GINAWA ko lahat ng paraan para makaiwas kay Geof pero may mga pagkakataon talaga na kailangan kaming magtapat. Lalo pa at may signature sheets kaming kailangang papirmahan sa mga members.
Sig Sheet. Ito ang notebook ng mga aplikante ng Rep Club. Unang page, ang welcome note at ang picture ng mga members na parang tuwang-tuwa sila sa presence ng mga applicants. Sumunod ang mala slumbook page ng profile naming mga apps. Next ay ang buddy page, profile naman ng buddy namin ang message niya sa amin. Tapos ay mga trivia na kailangan naming alamin. Ano ba ang Rep Club at ano ang pinaninindigan nito? Ano na ang mga sikat nitong productions, sino ang mga sikat na alumni? Nandoon din ang organizational structure. At ang mga codenames ng lahat ng mga members na kailangan namin lagyan ng real name nila. Hindi pa yon, may mga questions pa na page na kailangan alamin namin kung sino ang nagtanong at kung ano ang sagot. Andami nilang paandar para mas makilala namin ang mga members. Atsaka lang iyon masusundan ng mga pages ng attendance namin sa mga workshops, mga meetings, tambay hours at pages para sa mga notes talaga.
Tuwing nakatambay kami sa the Rooftop, laging nakahanda ang mga sigsheet namin dahil hindi namin alam kung sino ang darating. At kung wala naman, ang mga members na bored ang nagtatanong. Nasa twenty rin kaming mga apps na nakatambay nang dumating sina Geof at ilan pang mga member.
"Tapos na bang maglinis ang mga apps?" tanong ni Marian.
"Okay na po," sabi ko at nauna na ako sa mga co-apps ko na mag-abot ng sigsheet para pirmahan niya ang work ko. Pero binuksan niya ang pages ng sigsheet ko.
"Bakti MemCom pa lang ang napapapirma mo?" puna ni Marian sa sigseet ko. " Sila lang ba ang mga members? Malapit na ang interview, at dapat at least half ng members napapirma mo na. Batch head ka pa naman."
Kaya naman naglakas na ako ng loob. Tininingnan ko ang mga members na nasa the Rooftop. Kung nandito sana si J, mas magiging matapang ako, pero kailangan kong kayanin mag-isa. Inuna ko na ang pinaka sa tingin ko ay mahihirapan ako. Si Geof.
"Ako talaga uunahin mo?" sabi ni Geof na hindi mangiti.
Napahinga ako nang malalim at sinubukang magmukhang mabait.
"Tatlong hula," sabi ni Geof sa akin ang maglakas ako ng loob magpapirma sa kanya. "At sa bawat maling hula, may parusa. Ano gusto mong parusa?"
"Kayo na pong bahala," sabi ko habang hawak ang sigsheet na bukas ang page labinlimang codenames na iba-iba pa ang font.
"Magkamali ka muna bago ko sabihin ang parusa mo," Sabi ni Geof.
Pinag-isipan kong mabuti ang isasagot ko.
"Super hunk sir Geof," sabi ko.
"Okay," ngumiti si Sir Geof.
Hindi ako makapaniwalang napaka-give away at napaka narcissistic ng codename niya at nahulaan ko kaagad.
"Isigaw mo ang pangalan ng crush at sabihin mong crush mo siya," utos ni Geof. "Sabihin mo, I crush you."
Mali ako. Sino namang pangalan ang isisigaw ko. Hindi ko alam, perokinabahan ako nang pumasok si J. Ngumiti pa sa akin.
"K'tin!" sigaw ko. "I crush you!"
Kumunot ang noo ni J.
"Napaka-predictable mo naman," sabi ni Geof. "Sige, next time na yung iba. Nandyan na ang tagapagtanggol mo."
"Thank you po," sabi ko.
"Humanda ka na lang sa akin sa Interview."
"NAPAKAPREDICTABLE naman ng K'tin," sabi ni J.
Napagod na yata siyang nakatayo habang kaming mga apps ay nakapaikot sa speaker na nagdi-discuss ng pagsulat ng dula. Medyo nakakaantok magdiscuss, at ang pagtabi ni J, nakapagpagising sa akin. Buti at may kumausap sa akin. Pinaalala pa ang failed kong attempt na pagpapapirma kay Geof.
BINABASA MO ANG
My Move On Buddy
RomanceIsang sumpa ang pagmamahal para kay Andrei dahil nang maramdaman niya ito, ang kaharap niya, si J, isang lalaki rin. Lalaki naman kasi si Andrei. May girlfriend nga siyang naghihintay sa ibang bansa. Lalaki rin si J. Pero dahil sa kung anong koneksy...