Questions

1.1K 29 1
                                        

GRABE ang kabog ng dibdib ko

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

GRABE ang kabog ng dibdib ko. Ito yung napapanaginipan kong titigan. Yung mga mata ang nag-uutos sa mga labi na huwag nang magsalita at damhin ang labi ng kaharap. Madilim ang buong paligid sa theater, at tanging ilaw lang sa gitna nito ang bukas, nasa gilid kami ni J na parang kaming dalawa lang. Nakahinto ang buong paligid. Mga mata lang namin ang may galaw, at sumunod ang mga katawan, papalapit sa isa't-isa. Hindi na yata hihintayin ni J na maging member ako atipaparamdam na niya sa akin ang pinangakong halik.

"Kung maghahalikan kayo, maghalikan na kayo," sabi ni Aura na hindi namin napansing dumaan. "Anumpetsa na?! Mapapanisan kayo ng chance."

Iyun na nga ang nangyari. Ang mga pinipigilang naming paghinga ay bumalik sa dati nitong bilis, kasabay ng paligid na nagbalik na rin ang totoong galaw. Salamat Sir Aura.

Ang mapang-akit na mukha ni J, ang bahagyang nakabukang maninipis na labi ay nagkaroon na ng ngiti. Ako, pinilit ngumiti. Pinilit itago ang pagkapahiya.

Buti na lang at walang naganap. Wala ring nakapagsalita sa amin na parang guilty sa naganap kahit wala namang nangyayari.

"Nalaglag yata ang wallet ko, nakita nyo ba?" sabi ni Aura na naghalughog sa mga monoblocks na naupuan niya. "There you go? Found it. Go, kiss na ulit. Wala palang espesyal."

Tumayo si Aura lumakad at nilampasan kami. Wala siyang narinig sa amin. Kaya siya naang nagtuloy.

"Hindi na ninyo matutuloy yan, hindi naman kayo magjowa," sabi ni Aura. "Tapos na ang spur of the moment, mga bakla kayo."

"Mga bakla daw tayo," gulat ko sa mga sinabi ni Aura. Ang totoo, tinitimpla ko ang reaksyon ni J. Pareho ba kaming ng naramdaman. Alam ko kasi lalaki ako at lalaki rin siya, pero bakit gusto naming maghalikan?

"Huwag mong pansinin si Aura," sabi ni J. "Siya ang bakla. Hindi tayo."

Lumuwag ang dibdib ko. Hindi ko kayang maging bakla. At kung espesyal man kami ni J. Anong masama sa pagiging espesyal ng dalawang lalaki sa isa't-isa?


NAHULI kami ni J sa pagbaba, at sa paglabas ng building. Hinintay ako ng mga co-apps ko. Ang mga members, nauna nang umalis. Si J na lang talaga ang naiwan para siguraduhing maayos ang mga aplikante hanggang sa paglabas ng theater. Membership Manager pa rin naman siya.

"Bye Sir J," paalam nina K'tin at ng iba pang mga apps.

"Una na ako, Drei, nasa'yo na ang susi, wag kang gumawa ng kababalaghan sa unit ko," sabi ni Rhonie na tumakbo na papunta sa kotseng huminto. Si Topher ang nagmamaneho.

"Di pa tayo sinabay," sabi ni Brent, isa sa mga co-aps ko. "Ikot ka ba? Sabay na tayo."

"Lakad lang ako, sabi ko," sabi ko. Taga KNL siya. Hinahatid namin siya ni Rhonie dati kapag uwian nang ganitong oras.

"Lakad na lang tayo," sabi ni J. "Kayo, K'tin?"

"Okay na po, mag-aabang na lang kami sasakyan," sabi ng co-app ko.

My Move On BuddyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon