Playing It Safe

1.4K 32 17
                                    



PAANO ba magsimula ang isang halikan? Pinagpapaalam pa ba? Kasi wala namang salita pero parang may utos ang mga mata ni J sa pagkakatitig ng mga iyon sa akin

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

PAANO ba magsimula ang isang halikan? Pinagpapaalam pa ba? Kasi wala namang salita pero parang may utos ang mga mata ni J sa pagkakatitig ng mga iyon sa akin. Bahagyang nakabuka ang kanyang mga labi nang lapitan ko sa pag-aakalang para doon ang imbitasyon.

Hindi gumalaw si J. Umatras. Kinabahan ako sa pagbawi ng aking mukha malapit sa kanya.

Umiling siya at hinawakan ang aking mukha. Tapos ay naramdaman ko ang mga labi niya sa aking labi. Malambot, matamis ngunit nakakapag-init. Tapos, hindi na lang mga labi. naramdaman ko ang dila niya sa akin. Hindi ko alam ang susunod na gagawin kaya't ginaya ko na lang. Ito yata ang pakiramdam ng nasa pelikula.

Nag-iba lang ang pakiramdam ko nang mawala ang salansan ng mga daliri ni J sa mga daliri ko. bumitaw ang kamay niya sa akin at naramdaman ko iyon sa aking tiyan, pumapasok sa aking damit pataas na may pagtatangka na itong hubarin.

Pinigilan ko si J. Hindi yun ang pinunta ko sa kung nasaang lugar man ako ngayon. Nalito na ako. Katulad nang pagkalito sa mga mata niya. Natakot akong nagalit sya o naisip na galit ako, dahil hindi. Hindi ko lang gusto ang kamay niya sa katawan ko at kung saan pa iyon mapupunta. Nabasa niya iyon sa aking mga mata at siya naman ang aking naimbita. Siya naman ang muling lumapit sa aking mga labi. Ito ang gusto ko.

Atsaka ako nagising. Walang habas na pagdila ng isang lasa apso sa aking mukha.

Bakit ako nananginip nang ganito? Pangatlong beses na yata ito mula nang Hell Week. Bago naman si J, Si Diane ang huli kong napanaginipang nahahalikan. At hindi ko naramdaman na parang nasa pelikula ang mga sandaling iyon. Bakit si J na ngayon? At bakit ako inihian ng aso ni Rhonie?

"Rhonie," sigaw ni Andrei. "Pinakawalan mo ba si Tootsie. Inihian ako."

"Alam mo namang trained si Tootsie umihi sa CR," sabi ni Rhonie na kinuha ang lasa apso niya.

May boarding house si Rhonie sa Bliss, isang lumang housing project, malapit sa University. Isang linggo na akong border dito habang ina-attend-an ang intensive workshop ng Rep Club. Lahat tungkol sa theater. Mula prod works, acting techniques, technical and artistic aspects at nitong huli, ang advanced playwrighting. Matapos nito, kailangan naming i-mount ang play na sinulat. Bago iyun, kailangan muna naming tapusin ang script. Ito mostly ang pinagpupuyatan namin ni Rhonie. Pero mostly, ako, dahil nagsulat na ako, napagod, nakatulog, hindi umuwi si Rhonie.

"Hindi ako ang nagpakawala," sabi ni Rhonie pagkabalik kay Tootsie sa kulungan at tumuloy sa banyo.

Tumayo ako sa kinatulugan kong sofa. Nandoon pa rin ang laptop, bukas at parang may bumasa na. Matapos tingnan kung na-save, kumuha ako ng pamalit sa duffle bag at sumund na rin sa CR.

"Ang galing naman ni Tootsie, nakakalabas sa kulungang mag-isa?" sabi ko.

May pumasok na lalaking walang katok-katok. May takeout ito na breakfast mula sa McDonalds.

My Move On BuddyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon