21.Situation

142K 4.3K 1.3K
                                    

                  

From: Plata Babes <3

Msg: Good morning too. How's your sleep.

Bakit ganoon? Simpleng text lang ni Piedro, pakiramdam ko ang dami nang paru-paru sa tyan ko. Hindi ako makahinga tapos nagpapagulong-gulong ako sa kamay. Normal pa ba ito?

Masaya naman ang relasyon naming dalawa. Dahil nga sa kanya naisip ko na napakaselosa ko pala. Sa opisina kasi ng PAO halos babae ang mga kasama ni Piedro at kapag nagpupunta ako doon at nakikita ko silang kinakausap niya at ine-entertain ay nag-iinit talaga ang ulo ko. Noong minsan ay hinatak ko siya palabas ng office nila at sinabi sa kanya na kapag hindi siya umayos, itatatak ko sa noo niya ang pangalan ko.

He just laughed and kissed me. Kapag ganoon ay natutunaw na ang galit ko kaya hindi ko na pinu-push ang away naming dalawa.

To: Plata Babes <3

Msg: Kabado ako. Bakit ka nga daw gusto makausap ng Papa ko?

Iyon pa ang isang problema. Tinawagn ni Papa si Piedro kagabi para sabihin na magkikita silang dalawa ngayon. Gusto ko nga sanang sumama para mapigilan ko si Papa sa mga maaari niyang gawin sa kanya kaya lang nakapangako naman ako kay Telulah na sasamahan ko siya sa outreach program niya sa Bilibid ngayon. Kailangan niya kasi iyon para ma-credit niya ang Community Service niya at hindi na mag-ROTC. Sabi ko nga sa kanya, mas maganda nang mag-ROTC siya para may idea siya kung paano maging sundalo pero ayaw niya talaga.

From: Plate Babes <3

Msg: I got out the first time alive, didn't I? So don't worry, love. I love you. Now get ready, may pupuntahan ka diba...? He.he.he.

I just took a deep breath and sent him a selfie of my smiling face. Matapos iyon ay bumangon na ako at nagbihis. Hindi ko alam kung anong mangyayari mamaya. Tinatanong ko si Papa kagabi pero ang sabi niya lang sa akin ay dalawa lang daw ang magaganap, papayag siya kay Piedro o maaga daw akong mabubyuda.

Isinumbong ko siya kay Mama pero sabi ni Mama Nina sa akin ay pabayaan ko daw si Papa. Ganoon daw mag-cope up ang Hermes niya.

I just shook my head. Matapos kong maligo ay tinawagan ko na si Telulah para sabihin na sunduin na niya ako para sabay na kaming magpuntang dalawa. Ang sabi niya ay parating na daw siya at may dinaanan lang.

Habang naghihintay sa silid ko ay tiningnan ko ang phone ko at tinawagan si Piedro. Sinagot naman niya iyon agad. He must be inside the bathroom, nakakarinig kasi ako ng lagaslas ng tubig.

"Are you getting ready for work?" I asked him. "Kinakabahan ako. May baril ka diba? Baka kasi ayain ka ni Papa na mag-duel." Napakagat labi pa ako.

"Ikaw talaga, Artemis. Can't you just let this go? Everything is gonna be fine." He assured me. "Mamaya, i-text mo ako, kapag natapos na kami ng Papa mo, susunduin kita. Alright?"

"Sige na nga, basta kapag tinutukan ka ni Papa ng baril takbo ka agad ha? Hold, drop and cover!"

"I love you, Artemis. Now, shut up or I'll go over there to kiss you."

"Gusto ko iyon... Dry na nga lips ko... miss na lips mo..." Napangisi ako when he groaned.

"I have to go. Bye." He ended the call. Ako naman ay naghintay lang kay Telulah. Maya-maya ay kumatok na si Oliver sa silid ko para sabihin na nandyan na ang sundo ko.

Nagpaalam na ako sa mga magulang ko. Muli ay kinulit ko si Papa Hermes sa gagawin at pag-uusapan nila ni Plata pero ayaw niya talagang sabihin. I just let it go. Alam naman siguro ni Papa na mahal ko si Plata kaya hindi siya gagawa ng kahit na anong ikasasakit ko.

ShiverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon