1. The Atty.

241K 4.8K 1.4K
                                    

"Bakasyon mo pala, paboritong pamangkin!"

Ngumiti ako nang marinig ko ang boses ng pinakapaborito kong Uncle. Si Ares Consunji. He came by the house that morning to pick my dad up because of their golf session. I was on the kitchen when he showed up. I walked up to him to give him a kiss on his cheeks.

"Hi Ares!" I greeted him. "Where is Telulah?" I asked.

"With her mom, of course. Nag-uutuan iyong dalawa. Nagpapabili sa Tita Batseng mo ng McLaren. I can afford to buy her but you know how your aunt gets. Where is your old man?" He asked for Papa Hermes. I told him that my father was still upstairs with Mama Nina.

Nagsabi si Ares sa akin na aakyat siya sa taas para puntahan si Papa ako naman ay bumalik sa kusina para ituloy ang paggawa ko ng sandwich.

I was only in town for a couple of days pero babalik din ako sa kampo matapos ang ilang araw na iyon. Hindi ko pa nakakausap ang General ko pero ang huli niyang sinabi sa akin ay sa Mindanao niya ako dadalhin sa susunod kong mission.

Isa ako sa mga napadalang Pilipinong sundalo noong kalagitnaan ng civil war sa Iraq almost three years ago. Ilang baldeng luha ang iniiyak ni Mama sa akin noon 'wag lang akong umalis pero hindi ako nakinig. Ayokong tumulas kay Papa na noong iniyakan siya ng Mama niya ay umalis siya sa serbisyon. Ako, ito na ang buhay ko. I became a soldier for one reason and that is Hyron's death.

Nakulong ang pumatay sa kanya. Hinding-hindi ko makakalimutan ang mukha at pangalan ng babaeng iyon. Her name may sound heavenly but she is the devil. Wala siyang kahit na isang magandang katangian sa pagkatao niya. She killed an innocent man for revenge and I loathed her for that.

"Ate! Genius ka pero apaw na iyang palaman mo sa tinapay mo!" Nagulat ako nang kunin ni Eris ang sandwich na hawak ko. My little sister look at me with pain in her eyes. Alam kong alam niya kung ano na namang iniisip ko. She sighed and touched my face.

"Ate, narinig ko si Mama kagabi. Umiiyak siya kasi noong sinabi mo daw na couple of days ka lang dito, na-sad talaga siya tapos umiyak siya kay Papa. Sabi niya pa kay Pa, patigilin ka na daw sa trabaho mo, na kahit daw itakwil ka pang anak, kung matitigil ka lang daw diyan sa sundalo chuchu mo. Ate ako rin naman, ayokong umaalis ka tapos hindi ko sigurado kung babalik ka. Dalawa lang tayong anak ni Papa at Mama na babae, maging anak ka din sa kanila. Stop na, ate. You're killing our mom every time you wear that uniform and leave the house for another assignment."

Tiningnan ko lang si Eris. She's only seventeen pero napakalawak nang pang-unawa niya sa mga nangyayari sa paligid niya. Tulad ko, genius din siya. Noong elementary siya - accelerated siya sa grade four at noong mag-grade six siya, she was accelerated to grade seven. Kaya sa edad niyang seventeen, nasa third year college na siya.

She was taking up a business course - siya yata ang susunod sa yapak ni Papa. Aral na niya iyong ins and outs sa Consunji Security Systems. Alam ko na kapag nag-retire si Papa, siya na ang papalit dito.

"Ate!"

"What?"

"Why are you so quiet?! Hindi ka naman ganyan dati?! You used to be so jolly and alive!" Sabi pa niya sa akin. Napailing na lang ako.

"Ikaw na nga ang kumain niyang sandwich ko. Aalis muna ako." Paalam ko sa kanya. Lumabas ako ng bahay at nagtungo sa garahe namin. Kinuha ko ang Ducati ko - yes I own a bike. I love big bikes I love the feel of the wind in my hair while I am on the road. Doon kasi, hinahayaan ko ang sarili ko na kumawala mula sa kung nasaan man ako.

Sa dalawang pagkakataon ko lang nararamdaman ang kalayaan - iyon ay kapag sakay ako ni Serji - ang Ducati ko at kapag nasa field ako at hawak ang baril ko. Hindi ko naiisip ang nakaraan kong pilit kong tinatakasan.

ShiverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon