Quick Feedback

251 8 0
                                        

"CONGRATULATIONS Andrei," sabi ni Gabriel. "Great run."

Nagpalakpakan ang lahat para sa akin. Panandaliang nawala ako sa aking pag-iisip sa pagwo-walk-out ni Mommy. Napatingin ako sa ngiti ng mga co-apps ko at mga members. Napangiti ako. Ngayon ko napagkaiba ang pagtanggap sa pagkilala. Pagtanggap yung pinapasok nila ako sa hanay nila, nandoon lang ako. Pagkilala yung ginawa nila akong kabahagi nila na may kasamang pagpapahalaga.

"Thank you po," sabi ko.

Company Call ito kaya't lahat ng taong may kinalaman sa produsyon, nakapalibot para pakinggan ang mga notes sa naganap na dula, para sa mga artista at tao ng produksyon. Dahil last show ko, pinasalamatan na ako sa pagiging bahagi ng play.

Tumingin ako kay J na katabi ko. Bahagya siyang ngumiti at pinisil nang mas mahigpit ang kamay kong nasa ilalaim ng kamay niya. "Congrats."

"Thank you," sabi ko kay J.

"Para saan?" bulong niya.

Tuloy pa rin ang pagsasabi ni Gabriel sa mga comments niya sa mga artista. Yung mga mali sa ilaw, namaling lagay na props, nahuling pasok ng music. Minimal lang naman, nalampasan. Hindi naman napansin ng audience kaya napatawad naman.

Parang itong si J, pinapa-specify pa kung para saan ako thankful.

"Para dito sa lahat," sabi ko. "Ito na yata ang pinakamasaya kong moment."

"Sinamahan lang naman kita," sabi ni J.

"Una, pinilit mo akong mag-apply," sabi ko. "Sinamahan ko lang naman si Rhonie. Pero pinagdala mo pa ako ng costume sa orientation. Nandoon ka nung Interview ko. tapos, ipinaglaban mo ako para magkaroon ng araw dito sa stage. May pabulaklak ka pa."

"Hindi sa akin galing yang bulaklak," sabi ni J.

"Ha?" gulat ko.

"Yeah, other than that, it was all me," tawa ni J. "Pero hindi pa yan ang pinakamasaya. Kapag naging member ka."

"Bakit? Kasi ipaparamdam mo sa akin kung ano ba talaga ang halik?" biro ko. Ito ang gusto ko kapag kasama ko si J, nakakalimutan ko na may problema sa bahay. Kahit papaano, nakakangiti ako. nakakaramdam ako ng mga bagay na hindi ko pa nararamdaman dati. At gusto ko ang pakiramdam.

"You still think of that?" tanong ni J. "Andami na nga nating halik na nagawa."

"Scripted naman kasi yun," sabi ko.

"Well, the last one, hindi naman ganun ang ni-rehearse natin."

"Napansin ko nga," sabi ko.

"Kaya ba napadilat ka at bumawi agad?" tanong ni J. Nawala ang kamay niyang nakapatong sa kamay ko.

Napatingin ako kay J. Hindi ako nakapagsalita.

"Okay lang naman," sabi ni J. "Lagi na lang akong napapahiya sa'yo."

"Hala, J, walang ganon," sabi ko.

"Anong wala?" tanong ni Gabriel. "You wanna share anything?"


"NANOOD si Mommy," sabi ko kay J habang nakatalikod siya at naghuhugas na kamay sa CR. Katatapos lang yata niyang umihi Hindi na kasi namin natuloy ang pag-uusap dahil pinaglayo kami ng upo. Kainan na ulit nang malapitan ko siya. Pero lumayo siya. Sinundan ko na lang siya sa CR at ito nga, mula sa salamin, tiningnan niya ako."Sinabi ko na naman di'ba? binalaan na ako ni Kuya. Sinunod kita, tapusin ko ang show kasi dito ako masaya. Pero nakita na ni Mommy ang ginagawa ko. at hindi nang nagpe-play. Nakikipaghalikan pa sa lalaki. Kapag nakarating ito kay Daddy. Baka kaya nga siya nag-walk-out para madali siyang makauwi at makapag..."

My Move On BuddyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon