
"Ay hindi nagsawa? Na-enjoy?" sabi ni Aura.
J: Show me what's a kiss.
"Sina Harry at Geof din naman ah," paliwanag ko ko. "Ang todo nga ng halik nila, kami, hindi ganun."
Harry: Sir?
J: Show me what's a kiss!
"So, bakit tayo nandito at nanood?" tanong ni Aura.
Hindi ko nasagot. Hindi ko alam.
Harry: Sir, ahh, gaya nung sa Daddy ko, sir?
J: Ewan ko sa iyo! Basta show me what's a kiss!
"At hindi ka rin mapakali dahil hinihintay mo rin si Frey na magpakita."
"Siguro," sabi kong walang kasiguruhan. "Gusto kong mapanood kung anong kaibahan ng halik ni J sa akin at sa halik niya kay Harry. Pero gusto ko ring hindi sila maghalikan."
![](https://img.wattpad.com/cover/50252913-288-k426580.jpg)
BINABASA MO ANG
My Move On Buddy
عاطفيةIsang sumpa ang pagmamahal para kay Andrei dahil nang maramdaman niya ito, ang kaharap niya, si J, isang lalaki rin. Lalaki naman kasi si Andrei. May girlfriend nga siyang naghihintay sa ibang bansa. Lalaki rin si J. Pero dahil sa kung anong koneksy...