AUDITION piece pala ang makakapagbati sa amin ni J. Pero bakit namin kailangang maghalikan. Alam kong iniisip ko pa rin ang sinabi ni J na ipapaalam niya sa akin kung ano ang halik kapag na-induct ako, pero hindi naman ibig sabihin nun na tatanggapin koi yon kapag ginawa niya. Wala sa plano kong makipaghalikan kay J.
"You sure you can kiss?" tanong ni Gabriel.
"Yes," sagot ni J.
"Ikaw Replicant?" tanong ni Marian sa akin.
Nanigas ako sa tanong.
"Is that a no?" sabi ni Gabriel.
Tumingin ako kay J. Anong isasagot ko J? tulungan mo ako. pero walang lumabas sa bibig ko.
"That's a yes," sabi ni J na hindi inaalis ang tingin sa akin.
"App?" sabi ni Marian.
Napahinga ako nang malalim. Hindi naman malalaman nina Mommy at Daddy. Atsaka dito lang naman. Madadaya naman siguro namin ito kapag gagawin na namin sa stage.
"Andrei, ano?" tanong ni Gabriel. "We have actors waiting outside. Naghihintay."
Napatingin sa akin si J. Nagbalik sa akin ang utos niya na mag-audition ako. Gusto niya to para sa aming dalawa. Hindi naman niya ako ipapahamak.
"Opo," sabi ko at humarap kina Marian at Gabriel.
"Opo," sabi ko na napahiya. May sungit din itong Gabriel na ito, mukhang may pinagdaraanan.
"Good," sabi ni Gabriel. "Show me."
Napakilos na lang ako nang naramdaman kong gumalaw si J at humarap sa akin. Napaharap na rin ako sa kanya. Hahalikan ba niya ako? Bumilis ang tibok ng puso ko. Napapikit ako't hinintay na lang ang ibibigay ng kanyang mga labi.
Bigla akong nakaramdam ng init. Hindi naman ako. Parang kay J nanggagaling, sa katawan niya. Marahan, naramdaman ko rin sa kanyang paghinga.
Ang tagal nang bawat sandali ng paghihintay na iyon na namalayan kong ako na ang lumalapit sa mga labi ni J.
"Okay na!" sigaw ni Marian. "Kaya ninyo, that's good. Thank you guys."
"Drei, wala na si J," sabi ni Harry na nagpadilat sa akin.
Binawi na pala ni J ang mukha niya at tuluyan nang tumalikod. Naglalakad na siya palayo pagkadilat ko.
"That's a wrap," sabi ni Gabriel. "Just wait outside for the results."
NIYAYA ko na si Rhonie pababa sa canteen. Pag ganitong may mga event sa Rep Club na lang kami nagkikita. Hindi na rin sabay ang tulog at gising namin kapag nasa Bliss kami. Kaya lang iyon, pagdating sa canteen, nandoon na rin si Topher. Yung dalawang goto na inorder ko, ako na parehas ang uubos.
"Later na lang sa house," sabi ni Rhonie.
Naiwan akong mag-isa. Hindi ako sanay. Alam kong nawala na si Rhonie sa akin noong nakasama niya si Topher. Pero iniwan kasi niya ako kay J noon. Ngayon, wala na rin si J. Mabuti na lang, nandito si Aura.
"Bakit hindi mo kasama ang mga co-apps mo?" tanong ni Aura na tumabi sa akin.
"Kasama ko po si Rhonie kanina," sagot ko.
"Hindi lang si Rhonie ang co-app mo," sabi ni Aura. "Ito, payo lang bilang MemCom Vice Chair. Batchhead ka, oo, pero hindi ibig sabihin noon e pamumunuan mo lang sila. Pwede mo silang kaibiganin. Ganun din sa ibang mga members. Hindi lang sana kay J iikot ang Rep Club life mo."
"Opo," sabi ko.
"Opo lang?" sabi ni Aura. "Hindi ako tumataba sa mga salita, sige lang, bigyan mo pa ako ng marami pa."
BINABASA MO ANG
My Move On Buddy
RomansaIsang sumpa ang pagmamahal para kay Andrei dahil nang maramdaman niya ito, ang kaharap niya, si J, isang lalaki rin. Lalaki naman kasi si Andrei. May girlfriend nga siyang naghihintay sa ibang bansa. Lalaki rin si J. Pero dahil sa kung anong koneksy...