Auditions

951 31 5
                                    

NAKATITIG lang ako sa phone ko. Ang dating picture naming magkakabarkada, napalitan na ng picture namin ng mga co-apps ko kasama sina J at Aura. Nakaakbay sa akin si J. Doon ako nakatitig hanggang sa maging itim na ang screen. Wala pa rin.

Tumagilid na ako sa kama at nilagay sa sa isang sulok ang telepono. Bakit ba hinihintay kong magparamdam ang isang taong nagpaalam sa aking matutulog na? Siguro dahil nararamdaman kong tulad ko, nag-iisip din siya kung saan nagsimulang maging mali ang aming usapan. Ako ba? sinira ko ba kung ano mang maganda ang meron sa amin?

Pero hindi pwedeng magkaroon ng maganda sa pagitan namin. At habang iniisip ko ito, may pumasok na ala-ala, ang pagkakadapa ko sa ibabaw niya at pagtama ng labi ko sa labi niya, kasunod nang pangakong hindi pa iyon ang halik, at ipararamdam niya sa akin iyon pag naging member ako. Kailangan ko ngang itulog ito.

Dumating ang araw nang Lunes na wala akong pakialam sa lahat ng post ng mga pina-follow ko sa IG, wala na akong inaabangang comment sa na-comment-an ko sa Twitter at FB. Ang hinahanap ko ay ang kawawala lang. Ang mga tawag ni J na hanggang alas tres. Mga message niyang tulog na tayo goodnight, at umaga na, bangon na. Wala naman akong paki sa mga ito. Pero ngayong nawala, hinahanap ko na.

Tahimik rin ang biyahe ko sa bus. Kahit anong titig ko sa telepono, walang nagdaragdag sa convo namin. Kung pwede lang sanang mabasa niya ang isip ni J, at utusan itong tawagan ako, gagawin ko. Pero hindi ko kaya iyon.

Pero bakit siya ba ang inaasahan ko? kaya ko rin namang gawin yun.

Binuksan ko ang profile ni J. Ano bang pumipigil sa akin para tumawag? Hiya? Kanino naman ako mahihiya? Hindi pa naman ako pinahiya ni J. Tuwing lalapit ako, gumagawa ng paraan si J na ibigay ang gusto ko. Lahat naman ng sorry ko, tinanggap ni J. Anung kailangan kong ikahiya?

Pinindot ko ang call button. Nagsimulang mag-ring ang telepono ni J.

Nakakakaba pala maghintay ng sagot. Pag ako kasi ang tinatawagan, kaya kong titigan lang nag number, pero pag ako ang tumatawag, iba. Lumuluwag lang ang paghinga ko tuwing maririnig ang boses ng babaeng nagsasabing, 'the person you are calling is busy at the moment.' Tapos, dial ulit siya, kakabahan sa pag-ring, tapos hihinga nang maluwag pag walang sumagot.

Alas singko pa lang naman kasi nang umaga to be fair. Baka tulog pa si J.

Deretso ako sa Bliss, sa bahay ni Rhonie. Alas syete na rin kaya't may bumeso na sa akin pagpasok.

"Ang aga mo," bati ni Rhonie.

"Eh wala namang magawa sa bahay," sabi ko. "Patulog na lang muna."

"Okay," sabi ni Rhonie.

Pagkaupo ko sa sofa, may lalaking lumabas sa CR. Towel lang ang saplot nito at dumeretso sa kwarto ni Rhonie. Sa ilang sandali, naintindihan ko siya. Kung may lalaki nga namang ganito ang katawan na tatabi sa kanya, hindi na niya ito lalayuan. Rhonie deserves to be happy.

Nakaramdam ako ng selos. Hindi ko alam kung kanino at bakit, pero nakaramdam ako ng bigat ng loob. Deserve ko namang maging happy rin.


SOBRANG bago ng pakiramdam na ito. Hindi ko maintindihan, kaya hindi ko magawan ng paraan. Pinilit kong mag-focus sa mga klase, sa mga readings, sa mga exams. Kaya ko naman yun. Ang hindi ko kaya eh yung mga break. Yung mga tambay hours na kailangan kong bunuin sa the Rooftop. Hindi na tambay hours ang pinunta ko. Sobra-sobra na yata ako. Kahit na masusungit ang mga members, at naitumba na nila halos kalahati ng batch namin, umaasa akong tatambay rin doon si J at mawawala ang pangamba ko. Pero wala.

"Are these the fresh bloods?" tanong ng isang lalaking di ko matingnan. Ngayon ko lang nakita ito, intimidating. May itsura rin naman. Pero parang anlaki-laki niya. Ang lakas ng dating. Hindi ko inaasahan na sa pagtambay nila sa lobby sa labas ng the Rofftop Theater, may mas nakakatakot pa sa existing list ng mga members.

My Move On BuddyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon