Undecided

254 5 0
                                    

"ANDREI!" sigaw ni Kuya Arthur na agad namang nagpalingon sa akin. Mabuti na lang at mabilis ako, nasalo ko ang inihagis niyang bola. Muli kong pinasa sa kanya ang bola at bumalik sa tina-type ko sa laptop.

Nasabakuran kami ng bahay, ako nasa may mesa doon, nagsusulat ng report, siya naman, naglalaro ng bastketball mag-isa. Wala naman siya kanina. Payapa ang buhay ko, tapos ngayon, ginugulo na naman ako.

"Marunong ka pa rin pala humawak ng bola, 'lika, papawis muna tayo," yaya ni Kuya Arthur.

Hindi ko siya pinansin. Nagulat na lang ako nang ilapag niya ang bola sa mesa at umupo sa harap ko.

"Mabuti naman at tinigil mon a yung kalokahan mo sa university mo," sabi ni Kuya. "Bakit kasi hindi mo pinilit kay Daddy na sa school ko ikaw pumasok."

Tumingin lang ako kay Kuya.

"Okay," sabi ni Kuya. "Sorry. Pero ginawa ko lang naman yun para sa'yo. Hindi maganda ang org na yun. Mga aktibista yung mga yon. At kahit walang rally, ng iingay, ang ra-roudy. Ang gugulo. At kita mo ang ginawa sa iyo, pinaghalikan ka sa kapwa mo lalaki."

"Anong masama doon?" tanong ko.

"Nag-enjoy ka ba?" nagtatakang tanong ni Kuya.

"Gusto ko yung ginawa ko sa play Kuya," sabi ko. "Sa mahabang panahon, noon lang ako nakaranas na masaya ako, na may nakaka-appreciate sa akin. Na kahit sandali, sa akin nakatingin ang lahat. Tapos anong ginawa mo, inalis mo sa akin. Hinid mo man lang ako binigyan ng pagkakataong ipaliwanag sa iyo kung bakit koi yon ginawa, pinapanood mo si Mommy at ano ngayon? Wala na. Kayo na naman ni Annabeth ang masaya. Kayo na lang lagi."

"Saan naman nanggaling yan?" tanong ni Kuya nan ang-aasar pa, kunwari hindi niya naiintindihan, pero sa kaunting ngisi niya, alam kong alam niya.

Hanggang sa mawala ang ngisi niyang hindi ko binigyan ng atensyon.

"Grlfriend ang kailangan mo," sabi ni Kuya. "Girlfriend ang magbibigay sa iyo ng atensyon na hinahanap mo. At alay mo, matuwa rin sa iyo si Daddy, ibigay sa iyo ang gusto mo, ipatransfer ka sa school ko."

"Hindi na," sabi ko. "Masaya na ako. Kaya nga lang siguro gusto ko sa school mo dati e dahil lahat ng meron ako, pinasa lang galing sa'yo. Pero sa mga bagay lang, sa mga damit, sapatos, laruan. Bakit hindi ba napasa yung pagmamahal nina Mommy at Daddy?"

"Huwag ka ngang mag-self-pity," sabi ni Kuya.

"Inalis mo sa akin ang tanging bagay na nagpapasaya sa'kin tapos sasabihin mo wag akng mag-self-pity? Kaparty-party ba yung ginawa mo?"


NAKA-HEADPHONE na ako at nakatutuok sa laptop. Sa kwarto ko na itinuloy ang sinusulat ko. Siguro dahil Sabado pa lang at sa Lunes pa ang pasahan kaya't walang magandang pinatutunguhan ang sinusulat ko. Mas nararamdaman ko tuloy ang mga salita sa tenga kong direkta sa utak ko ang lakas.

Bat di pa sabihin ang di mo maamin...

Alam ko na ang susunod dito.

"KUYA HOY MAY BISITA KA!"

Agad kong tinanggal ang headphone ko nang marinig ang sigaw. Tumayo ako at pinagbuksan si Annabeth.

"Ano yun?" tanong ko.

"May bisita ka, yung kahalikan mo, bilis, pinapakumpisal na ni Mommy," hinila ako ni Annabeth pababa.


"HUWAG mo akong ma-tita-tita," sabi ni Mommy.

"Sorry po," sabi ni J. "Ano pong gusto ninyong itawag ko sa inyo?"

My Move On BuddyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon