Not Counted

213 8 0
                                    

NAIWAN muli ang mga aplikante para maglinis. Si Aura lang ang member na naiwan.

"Sir Aura," sabi ko nang makalabas na lahat ng co-apps ko. "Okay lang ba magpaiwan, subukan ko lang sa stage yung mga notes ni Sir Gabriel."

"Wow, may gusto patunayan," sabi ni Aura. "Sige, hatid ko lang sila sa baba, tapos akyat ulit ako. Alam mo namang bawal iwan ang mga apps hanggang makalabas ng building."

"Okay lang po?"

"Paraa saan pa at ako ang Fairy God Mudrakels mo?"

Ilaw lang sa stage ang bukas, kaya't stage lang ang nakikita ko. Walang liwanag sa audience area. Alam ko lang na nakabalik na si Aura nang tumunog ang pinto, at narinig kong may upuang nagalaw. Tinuloy ko ang pagtingin sa script at mahinang pagbasa nito habang nilalakad ang stage kung san dapatibato ang mga linya. Nang matapos ako, narinig ko si Aura na pumalakpak.

"Thank you FGM," sabi ko at nag bow ako sa kanya.

Hindi nagsalita si Aura. Pagod na siguro. Narinig ko na lang syang tumayo at naglakad palabas. Sumunod na ako. Pero pumunta muna ako sa switch ng ilaw. Ako ang magsasara ng teatro. Pero bago pa man mamatay lahat ng liwanag, may isang kamay na pumigil sa kamay ko. At ang kamay ay humawak sa kamay ko. Naglakad pabalik sa stage, inunahan ako at hinila.

"Saan si Sir Aura?" tanong ko habang naglalakad kami.

"Pinauwi ko na," sabi ni J. "Tuturuan kita kung paano maging artista. Hindi ako ang pinakamagaling, pero gagawin ko ang lahat para makakuha ka ng araw sa play. You want this, let's make this work."

Nagpahila lang ako. hanggang sa makarating kami sa stage.

"Bakit ka umiiyak?" tanong ni J.

Hindi ko napansin na napaluha ako. Pinunasan niya iyon nang mabilis. "Wala namang crying scene sa play ah?"

"Hindi ako umiiyak," sabi ko.

"Okay," sabi ni J. "Start na tayo."

"Teka, ayusin muna natin tayo. Aawayin mo ako, tapos sasabihin mo, we will make this work, kasi I want this. Bakit?"

Hindi pa rin binitawan ni J ang kamay ko. At kinuha pa ng isa niyang kamay ang isa ko pang kamay.

"Dahil mahalaga ka sa akin," sabi ni J. "Sana maging mahalaga na rin ako sa iyo."

"Gaano ba kahalaga ang gusto mo?" tanong ko.

"Yung wala nang tanung-tanong," sabi ni J. "Yung wala nang arte. Yung tayong dalawa lang, at alam na natin kung ano ang meron sa ating dalawa."

"Kuya kita di'ba?" paalala ko.

"I just said no more questions," sabi ni J.

"Isa na lang," kulit ko.

Tumingin lang si J. Hindi pa rin ngumingiti.

"Maghahalikan ba tayo talaga?" tanong ko.

"HINDI kami naghalikan," sabi ko kay Aura na kumakain sa canteen. Siya lang, ako, tubig muna. "Hindi na nga rin kami nagrehearse kasi gabi na rin at pareho na kaming pagod. Naglakad na lang kami pabalik sa Bliss."

"Hinatid ka na naman?" tanong ni Aura. "Bakit hindi kami umabot sa ganyan?"

"Ano bang kwento ninyo, Sir Au?" tanong ko.

"Well, last sem kasi, sila ang mga aplikante, sila ni Geof," kwento ni Aura. "Eh naaamoy ko nga, So nilandi ko."

"Hala siya, anong nangyari sa bawal ang member at app na relasyon?"

"Nilandi ko lang naman," depensa ni Aura. "Hindi naman bibigay yan agad. Natantya ko na. Sakto yan mahihinog pag member na siya."

"Ay diskarte," sabi ko.

My Move On BuddyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon